backup og meta

Pagpili Ng Sapatos Para Sa Diabetic: Ano Ang Dapat Alalahanin?

Pagpili Ng Sapatos Para Sa Diabetic: Ano Ang Dapat Alalahanin?

Ang hindi makontrol na blood sugar ay maaaring humantong sa diabetes at maraming iba pang mga malulubhang problema. Isa na rito ang mga sakit na may kaugnayan sa mga binti at paa. Alam mo ba kung paano pumili ng sapatos para sa mga diabetic? Alamin sa artikulong ito ang tungkol sa mga sapatos para sa taong may diabetes.

Bakit may mas mataas na tyansang magkaroon ng problema sa paa ang mga diabetic?

Ang mataas na blood sugar ay may epekto sa mahinang sirkulasyon ng dugo, na nakasisira sa mga ugat ng mga paa, at nagiging sanhi ng “foot nerve damage.” Ang pasyenteng may ganitong kondisyon ay nakararanas ng pamamanhid ng mga paa. Halimbawa, hindi niya napagtatantong injured ang kanyang binti. Ito ay maaaring humantong sa iba pang mga malulubhang problema.

Maaaring makapagpabago sa hugis ng paa ang pagkasira ng ugat. Ang mga bukas na sugat ay maaaring lumitaw sa mga daliri ng paa o sa talampakan, na nagiging sanhi ng pananakit.

Ang ilang bahagi ng balat ay maaaring tumigas at mawalan ng pakiramdam. Sa mas malubha ng kaso, ang diabetics ay maaaring makaranas ng mga komplikasyon na nagiging sanhi ng spasms ng daliri ng paa.

Paano pumili ng sapatos para sa diabetic?

Maaaring lumubha ang kondisyon kung gagamit ng hindi naaangkop na pares ng sapatos. Ang masyadong masikip na sapatos ay maaaring maging sanhi ng impeksyon sa maliliit na sugat sa paa. Narito ang tips kung paano pumili ng sapatos para sa diabetic, o sapatos na angkop para sa mga may diabetes.

1. Gumamit ng canvas na sapatos sa halip na mga leather na sapatos

Pumili ng malambot na canvas na sapatos, na may mga sintas upang mabago ang fit. Tandaang magsuot ng malambot na medyas upang maiwasan ang pagkakakuskos ng mga sugat.

2. Gumamit ng strappy sandals sa halip na saradong sapatos

Sa pamamagitan ng sandals, nananatiling tuyo ang mga paa, hindi constrained at hindi komportable.

3. Magpa-customize ng sapatos

Ang diabetics ay kailangang pumili ng mga sapatos na may tamang sukat, kaya ang mga pinasadyang sapatos ay ang pinakamainam na opsyon.

4. Ayusin ang sapatos upang magkasya

Huwag agad upang itapon ang iyong lumang sapatos. Sa halip, maaaring ganap na baguhin ang mga ito upang umangkop sa mga paa sa pamamagitan ng pagbili ng maraming pads o insoles!

Ang taong may diabetes ay nangangailangan ng higit na atensyon. Ang alalahaning ito kung minsan ay simpleng pagpili ng tamang sapatos. Hindi lamang nito napabubuti ang kanilang kalusugan, ngunit nakatutulong din sa kanila na mamuhay nang mas masaya araw-araw.

Key Takeaways

Dahil ang diabetes ay nakaaapekto sa sirkulasyon ng dugo at sa pandama, ang pagtugon sa mga sugat sa paa ay mahalaga lalo na’t ang paggaling ng sugat ay apektado din ng diabetes. Upang matiyak ang kalusugan ng paa at kadaliang kumilos, gumawa ng mga karagdagang pag-iingat pagdating sa ginagamit na sapatos at kalusugan ng paa. Pumili ng sapatos para sa diabetic na hindi masikip, komportable, at nagbibigay pa rin ng sapat na proteksyon habang ginagawa ang pang-araw-araw na gawain.

Matuto pa tungkol sa mga komplikasyon ng diabetes dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Diabetes and foot care, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/diabetes/expert-answers/diabetes-foot-care/faq-20461158, Accessed May 21, 2022

Diabetes: How to put y our best foot forward, https://www.mayoclinichealthsystem.org/hometown-health/speaking-of-health/diabetes-put-your-best-foot-forward, Accessed May 21, 2022

Diabetic foot, https://medlineplus.gov/diabeticfoot.html, Accessed May 21, 2022

Kasalukuyang Version

03/10/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Mangyayari Kapag Hindi Makontrol Ang Iyong Blood Sugar?

Paggamot sa Diabetic Neuropathy: Paano Mo Gagamutin ang Pananakit ng Nerve?


Narebyung medikal ni

Dexter Macalintal, MD

Lifestyle Medicine, Registered Nutritionist Dietitian


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement