backup og meta

Komplikasyon ng diabetes, anu-ano ang mga ito? Alamin dito!

Komplikasyon ng diabetes, anu-ano ang mga ito? Alamin dito!

Ang komplikasyon ng diabetes ay nakakaapekto sa milyun-milyong tao. Kahit na i-manage ito gamit ang gamot, marami pa ring untreated diabetes. Hindi rin maitatanggi na kahit nagkaroon ng pagbabago sa lifestyle — kung minsan ay hindi pa rin ito nakasasapat.

Dagdag pa rito, ang kawalan ng access sa healthcare, o hindi pagsunod sa utos ng kanilang doktor ay pwedeng humantong sa major complications ng diabetes.

Ngunit ano nga ba ang mga komplikasyong ito? Anong mga seryosong problema sa kalusugan ang maaaring taglayin ng mga taong may untreated diabetes?

Pangunahing Komplikasyon ng Diabetes

Nakakaapekto ang diabetes sa maraming sistema ng katawan. Ito’y dahil ang mataas na blood sugar levels ay pwedeng magdulot ng pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Tulad ng nerves, mga daluyan ng dugo, atbp. Sa paglipas ng panahon, ang pinsalang ito ay humahantong sa ilang malalaking komplikasyon. Ang mga komplikasyong ito ay dahilan kung bakit ang diabetes ay pwedeng maging nakamamatay na sakit.

Nangyayari ito, kung hindi kayang pangasiwaan ng isang tao ang kanilang kondisyon. Dito, mag-uumpisa ang malalaking komplikasyon. At sa paglipas ng panahon, ang mga komplikasyong ito ay maaaring lumala. Kung saan, pwede itong humantong sa kamatayan. Kaya mahalagang malaman ng mga tao ang mga komplikasyon na dala ng diabetes. Para mas mapangalagaan nila ang kanilang kalusugan.

Narito ang ilan sa mga karaniwang komplikasyon na pwedeng mangyari kung hindi mapangasiwaan ng isang tao ang kanilang kondisyon:

Mga Problema sa Cardiovascular

Ang isa sa mga pangunahing komplikasyon ng diabetes ay ang pagkakaroon ng cardiovascular problems. Ipinakita ng mga pag-aaral na ang taong may diabetes ay may dobleng panganib na magkaroon ng cardiovascular problems. Kumpara sa mga indibidwal na walang diabetes.

Sa madaling sabi, hindi lamang ang diabetes ang kailangan mong i-manage. Kailangan din magsagawa ng mga hakbang upang mapababa ang risk ng mga problema sa cardiovascular. Kasama na dito sa problemang cardiovascular ay ang pagkaroon ng heart attacks o mga bara sa puso. 

Komplikasyon ng diabetes: Altapresyon

Bukod sa cardiovascular problems, ang mga diabetic ay pwede ring dumanas ng high blood pressure. Ito’y dahil ang mataas na blood sugar level ay maaaring makapinsala sa mga daluyan ng dugo sa katawan. Kung saan, ito ang nagiging dahilan upang maging matigas ang mga ito. Kapag nangyari ito, pwedeng tumaas ang presyon ng dugo — at maaari itong humantong sa cardiovascular disease.

Mga Problema sa Mata

Isa pa sa mga pangunahing komplikasyon ng diabetes ay ang pagkakaroon ng eye problems. Nagaganap ito dahil ang high blood sugar ay pwedeng makapinsala sa mga ugat ng isang tao. Sa paglipas ng panahon, maaaring lumala ang paningin ng isang tao. Hanggang sa sila’y mabulag ng tuluyan. Ito’y kilala sa tawag na diabetic retinopathy.

Kapag nagsimula na ito, hindi na ito maibabalik. Kaya mahalagang pigilan ito sa simula pa lang.

Mga Problema sa Bato

Ang mga problema sa bato ay isa pang posibleng komplikasyon ng diabetes. Nadedebelop ito, dahil na rin sa mataas na lebel ng blood pressure, at mataas na blood pressure. Maaari itong makapinsala sa mga bato ng isang tao. Kapag nangyari ito, ang kakayahan ng bato na gumana ay pwedeng maapektuhan nang husto.

Sa mas matinding mga kaso, ang bato ay pwedeng masira hanggang sa punto na hindi na ito gumana. Kung mangyari ito, pwedeng kailanganin ang dialysis o isang organ transplant.

Komplikasyon ng diabetes: Nerve damage

Bukod sa nerves sa mata, ang diabetes ay pwedeng magdulot ng nerve damage sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Ang kondisyong ito ay tinatawag na diabetic neuropathy. Kung saan, ang mga bahagi ng katawan na kadalasang apektado ay ang mga kamay at paa.

Kadalasang nakakaramdam ng pamamanhid sa kanilang mga kamay o paa ang mga pasyente. Minsan naman, nagkakaroon ng isang pakiramdam na para bang may tumutusok na pins at karayom. Sa paglipas ng panahon, pwede mawala ang lahat ng sensasyon sa kanilang mga paa’t kamay. Maaari itong maging isang seryosong problema. Sapagkat, kung sila ay magkaroon ng anumang mga sugat. Pwedeng hindi nila ito agad mapansin. Ang sugat ng mga diabetic ay mabagal ding gumagaling. Kung ang kanilang sakit ay hindi nama-manage. Kaya ang kombinasyon ng factors na ito ay pwedeng humantong sa mga malalang impeksiyon. Tandaan rin, kung hindi agad na magagamot, maaaring kailanganin putulin ang nahawaang paa.

Key Takeaways

Hindi dapat balewalain ng mga tao ang diabetes. Ang mga epekto nito sa katawan ay hindi agad lilitaw. Subalit, kapag nangyari ito, lahat ng uri ng mga problema ay pwedeng magsimulang mag-pop up. Ito ang dahilan kung bakit mahalagang pangasiwaan ng mga diabetic ang kanilang kondisyon. Para maiwasan nila ang mga pangunahing komplikasyon ng diabetes na pwedeng maganap.

Matuto pa tungkol sa Diabetes dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

  1. Diabetes – Symptoms and causes – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/diabetes/symptoms-causes/syc-20371444, Accessed October 7, 2021
  2. Diabetes Complications | ADA, https://www.diabetes.org/diabetes/complications, Accessed October 7, 2021
  3. Complications of diabetes – Living with diabetes – Diabetes NSW & ACT, https://diabetesnsw.com.au/living-with-diabetes/complications-of-diabetes/, Accessed October 7, 2021
  4. Complications of diabetes | Guide to diabetes | Diabetes UK, https://www.diabetes.org.uk/guide-to-diabetes/complications, Accessed October 7, 2021
  5. Complications, https://www.idf.org/aboutdiabetes/complications.html, Accessed October 7, 2021

Kasalukuyang Version

06/14/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Mangyayari Kapag Hindi Makontrol Ang Iyong Blood Sugar?

Paggamot sa Diabetic Neuropathy: Paano Mo Gagamutin ang Pananakit ng Nerve?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement