Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD · Pharmacology
Ano ang carbimazole? Ito ay isang antithyroid drug na gamot sa hyperthyroidism o sa isang overactive thyroid gland. Ang isang overactive thyroid gland ay maaaring lumaki at maging goiter.
Ang carbimazole ay mabibili bilang isang oral tablet. Ito ay dapat inumin nang hindi nginunguya o dinudurog. Maaari itong inumin sa tuwing katatapos kumain.
Ang gamot na ito ay mainam na itago sa room temperature na malayo sa direktang liwanag at kahalumigmigan. Upang maiwasang masira, huwag itong itago sa banyo o sa freezer.
Maaaring may ibang brand ng gamot na ito na may ibang paraan ng pagtatago. Kaya mahalagang laging tingnan ang packaging upang alamin ang panuto sa pagtatago nito, o tanungin ang iyong pharmacist. Bilang pag-iingat, dapat ilayo ang lahat ng gamot sa mga bata at alagang hayop.
Hindi dapat ito itapon sa inodoro o sa lababo maliban kung pinayuhang gawin ito. Dagdag pa, mahalagang itapon ito nang mabuti kung expired o hindi na kailangan. Kumonsulta sa iyong pharmacist para sa karagdagang detalye tungkol sa ligtas na pagtatapon nito.
Bago uminom ng gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay o may:
Ang carbimazole ay gamot na kabilang sa pregnancy risk category D. Hindi dapat ito ibigay sa mga nagbubuntis maliban na lamang kung lubhang kailanganin. May positibong ebidensya na ito ay nagiging sanhi ng problema sa kalusugan ng sanggol pagkasilang pa lamang.
Ito ay dumadaan sa placenta at humahalo sa gatas ng ina. Ligtas ang pagpapasuso kung mababa ang iniinom na dose ng ina. Kung mataas ang dose, dapat itigil ang pagpapasuso.
Katulad ng lahat ng mga gamot, ang carbimazole ay maaaring may side effects. Kung mangyari ito, kadalasang ang mga ito ay hindi gaanong malubha at nawawala kung tapos na ang gamutan o kung ibinaba ang dose. Ang ilang mga naitalang side effects ay ang mga sumusunod:
Agad na magpakonsulta sa doktor kung ikaw ay nakararanas ng alinman sa mga malulubha, posibleng nakamamatay na side effects ng gamot na ito:
Gayunpaman, ang side effects ay hindi nararanasan ng lahat ng umiinom nito. Dagdag pa, may ilang nakararanas ng iba pang side effects. Kaya kung ikaw ay may alalahanin tungkol sa mga ito, kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist.
Ang gamot na ito ay maaaring may interaksyon sa iba pang gamot na kasalukuyang mong iniinom. Ito ay maaaring makapagpabago sa epekto ng gamot sa iyo o makapagpataas ng tyansa ng malubhang side effects.
Upang maiwasan ang anomang posibleng drug interactions, mahalagang magkaroon ng listahan ng mga gamot na iyong iniinom (kabilang na ang gamot na may reseta, gamot na walang reseta, at halamang gamot) at sabihin ito sa iyong doktor o pharmacist.
Kung ikaw ay makaranas ng matinding drug interaction, agad na ipagbigay-alam ito sa iyong doktor upang muling masuri ang iyong plano ng iyong gamutan. Ang mga maaaring gawin ay ang pagsasaayos ng dose, pagpapalit ng gamot, o pagtapos sa gamutan.
Ang gamot na ito ay maaaring may interaksyon sa pagkain o alak. Dahil dito, maaaring mabago ang epekto ng gamot o tumaas ang tyansa ng malubhang side effects. Huwag uminom ng alak habang umiinom ng gamot na ito. Itanong sa iyong doktor o pharmacist ang anomang posibleng interaksyon ng pagkain o alak bago ito inumin.
Ang gamot na ito ay maaaring may interaksyon sa iba pang mga medikal na kondisyon. Maaari nitong mapalubha ang kondisyon o mabago ang epekto ng gamot. Kaya mahalagang laging ipagbigay-alam sa iyong doktor o pharmacist ang iyong kasalukuyang kondisyon, lalo na ang:
Ang mga impormasyong ito ay hindi pamalit sa anomang payong medikal. Kaya, laging kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist bago uminom ng anomang gamot.
Hyperthyroidism
Hyperthyroidism
Ang gamot na ito ay maaaring mabili sa mga sumusunod na brand, dosage, at lakas:
Kung emergency o na-overdose, tumawag ng ambulansya o pumunta sa pinakamalapit na ospital.
Kung nakalimutang uminom, inumin ito sa lalong madaling panahon. Ngunit kung malapit na rin namang inumin ang kasunod na dose, huwag nang inumin ang nakalimutang dose at inumin na lamang ang regular na dose sa tamang oras. Huwag uminom ng dalawang dose sa isang pagkakataon.
Matuto pa tungkol sa Drugs at Supplements dito.
Disclaimer
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap