backup og meta

Gaano Kataas ang Survival Rate ng Stomach Cancer na Stage 3?

Gaano Kataas ang Survival Rate ng Stomach Cancer na Stage 3?

Ang stomach cancer ang panlima sa pinakakaraniwang cancer sa mundo, ayon sa World Cancer Research Fund. Mas madalas na apektado ng cancer na ito ang mga lalaki kaysa mga babae, mga taong higit 50 taong gulang, at mas karaniwang mangyari sa Asya. Kapag maagang na-diagnose, mas mataas ang survival rate ng stomach cancer.

Survival rate ng stomach cancer: Paano nagkakaroon nito?

Unti-unti ang pagkakaroon ng stomach cancer sa loob ng maraming taon. Madalas itong nangyayari pagkatapos ng isa pang kondisyon, tulad ng GERD, o matagal nang gastritis.

Upang pasimplehin, nagkakaroon ng stomach cancer kapag nabago ang defense mechanism ng stomach. Nangyayari din ito kapag napinsala ng pagkain, gamutan, o bacteria ang inner lining (mucosa) ng stomach.

Ang patuloy na pinsala at pagbabago sa normal na lining ng stomach ang kalaunang nagiging cancer.

Ano ang mga panganib ng pagkakaroon ng stomach cancer?

Kabilang sa mga panganib ng pagkakaroon ng stomach cancer ang mga sumusunod:

H. pylori infections

Karaniwang nakikita ang partikular na bacteria na ito sa mga pasyenteng may gastric ulcers. Nabubuhay sila sa lugar na may mababang PH, tulad ng stomach o tiyan.

  • Pagkonsumo ng pagkaing mayaman sa nitrites at nitrate – Maaari itong maging compounds na makasisira sa stomach.
  • Paninigarilyo – May kaugnayan ang bilang ng stick na nasisigarilyo bawat araw sa posibilidad na magkaroon ng stomach cancer
  • Pag-inom ng alak – Nakapagpapataas ng panganib ng cancer sa stomach ang matagal na pag-inom ng alak
  • Pagiging obese o sobrang timbang – nauugnay sa pagkakaroon ng cancer sa itaas na bahagi ng stomach, na kilala bilang cardia.
  • Exposure sa mga kemikal – tulad ng asbestos at inorganic lead compounds
  • Nagkaroon na ng dating operasyon sa stomach – posible ito dahil hindi na gumagana nang lubos ang stomach, kaya’t nababago na nito ang kapasidad ng tiyan para magbigay ng depensa
  • Pernicious Anemia – Isa itong kondisyon kung saan hindi na kayang gumawa ng stomach ng Intrinsic Factor, na mahalaga sa pagsipsip ng vitamin B12. Ang kabawasan sa nasisipsip na vitamin B12 ay nakapagpapabago sa kakayahan ng katawang gumawa ng bagong blood cells. Nauuwi ito sa nakapipinsalang anemia.
  • Hereditary Conditions – tulad ng Hereditary Diffuse Gastric Cancer, Lynch Syndrome at Familial Adenomatous Polyposis (FAP).

Mahalagang tandaan na ang tamang screening at screening ng mga pasyenteng high risk, maagang pagkilos at treatment, ay makatutulong upang matamo ang mas magandang prognosis.

survival rate ng stomach cancer

Mga uri ng stomach cancer

May iba’t ibang uri ng stomach cancer. Bawat isa ay may posibilidad na makaapekto sa ilang bahagi ng stomach. Narito ang mga pinakakaraniwang uri ng stomach cancer:

  • Adenocarcinoma – Ang pinakakaraniwang uri ng stomach cancer (90-95%) na nagdedebelop mula sa mga cell ng gastric mucosa o lining. 
  • Lymphoma – nagsisimula sa immune cells na matatagpuan sa stomach wall
  • Gastrointestinal Stromal Tumor (GIST) – hindi karaniwang tumor na nagsisimula sa mga selyula na nasa daanan ng pagkain at nakain (GI tract). Gayunpaman, maaaring benign ito (hindi cancerous) o malignant.
  • Carcinoid Tumor – mula sa mga cell na gumagawa ng hormones na nasa loob ng stomach.

Stages ng stomach cancer

Ang stages ng cancer ay nagsisimula sa 0 (carcinoma in situ), saka I hanggang IV. Ang nauna ay nagsisilbing isolated cancer habang ang huli ay tumutukoy sa magkakaibang stage ng mga cancer. Ginagamit dito ang stage IV para sa distant metastasis o pagkalat ng cancer cells sa ibang parte ng katawan.

May stages ang stomach cancer na nakabatay sa American Joint Committee on Cancer (AJCC) TNM system. Sinusukat ito batay sa Tumor size, lymph Node involvement, at Metastasis ng cancer.

Isinasagawa ang pathologic staging habang nasa operasyon, clinical staging naman ang ginagawa bago ang operasyon o kung hindi puwede ang operasyon at nakabatay sa physical exam, biopsy, at diagnostic imaging. 

Prognosis: Ang Stage 3 Survival Rate ng Stomach Cancer

Pagdating sa survival rate ng stomach cancer, natutukoy ang prognosis sa pamamagitan ng limang taong survival rate na bahagdan ng mga tao sa treatment group na buhay pa limang taon matapos malaman at/o treatment para sa kanilang sakit.

Ang mga pasyenteng may stage IA stomach cancer ay may 5 taong survival rate na 94%. Habang 88% na survival rate naman ang mayroon para sa mga taong may stage IB. Ang survival rate ng stomach cancer stage 3 ay 18%, bagaman sa ibang mga pag-aaral, sinasabing tumataas pa ito ng hanggang 25%. 

Sa kasamaang palad, karamihan sa mga pag-aaral na isinagawa, ang mga pasyenteng may stage IV stomach cancers ay walang 5 year survival rate statistics dahil karamihan sa mga pasyente ay hindi nabubuhay nang hanggang 5 taon matapos ng diagnosis.

Treatment para sa stomach cancer

Ang Stage I at Stage II stomach cancer ay maaaring magamot sa pamamagitan ng operasyon. Kadalasan itong resection ng stomach, kilala bilang total o subtotal gastrectomy na sinasamahan ng lymph node dissection. Maaari ding isagawa ang chemoradiation therapy bago ang treatment.

Ang treatment sa Stage III  stomach cancer ay sa pamamagitan ng operasyon at chemoradiation, na maaaring nakagagamot ng sakit. Gayunpaman, may ilang pasyenteng sumasailalim sa operasyon para malunasan ang mga sintomas. 

Ang Stage IV stomach cancer ay nangangahulugang kalat na ang cancer sa malalapit na organ, at mahirap nang gamutin. Maaaring ibigay ang chemoradiation therapy, at palliative surgery naman para sa symptomatic relief. Gayunpaman, hindi na epektibo ang curative treatment dito.

Key Takeaways

Mahirap gamutin ang stomach cancer na nasa later stages na, at may mababang prognosis sa katagalan. Gayunpaman, sa tamang screening ng mga high risk na pasyente, maaaring maisagawa nang maaga ang diagnosis sa stomach cancer. Kapag natukoy na ito, puwede nang gawin ang maagang treatment na may magandang prognosis.

Para sa mga pasyenteng may stage III stomach cancer, puwede pa ring makagamot ang paghahanap ng treatment at maaari ding makatulong upang mabawasan man lang ang mga sintomas at makapagbigay ng ginhawa at kaluwagan sa pakiramdam.

Matuto pa tungkol sa Stomach Cancer dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Stomach Cancer Statistics

https://www.wcrf.org/int/cancer-facts-figures/data-specific-cancers/stomach-cancer-statistics%20%20 Accessed January 4, 2021

Stomach Cancer

https://www.cancer.org/cancer/stomach-cancer/Accessed January 4, 2021

Stomach Cancer Causes and Risks

https://www.cancerresearchuk.org/about-cancer/stomach-cancer/causes-risks Accessed January 4, 2021

Stomach Cancer Survival

https://www.cancerresearchuk.org/about-cancer/stomach-cancer/survival Accessed January 4, 2021

Atrophic Gastritis Increases the Risk of Gastric Cancer in Asymptomatic Population in Korea

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5593317/ Accessed January 4, 2021

Cancer survival rate: What it means for your prognosis

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/cancer/in-depth/cancer/art-20044517 Accessed January 4, 2021

Epidemiology of gastric cancer: global trends, risk factors and prevention

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6444111/ Accessed January 4, 2021

 

Kasalukuyang Version

07/29/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Paano maiiwasan ang stomach cancer? Heto ang mga paraan

Sintomas Ng Cancer Sa Tiyan Na Dapat Mong Makita At Malaman!


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement