Isang benzodiazepine na gamot ang Lorazepam. Ang mga benzodiazepine ay CNS depressants na gumagamot sa anxiety, epilepsy, insomnia, at bilang gamot bago magsimula ang operasyon. Alamin pa kung para saan ang Lorazepam.
Sa Pilipinas, isang mapanganib na gamot ang lorazepam at ibinibilang sa schedule IV. Ibig sabihin nito, tanging mga doktor na may S-2 na lisensya lamang ang maaaring magreseta ng gamot na ito.
Alamin ang Pangunahing Kaalaman ukol sa Lorazepam
Para saan ang Lorazepam?
- Insomnia
- Anxiety
- Status epilepticus
- Gamot na binibigay bago ang operasyon o ano man procedure para sa ngipin
Paano ko dapat gamitin ang Lorazepam?
Basahin ang direksyon sa pakete para sa kumpletong impormasyon. Tingnan ang label at petsa ng expiration.
Para sa mga oral dosage form, lunukin ito nang buo nang hindi nginunguya, dinudurog, o tinutunaw sa tubig.
Para sa mga parenteral dosage form, tanging ang lisensyadong healthcare professional ang maaaring magsagawa nito.
Paano ko dapat iimbak ang Lorazepam?
Iimbak ang produktong ito sa room temperature na malayo sa direktang liwanag at basa. Upang maiwasan ang pagkasira ng gamot, huwag itong iimbak sa palikuran o sa freezer.
Maaaring may ibang brand ang gamot na ito na nangangailangan ng magkakaibang paraan ng pag-iimbak. Kaya’t mahalagang palaging tingnan at basahin ang lalagyan ng produkto kung paano ito iiimbak, o magtanong sa parmasyutiko. Para sa kaligtasan, laging ilayo ang mga gamot sa lugar na maaabot ng mga bata at alagang hayop.
Huwag itapon ang produktong ito sa pamamagitan ng pagbuhos sa drainage o palikuran maliban kung sinabi sa panuto. Mahalaga ang tamang pagtatapon ng produktong ito kapag expired na o hindi na kailangan. Kumonsulta sa iyong parmasyutiko upang malaman ang ligtas na pagtatapon nito.
Para saan ang Lorazepam: Mga Pag-iingat at babala
Ano ang dapat kong malaman bago gumamit ng lorazepam?
Bago gamitin ang gamot na ito, ipaalam sa iyong doktor kung mayroon kang/ikaw ay:
- Buntis o nagpapasuso
- May iniinom na iba pang gamot. Kabilang dito ang anumang inireseta, on-the-counter na mga gamot (OTC drugs), at herbal na remedyo
- May allergy sa anumang sangkap ng produktong ito
- May iba pang karamdaman, disorders, o kondisyong medikal
Ligtas ba ang paggamit ng Lorazepam sa buntis at nagpapasuso?
Hindi inirerekomenda ang gamot na ito para sa buntis. May patunay na nagsasabing maaaring mapataas ng lorazepam ang panganib ng pinsala sa bata at mga sintomas ng withdrawal, lalo na sa unang semestre. Palaging kumonsulta sa doktor upang matimbang ang potensyal na mga benepisyo at panganib bago uminom ng anumang gamot.
Nasa pregnancy risk category D ang gamot na ito ayon sa US Food and Drug Administration (FDA).
Batayan ng FDA pregnancy risk category:
- A= walang panganib
- B= walang panganib sa ilang pag-aaral
- C= Maaaring may panganib
- D= Mayroong positibong panganib
- X= Contraindicated
- N= Hindi alam
Para saan ang Lorazepam: Alamin ang mga side effect
Ano ang mga side effect ng Lorazepam?
Gaya ng lahat ng gamot, maaaring may side effect ang produktong ito. Kung mangyari ang mga ito, kadalasang mild lamang ang side effect at nawawala rin sa oras na matapos na ang gamutan o kapag binabaan ang dose. Ilan sa mga naiulat na side effect ang:
- Pananakit at pamumula sa lugar kung saan tinurukan
- Pagkaantok
- Pagbaba ng presyon
- Pagkalito
- Pagkahilo
- Hallucinations
- Delirium
- Depresyon
- Asthenia
- Coma
- Apnea
- Respiratory failure
Gayunpaman, hindi lahat ay nakakaranas ng mga side effect na ito. Dagdag pa, maaaring makaranas ang mga tao ng iba pang side effect na hindi nabanggit dito. Kaya’t kung mayroon kang iba pang alalahanin hinggil sa side effect, kumonsulta sa doktor o parmasyutiko.
Para saan ang Lorazepam: Alamin ang mga interaksyon
Anong mga gamot ang may interaksyon sa Lorazepam?
Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa iba pang gamot na kasalukuyan mong iniinom na maaaring makapagpabago sa epekto ng gamot o makapagpataas ng panganib ng mga seryosong side effect.
Upang maiwasan ang anumang maaaring interaksyon, marapat na magtabi ng listahan ng lahat ng gamot na iniinom at ipagbigay-alam ito sa iyong doktor at parmasyutiko.
Mga gamot na may interaksyon:
- Anesthetics
- Barbiturates
- Antihypertensive agents
- MAOIs
- Antipsychotics
- Antidepressants
- Antiepileptic drugs
- HIV-protease inhibitors
- Cisapride
- CYP450 inhibitors
- Levodopa
- Theophylline, aminophylline
- Scopolamine
- Antacids
- Narcotics, opioids (maaaring nakamamatay)
Kung makaranas ka ng masamang interaksyon ng gamot, ipaalam agad sa iyong doktor upang muling masuri ang iyong treatment plan. Maaaring i-adjust ang dose, palitan, o itigil na ang therapy.
May mga pagkain o alak ba na may interaksyon sa Lorazepam?
Maaaring magkaroon ng interaksyon ang gamot na ito sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago sa kung paano gumagana ang gamot o pataasin ang panganib ng mga seryosong side effect. Huwag uminom ng alak habang gumagamit ng gamot na ito. Iwasang kumonsumo ng suha (grapefruit) at mga produktong may caffeine. Makipag-usap sa iyong doktor o pharmacist tungkol sa anumang potensyal na interaksyon nito sa pagkain o alak bago gamitin.
Anong mga kondisyong pangkalusugan ang maaaring may interaksyon sa Lorazepam?
Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa may iba pang sakit. Maaaring mapasama pang lalo ng interaction na ito ang iyong kalusugan o baguhin ang epekto ng gamot. Kaya naman, mahalagang palaging ipaalam sa iyong doktor o parmasyutiko ang lahat ng kondisyong pangkalusugan na mayroon ka, lalo na ang:
- Glaucoma
- Sakit sa baga
- Sleep apnea
- Kidney impairment
- Liver impairment
Para saan ang Lorazepam: Unawain ang dosage
Hindi pamalit sa anumang medikal na payo ang mga ibinibigay na impormasyon dito. Kaya dapat parating kumonsulta sa iyong doktor o parmasyutiko bago gumamit ng anumang gamot.
Ano ang dose para sa nasa hustong gulang?
Status epilepticus
IV: Gumamit ng 4 mg ng lorazepam bilang isang dose. Maaaring ulitin ng isang beses matapos ang 10-15 minuto kung magpatuloy o umulit ang seizure.
Bago ang operasyon
IV: Gumamit ng 0.05 mg/kg at ibigay 30-45 minuto bago ang operasyon via IV o 60-90 minuto bago ang operasyon via IM.
Oral: Gumamit ng 2 t0 3 mg sa gabi bago ang operasyon at sundan ng 2-4 mg 1-2 oras bago ang procedure.
Acute anxiety
IV/IM: Magbigay ng 0.025 to 0.03 mg/kg, maaaring ulitin matapos ang 6 na oras kung kinakailangan. Ang injection rate ay hindi dapat hihigit sa 2 mg bawat minuto.
Oral: Gumamit ng 1 – 4 mg araw-araw sa magkakahating dose sa loob ng 2 hanggang 4 na linggo.
Insomnia
Oral: Uminom ng 1-2 mg sa oras ng pagtulog
Pagbabago sa dose para sa matatanda
Bawasan ang dose ng kalahati sa normal na dose ng nasa hustong gulang.
Ano ang dose para sa bata?
Status epilepticus
IV: Gumamit ng 2 mg of lorazepam bilang isang dose. Maaaring ulitin nang isang beses matapos ang 10-15 minuto kung nagpatuloy o umulit ang seizure.
Bago ang operasyon
Edad 5 to 13 taon: Magbigay ng 0.5 hanggang 2.5 mg ( 0.05 mg/kg) sa pinakamalapit na 0.5 mg batay sa timbang, na hindi bababa sa isang oras bago ang operasyon.
Paano makakakuha ng Lorazepam?
Available ang Lorazepam sa mga sumusunod na dosage form at strength:
- Tablet: 0.5 mg, 1 mg, 2 mg
- Solution for injection: 2 mg/mL, 4 mg/mL
Ano ang dapat kong gawin sakaling magkaroon ng emergency o overdose?
Sa panahon ng emergency o overdose, tawagan ang iyong local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.