Ano Ang Fugacar?
Ano ang Fugacar? Ito ay ang brand name ng gamot na mebendazole. Ang mebendazole ay isang anthelmintic o pampapurga. Nagiging epektibo ito sa pamamagitan ng pagsira sa digestive at reproductive functions ng mga bulate sa tiyan, na dahilan upang maparalisa o mamatay ang mga ito.
Ang brand na Fugacar ay maaaring hindi mabibili sa Pilipinas. Ang alternatibo nito ay ang Antiox (mebendazole).
Ano Ang Fugacar? Paggamit Nito
Ang fugacar ay kadalasang ginagamit bilang gamot sa isa o magkahalong gastrointestinal infestations na sanhi ng:
- Enterobius vermicularis (pinworm)
- Trichuris trichiura (whipworm)
- Ascaris lumbricoides (large roundworm)
- Ancylostoma duodenale (common hookworm)
- Necator americanus (American hookworm)
Paano Inumin Ang Fugacar?
Ang gamot na ito ay maaaring inumin nang mayroon o walang pagkain. Ang chewable tablet ay dapat nguyain nang mabuti. Kung hindi manguya ng bata o nakatatandang iinom nito, maaaring durugin ang tableta o maaaring ihalo sa malasabaw na pagkain tulad ng applesauce o yogurt.
Paano Itago Ang Fugacar?
Ang gamot na ito ay mainam na itago sa room temperature na malayo sa direktang liwanag at kahalumigmigan. Upang maiwasang masira, huwag itong itago sa banyo o sa freezer. Maaaring may ibang brand ng mebendazole na may ibang paraan ng pagtatago. Kaya mahalagang laging tingnan ang packaging upang alamin ang panuto sa pagtatago nito, o tanungin ang iyong pharmacist. Bilang pag-iingat, dapat ilayo ang lahat ng gamot sa mga bata at alagang hayop.
Hindi dapat ito itapon sa inodoro o sa lababo maliban kung pinayuhang gawin ito. Dagdag pa, mahalagang itapon ito nang mabuti kung expired o hindi na kailangan. Kumonsulta sa iyong pharmacist para sa karagdagang detalye tungkol sa ligtas na pagtatapon nito.
Ano Ang Fugacar? Mga Pag-Iingat At Babala
Ano Ang Dapat Malaman Bago Uminom Ng Fugacar?
Kumonsulta sa iyong doktor kung ikaw ay o may:
- Buntis o nagpapasuso
- Umiinom ng iba pang gamot. Kabilang dito ang gamot na may reseta, gamot na walang reseta, tulad ng halaman at complementary na gamot.
- Allergy sa anomang sangkap ng fugacar o ng ibang gamot
Ligtas Ba Itong Inumin Habang Nagbubuntis o Nagpapasuso?
Walang sapat na pag-aaral upang matukoy ang kaligtasan ng pag-inom ng gamot na ito habang nagbubuntis o nagpapasuso. Laging kumonsulta sa iyong doktor upang malaman ang mga posibleng benepisyo at panganib ng pag-inom ng anomang gamot.
Ang gamot na ito ay pregnancy risk category C ayon sa US Food and Drug Administration (FDA).
Ang mga kategorya ng FDA pregnancy risk ay ang mga sumusunod:
- A= walang panganib
- B= walang panganib ayon sa ibang pag-aaral
- C= maaaring may ilang panganib
- D= may positibong ebidensya ng panganib
- X= hindi ipinapayong gamitin
- N= hindi alam
Ano Ang Fugacar? Mga Side Effect
Anu-Anong Side Effects Ang Maaaring Maranasan Sa Pag-Inom Ng Fugacar?
Ang Fugacar ay maaaring maging sanhi ng mga sumusunod na side effects:
- Pananakit o hindi magandang pakiramdam sa bahagi ng tiyan
- Pagtatae
Ang side effects ay hindi nararanasan ng lahat ng umiinom nito. Dagdag pa, may ilang nakararanas ng iba pang side effects. Kaya kung ikaw ay may alalahanin tungkol sa mga ito, kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist.
Ano Ang Fugacar? Mga Interaksyon
Anu-Anong Mga Gamot Ang Maaaring May Interaksyon Sa Fugacar?
Ang gamot na ito ay maaaring may interaksyon sa iba pang gamot na kasalukuyang mong iniinom. Ito ay maaaring makapagpabago sa epekto ng gamot sa iyo o makapagpataas ng tyansa ng malubhang side effects. Upang maiwasan ang anomang posibleng drug interactions, mahalagang magkaroon ng listahan ng mga gamot na iyong iniinom (kabilang na ang gamot na may reseta, gamot na walang reseta, at halamang gamot) at sabihin ito sa iyong doktor o pharmacist. Para sa iyong kaligtasan, huwag uminom, itigil, o baguhin ang dosage ng anomang gamot nang walang pahintulot ng iyong doktor.
Iwasan ang pag-inom ng Fugacar na may metronidazole, cimetidine. Ang cimetidine ay maaaring makapigil sa metabolismo ng mebendazole. Ito ay maaaring humantong sa pagtaas ng lebel ng plasma ng mebendazole.
May Interaksyon Ba Ang Pagkain At Alak Sa Fugacar?
Ang gamot na ito ay maaaring may interaksyon sa pagkain o alak. Dahil dito, maaaring mabago ang epekto ng gamot o tumaas ang tyansa ng malubhang side effects. Itanong sa iyong doktor o pharmacist ang anomang posibleng interaksyon ng pagkain o alak bago ito inumin.
Anu-Anong Mga Medikal Na Kondisyon Ang Maaaring May Interaksyon Sa Fugacar?
Ang gamot na ito ay maaaring may interaksyon sa iba pang mga medikal na kondisyon. Maaari nitong mapalubha ang kondisyon o mabago ang epekto ng gamot. Kaya mahalagang laging ipagbigay-alam sa iyong doktor o pharmacist ang iyong kasalukuyang kondisyon, lalo na ang:
- Sakit sa atay. Subaybayan ang hematologic parameters at ang liver function tests habang sumasailalim sa pangmatagalang gamutan.
Dosage
Ang mga impormasyong ito ay hindi pamalit sa anomang payong medikal. Kaya, laging kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist bago uminom ng anomang gamot.
Ano Ang Dose Para Sa Isang Nakatatanda?
Uminom ng isang tableta sa bawat pag-inom. Maaaring irekomenda ng iyong doktor ang pag-inom ng isang tableta nito kada 3 hanggang 4 na buwan.
Ano Ang Dose Para Sa Isang Bata?
Para sa mga bata na mahigit dalawang taong gulang, ibigay ang dose na katulad ng sa mga nakatatanda.
Ang dose para sa mga batang edad 2 pababa ay hindi pa tiyak. Kumonsulta sa isang pediatrician para malaman ang tamang dose.
Anong Fugacar Ang Maaaring Mabili?
Ang gamot na ito ay maaaring mabili sa mga sumusunod na anyo at lakas ng dosage:
Ano Ang Maaari Kong Gawin Kung Emergency o Kung Na-Overdose?
Kung emergency o na-overdose, tumawag ng ambulansya o pumunta sa pinakamalapit na ospital.
Ano Ang Maaari Kong Gawin Kung Nakalimutan Kong Uminom?
Kung nakalimutang uminom, inumin ito sa lalong madaling panahon. Ngunit kung malapit na rin namang inumin ang kasunod na dose, huwag nang inumin ang nakalimutang dose at inumin na lamang ang regular na dose sa tamang oras. Huwag uminom ng dalawang dose sa isang pagkakataon.
Matuto pa tungkol sa Drugs at Supplements dito.