Habang ang ating katawan ay matatag, may tiyak na balanse na kailangan na panatilihin upang manatiling maayos ang function at malusog. Ang sobrang dami at sobrang konti ng mga bagay ay maaaring magpawala ng balanse. Maaari itong maging sanhi ng problema mula sa simpleng tigyawat, hanggang sa mahabang kondisyon, tulad ng rheumatoid arthritis. Mayroon ding mga kaso na maaaring sa kasamaang palad na maging nakamamatay dahil sa mga sakit tulad ng iba’t ibang porma ng cancer. Dito papasok ang chemotherapy. Ang iba’t ibang uri ng gamot sa chemotherapy ay hindi kanais-nais dahil sa pagdami ng cells na nagiging sanhi ng problema sa katawan.
Ngunit sa pagiging epektibo ng chemotherapy, dahil sa malawak na mga posibleng sakit, mayroong iba’t ibang uri ng chemotherapy. Maging ang kombinasyon ng gamot at application ng nasabing gamot ay mas akma sa tiyak na uri ng sakit na dapat paggamitan.
Basahin upang matutuhan ang tungkol sa iba’t ibang gamot sa chemotherapy at ang kanilang posibleng side effects.
Uri ng gamot sa chemotherapy at ang kanilang side effects
Dahil sa dami ng bilang ng iba’t ibang uri ng gamot sa chemotherapy at kombinasyon ng gamot, ipinangkat ito base sa kung kailan, paano, at anong bahagi ng cell ang apektado. Narito ang iba’t ibang uri ng gamot sa chemotherapy.
Alkylating agents
Ang ganitong uri ng chemotherapy na gamot ay tina-target at pinipinsala ang DNA. At iniiwasan ang cells mula sa muling pagpo-produce.
Naaapektuhan nito ang lahat ng phases ng reproductive cycle ng cell. Ito ay ginagamit upang lunasan ang mga sakit tulad ng leukemia, sarcoma, brain cancer, lung cancer, breast cancer at ovarian cancer at karaniwang isinasagawa orally.
Ang eksaktong dosage ay iba-iba at dedepende sa uri, lala, at stage ng sakit ngunit karaniwang kinokonsidera na mataas ang dosage upang maging epektibo.
Anti-metabolites
Hindi tulad ng alkylating agents na nakapipinsala sa DNA, sa halip ang anti-metabolites ay tini-trick ang DNA. Hinahanap nito ang bahagi na kailangan ng DNA na i-metabolize at i-multiply at palitan ang kanilang mga sarili upang maiwasan ang cell reproduction.
Maaari itong ikonsumo sa iba’t ibang paraan tulad ng oral, sa pamamagitan ng liquid, o tablet; o sa pamamagitan ng Intravenous drip. Kadalasan na ginagamit sa mababang doses upang gamutin ang mga sakit na mabilis kumalat.
Antitumor Antibiotics
Ito ay fina-function tulad ng alkylating agents, dahil napipinsala nito ang DNA ng cells na tina-target upang maiwasan ang pag-reproduce.
Naiiba ito sa pamamagitan ng paggamit ng mas mahinang porma ng streptomyces bacteria sa halip na chemicals at compounds. Bagaman ito ay antibiotic, hindi ito kinokonsumo orally at isinasagawa sa pamamagitan ng intravenous drip.
Topoisomerase Inhibitors
Ang topoisomerase ay isang enzyme na nagre-regulate ng coiling at uncoiling ng DNA. Kung ang gamot na nagtataglay ng enzyme ay ibinigay, ito ay nahahati sa DNA strands ng tumor na karaniwang humahantong sa pagkamatay ng cell.
Gayunpaman, dahil sa posibleng adverse side-effects, ang dosage ng ganitong gamot ay maliit lamang. Ang side effects ay maaaring maging sanhi sa isang tao na magkaroon ng banta sa ibang cancer. Ang mga ito ay karaniwang isinasagawa sa pamamagitan ng intravenous drip.
Mitotic inhibitors
Ang mitotic inhibitors ay unang ine-extract mula sa periwinkle plant. Nakaiiwas sa cell division sa pamamagitan ng pag-target ng microtubules ang ganitong uri ng chemotherapy . Ang microtubules ay ang skeleton ng cell. Nagbibigay ito ng hugis at responsable sa paghati ng cell sa cell division.
Ang problema sa ganitong mga uri ng gamot sa chemotherapy ay mayroong malusog na cells. Ito ay maaaring dumami nang mabilis kaysa sa cancerous na tumors. Dahil ang gamot na ito ay nagpapahinto ng division ng cells, maaaring hindi sinasadya na maapektuhan din nito ang malulusog na cells. Ang pagkonsumo ng gamot na ito ay karaniwang isinasagawa sa pamamagitan ng intravenous drip.
Chemotherapy: Gaano katagal, at hanggang saan makakaya ng isang tao?
Ang full course ng chemotherapy ay nasa pagitan ng 3 hanggang 6 na buwan. Gayunpaman, dahil sa maraming mga uri ng sakit ang maaaring magamot ng chemotherapy, maaari itong iba-iba sa bawat tao. Hindi pa kasama ang ibang mga medikal na kondisyon na mayroon sila na maaaring maging sanhi upang maging kaiba.
Ibig sabihin nito na maaari itong mas maiksi kaysa sa 2 buwan, o tumagal ng isang taon. Dahil sa adverse na side effects ng chemotherapy, nakaisap ang mga doktor ng cycle ng gamutan na nagbibigay sa mga pasyente ng panahon upang gumaling matapos ang kada round ng chemotherapy at bago ang sunod na round. Ang chemotherapy ay maaaring magkaroon ng matagalang side-effects na nakaapekto sa kalusugan.