backup og meta

Paano Gamitin Ang Lactacyd? Heto Ang Facts Na Dapat Mong Malaman

Paano Gamitin Ang Lactacyd? Heto Ang Facts Na Dapat Mong Malaman

Lactacyd ang tatak ng feminine wash na naglalaman ng lactic acid at lactoserum. Nagbibigay ito ng pang-araw-araw na proteksyon sa feminine area. Paano gamitin ang Lactacyd?

Alamin Ang Mga Pangunahing Kaalaman

Saan ginagamit ang Lactacyd?

Ang lactacyd ay aqueous solution na naglalaman ng surface active substances katulong ng lactic acid na mayroong lactoserum (pH 3.5). Karaniwan itong ginagamit bilang karagdagang gamot sa mga sakit sa balat na sanhi ng bacteria o ng multiple infections. Paano gamitin ang Lactacyd?

Paano gamitin ang Lactacyd?

Maaaring gamitin ang lactacyd sa shower o kapag naliligo bilang liquid soap sa labas ng vaginal area.

  • Maglagay ng kaunting dami sa palad at magsabon;
  • Banlawan nang maigi sa dumadaloy na tubig.

Very mild lang ang lactacyd. Maaari itong gamitin araw-araw. Gamitin ito tuwing nais maramdaman ang pagiging fresh at protektado.

Paano itabi ang Lactacyd?

Pinakamainam na ilagay ang produktong ito sa room temperature na malayo sa sinag ng araw at moisture. Para maiwasan ang pagkasira ng gamot, hindi dapat ito itinatago sa banyo o freezer.

Maaaring may ibang storage needs ang iba pang brand ng gamot na ito. Kaya mahalagang parating tingnan ang pakete ng produkto para sa mga gabay sa pagtatabi nito, o magtanong sa pharmacist. Para sa kaligtasan, kailangang ilayo ang lahat ng gamot sa mga bata at alagang hayop.

Hindi dapat itinatapon ang produktong ito sa inidoro o binubuhos sa drain maliban kung sinabing gawin ito. Mahalagang maayos na maitapon ang produktong ito kapag nag-expire na o hindi na kinailangan pa. Kumonsulta muna sa pharmacist para sa iba pang detalye tungkol sa ligtas na pagtapon ng produktong ito.

Alamin Ang Mga Pag-Iingat At Babala

Ano ang dapat malaman bago gumamit ng Lactacyd?

Bago gumamit ng gamot na ito, ipagbigay-alam sa doktor kung ikaw ay o mayroon ng mga sumusunod:

  • Nagbubuntis o nagpapasuso
  • Umiinom ng iba pang gamot. Kasama dito ang iba pang mga reseta, OTC, at halamang gamot.
  • Allergy sa alinmang sangkap ng produktong ito.
  • Anumang sakit, karamdaman o kondisyong medikal.

Ligtas ba ito tuwing nagbubuntis o nagpapasuso?

Sa kasamaang palad, wala pang sapat na impormasyon sa kaligtasan ng paggamit nito para sa nagbubuntis at nagpapasuso. Ngunit malaki ang posibilidad na ligtas itong gamitin. Ipinapakiusap na parating kumonsulta sa iyong doktor. Makatutulong ito upang matimbang ang mga maaaring benepisyo at panganib bago uminom ng kahit anong gamot.

Alamin Ang Mga Side Effect

Ano ang mga side effect na maaari magmula sa Lactacyd?

Tulad ng lahat ng gamot, maaaring mayroong mga side effect ang Lactacyd. Kung mangyari ang mga side effect, karaniwang mild at nawawala matapos ang gamutan o mababa na ang dose. Kabilang sa ilang mga naitalang side effect:

Subalit hindi lahat ay nakararanas ng mga side effect. Dagdag pa rito, maaaring makaranas ng ibang mga side effect ang ibang mga tao. Kaya kung may ipinag-aalala tungkol sa side effect, ipinapakiusap na komunsulta sa iyong doktor o pharmacist.

Alamin Ang Mga Interaction

Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa Lactacyd?

Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa iba pang mga gamot na kasalukuyang iniinom. Puwedeng magpabago ito sa epekto ng gamot o magpataas ng tsansa ng pagkakaroon ng mga seryosong side effect.

Upang maiwasan ang anumang maaaring drug interaction, magtabi ng listahan ng lahat ng gamot na ginagamit (kabilang na ang prescription drugs, nonprescription drugs, at herbal products). Ipagbigay-alam ito sa iyong doktor o pharmacist.

Nag-i-interact ba ang Lactacyd sa pagkain at alak?

Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago ng epekto ng gamot o pagtaas ng tsansa ng pagkakaroon ng mga seryosong side effect. Ipinapakiusap na makipag-ugnayan sa iyong doktor o pharmacist para sa anumang potensyal na mga food o alcohol interaction bago gamitin ang gamot na ito.

Anong kondisyon sa kalusugan ang maaaring mag-interact sa Lactacyd?

Maaari mag-interact ang gamot na ito sa mga underlying condition. Maaaring palubhain ng interaksyon na ito ang kondisyon ng iyong kalusugan o baguhin ang epekto ng gamot. Samakatuwid, mahalagang parating ipagbigay-alam sa iyong doktor o pharmacist ang lahat ng kondisyong pangkalusugan na kasalukuyang mayroon ka, lalo na ang:

  • Vaginal infection
  • Urinary tract infection

Unawain Ang Dosage

Hindi pamalit sa anumang medical advice ang mga ibinibigay na impormasyon. Samakatuwid, parating kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist bago gumamit ng anumang gamot.

Ano ang dose para sa matanda?

External daily washing: Maglagay ng kaunting dami ng produkto sa kamay. Marahang ilagay ito sa genital area. Banlawan nang maigi. Regular na gamitin lalo na tuwing menstrual period.

Internal Vaginal Hygiene (douching): Tubigan ang vaginal canal hanggang dalawang beses sa isang buwan. Puwede ring gawin ito ayon sa ipinapayo ng iyong doktor.

Infectious Vaginitis: araw-araw na vaginal irrigation tuwing antibiotic treatment

Ano ang dose para sa bata?

Hindi pa natutukoy ang dosage para sa mga batang pasyente. Maaaring hindi ito ligtas para sa iyong anak. Mahalaga parating lubos na maunawaan ang kaligtasan ng gamot bago gamitin. Ipinapakiusap na komunsulta sa iyong doktor o pharmacist para sa iba pang impormasyon.

Paano nakukuha ang Lactacyd?

Available ang Lactacyd sa mga sumusunod na uri ng dosage at kalakasan:

  • Feminine wash 5 mL, 60 mL, 150 mL, 250 mL
  • Wet wipes

Ano ang dapat gawin sa panahon ng emergency o overdose?

Sa panahon ng emergency o overdose, tumawag sa local emergency services o pumunta sa pinakamalapit na emergency room.

Ano ang dapat gawin kung makalimutan ang dose?

Kung makalimot ng dose, gumamit nito sa lalong madaling panahon. Ngunit kung malapit na sa oras ng sunod na dose, laktawan na ang nalimutang dose. Ipagpatuloy na lang ang regular na dose ayon sa iskedyul. Huwag gumamit ng dalawang dose.

Matuto pa tungkol sa Drugs at Supplements dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Lactacyd, https://www.mims.com/philippines/drug/info/lactacyd, Accessed June 11, 2021

Lactacyd, http://www.lactacyd.com/en/, Accessed June 11, 2021

Effects of feminine hygiene products on the vaginal mucosal biome, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3758931/, Accessed June 11, 2021

Role of female intimate hygiene in vulvovaginal health: Global hygiene practices and product usage, https://journals.sagepub.com/doi/full/10.1177/1745505717731011, Accessed June 11, 2021

A 28 Day Clinical Assessment of a Lactic Acid-containing Antimicrobial Intimate Gel Wash Formulation on Skin Tolerance and Impact on the Vulvar Microbiome, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC7168340/, Accessed June 11, 2021

Kasalukuyang Version

01/11/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Para Saan Ang Metamizole?

Ozempic Para Sa Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Malaman!


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement