backup og meta

Epekto ng Diabetes sa Mata, Ano Nga Ba?

Epekto ng Diabetes sa Mata, Ano Nga Ba?

Ang diabetes ay isang sakit na nakasisira sa kakayahan ng ating katawan na gumamit ng asukal. Ito ay nagdudulot ng maraming pagbabago sa katawan ng isang tao.  Maaari rin itong magdulot ng maraming kondisyon, tulad ng naantalang paggaling ng sugat, pinsala sa ugat na humahantong sa mga problema sa paa, o mga impeksyon sa balat. Sa lahat ng posibleng komplikasyon, paano mo malalaman ang epekto ng diabetes sa mata?

Epekto ng Diabetes sa Mata: Diabetes at Paningin

Paano mo malalaman kung may epekto ng diabetes sa iyong  mata? Upang masagot ang tanong na ito, dapat nating tukuyin ang diabetic retinopathy at kung paano ito nakakaapekto sa retina.

Ang retina ay isang espesyal na tissue para sa paningin, na nagko-convert ng nakikitang liwanag sa mga signal na nakikita ng utak. Ang natatanging vascular system ng retina ay nagbibigay ng mga sustansya at oxygen sa panloob at panlabas na retina, ito ay mahalaga para sa pagdama ng liwanag.

Ang diabetic retinopathy ay isa sa maraming komplikasyon ng diabetes. Ito ay nangyayari kapag ang mga daluyan ng dugo ng light-sensitive retina ay nasira.

Bagama’t ang type 1 at type 2 na diabetes ay maaaring maging sanhi ng kondisyon ng mata, ang mga taong may diabetes sa mas matagal na panahon ay magkakaroon ng mas mataas na panganib na magkaroon nito. Bukod pa rito, kung gaano kahusay na mapamahalaan ang iyong blood-glucose ay nakakaapekto rin sa panganib na magkaroon ng diabetic retinopathy.

Type 1 Diabetes at Type 2 Diabetes Ano Ang  Pagkakaiba?

Proliferative diabetic retinopathy ay mapanganib at maaaring mawala hindi lamang ang iyong peripheral vision, kundi pati na rin ang iyong central vision.

Epekto ng Diabetes sa Mata: Paano masasabing nangyayari ito?

Ang isang tao sa mga unang yugto ng diabetic retinopathy ay maaaring makaranas ng ilang mga palatandaan at sintomas at hindi ito gaano alintana. Maaaring nahihirapan silang makakita ng malalayong bagay at nahihirapang magbasa, ngunit maaaring panandalian lamang ang mga palatandaang ito.

Kung iyon ang kaso, paano mo malalaman ang epekto ng diabetes sa mata? Sa kasamaang palad, maaari mo lamang mapansin ang mga ito kapag ikaw ay nasa advanced na yugto ng retinopathy dahil ang karamihan sa mga pasyente na nagkakaroon nito ay walang mga sintomas hanggang sa mga huling yugto ng kondisyong ito.

Ang pinaka karaniwang mga palatandaan at sintomas ay kinabibilangan ng:

  • Ang pagkakaroon ng mga floaters sa iyong paningin; ang mga ito ay nasa anyo ng mga itim na kuwerdas (cobwebs), mga spot na lumulutang sa iyong paningin
  • Malabo at pabago-bagong paningin
  • Madilim na bahagi sa iyong paningin
  • May kapansanan sa kulay na paningin; mapapansin mo na ang mga kulay ay tila “washed out” o kupas
  • Mahina ang paningin sa gabi
  • Nawala ang paningin

Paano mo malalaman ang epekto ng diabetes sa mata?

Kailangan mong bigyang-pansin ang pagkakaroon ng mga floaters. Ito ay dahil ang mga floaters ay madalas na nagpapahiwatig na ang mga daluyan ng dugo ng retina ay dumudugo at ang dugo ay tumatagos na sa vitreous part ng mata.

Kung may kaunting pagdurugo, maaari kang makakita ng ilang floaters. Sa kabilang banda, kung ang mga daluyan ay dumudugo nang husto (vitreous hemorrhage), kung gayon maaari itong ganap na humarang sa iyong paningin.

Kahit na may posibilidad na ang mga floaters ay mawala nang kusa, huwag pansinin ang mga ito. Kung walang tamang paggamot, ang pagdurugo ay maaaring magpatuloy o maulit, na magpapalala sa sitwasyon.

Paggamot

Bago humingi ng paggamot, ang pinaka mainam na unang gawin ay humingi ng propesyonal na tulong upang kumpirmahin ang diagnosis. Ang diabetic retinopathy ay pinakamahusay na masusuri sa pamamagitan ng isang komprehensibong dilated eye exam.

Sa mga unang yugto ng diabetic retinopathy, maaaring subaybayan lamang ng doktor ang kalagayan ng  iyong mga mata. Ito ay kadalasang nangyayari para sa banayad at katamtamang non-proliferative diabetic retinopathy.

Ang pinakamahusay na paraan ng pagkilos sa puntong ito ay ang pagkonsulta sa iyong doktor ng diabetes o endocrinologist tungkol sa pamamahala ng asukal sa dugo.

Para sa mga advanced na yugto ng diabetic retinopathy, kinakailangan ang agarang paggamot. Kasama sa mga pamamaraan ng paggamot ay ang sumusunod: 

  • Mga iniksyon. Ang doktor ay maaaring mag-iniksyon ng ilang gamot upang magsagawa ng reverse diabetic retinopathy. Kung hindi posible ang pagbabalik, ang pag-iniksyon ay maaaring makapagpabagal sa pag-progress ng sakit.
  • Laser na paggamot. Maaari ka ring sumailalim sa laser treatment upang paliitin ang mga daluyan ng dugo at itigil ang pagtagas. Makakatulong ito na pigilan ang pamamaga ng retina.
  • Vitrectomy. Kapag may vitreous hemorrhage, maaaring payuhan ng doktor na alisin ang ilan o lahat ng vitreous humor. Naaangkop din ito kung mayroon kang malaking pagkakapilat. Sa panahon ng vitrectomy, inaalis ng doktor ang parang gel na substance sa loob ng mata, na nagpapahintulot sa iyong doktor na linisin ang anumang natitirang dugo at alisin ang scar tissue. Ang vitreous fluid ay pinapalitan ng isa ring likido.

Key Takeaways

Paano mo malalaman ang epekto ng diabetes sa mata? Mahirap makita ang mga palatandaan sa mga unang yugto nito. Gayunpaman, sa sandaling makita, maaari kang humingi ng agarang paggamot sa sakit. Ngunit hindi ito isang garantiya na mapipigilan mo ang kondisyon.
Upang mabawasan ang panganib na magkaroon ng diabetic retinopathy, binibigyang-diin ng mga eksperto ang pangangailangang pangasiwaan ang kondisyon, ang diabetes.
Nangangailangan ito ng isang malusog na pamumuhay at pagkontrol sa mga antas ng glucose sa dugo. Bukod pa rito, lahat ng mga diabetic ay dapat magkaroon ng dilated eye exam taon-taon upang masubaybayan ang kalagayan ng kanilang mga mata.

Matuto pa tungkol sa Diabetes dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Diabetes
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/diabetes/symptoms-causes/syc-20371444
Accessed June 30, 2020

Diabetic retinopathy
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/diabetic-retinopathy/symptoms-causes/syc-20371611
Accessed June 30, 2020

Diabetic Retinopathy
https://www.nei.nih.gov/learn-about-eye-health/eye-conditions-and-diseases/diabetic-retinopathy#:~:text=Diabetic%20retinopathy%20is%20an%20eye,at%20least%20once%20a%20year.Accessed June 30, 2020

What Is Diabetic Retinopathy?
https://www.aao.org/eye-health/diseases/what-is-diabetic-retinopathy, Accessed June 30, 2020

Diabetes Complications: Diabetic Retinopathy
https://www.diabetes.co.uk/diabetes-complications/diabetic-retinopathy.html

Accessed June 30, 2020

Kasalukuyang Version

12/12/2022

Isinulat ni Lorraine Bunag, R.N.

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Mangyayari Kapag Hindi Makontrol Ang Iyong Blood Sugar?

Paggamot sa Diabetic Neuropathy: Paano Mo Gagamutin ang Pananakit ng Nerve?


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Lorraine Bunag, R.N. · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement