Maraming salik na maaaring magpataas ng panganib sa cancer, tulad ng iyong pamumuhay, diyeta, pagkakalantad sa ilang partikular na substance, at genetic makeup. Ngunit wala sa mga ito ang tanging responsable sa pagdudulot ng cancer. Alamin dito ang pagkakaroon ng family history ng cancer.
Marahil ang pinakamalaking tagapagpahiwatig ng panganib at posibilidad ng personal na cancer ay genetic makeup. Ang genetic makeup, na kinabibilangan ng iyong lahing pinagmulan at family history ng cancer, ay may kaugnay sa pagkamaramdamin sa iba’t ibang uri ng cancer.
Pag-unawa sa Family History ng Mga Salik sa Panganib ng Cancer
Ayon sa World Health Organization, 1 sa bawat 6 na pagkamatay sa buong mundo ay dahil sa cancer. Ang cancer ang pangalawang nangungunang sanhi ng kamatayan sa buong mundo, na nasa likod lamang ng sakit sa puso.
Walang isahan, tiyak na kadahilanan o indikasyon na nagiging sanhi ng cancer. Nakaaapekto rin ito sa iba’t ibang pangkat ng edad. At ang bawat uri ng cancer ay may sariling demograpiko at pagiging sensitibo sa pangkat ng edad.

Sa pangkalahatan, tumataas ang posibilidad na magkaroon ng cancer sa edad. Ang family history sa panganib ng cancer ay mahalaga rin sa pagtulong na matukoy ang posibilidad ng cancer.
Kaya ano nga ba ang cancer? Ang cancer ay isang pangkalahatang termino na naglalarawan sa abnormal na pagpaparami, paglaki at pagkalat ng mga selula ng katawan. Nagsisimula ito kapag ang mga bagong selula, na sinadya upang palitan ang mga lumang selula ng katawan, ay mabilis na dumami lampas sa kanilang mga genetic na hangganan.
Ang mga selula ng cancer pinapasikip ang mga espasyo para sa mga normal na selula. Ilang sa uri ng mga selula ng cancer ay nagiging mga tumor. Ang mga tumor ay napakalaki at solidong bloke ng mga selula ng cancer, na kadalasang nangangailangan ng operasyon upang alisin.
Maaaring magsimula ang cancer kahit saan, na kadalasang nakatutukoy rin ng uri nito.
Ang bawat uri ay ikinategorya sa “stages“, na tumutukoy sa lawak at pagkalat ng kanser. Mayroong apat na yugto. Nagpapahiwatig ng mga unang stage ng cancer kapag stage 1, habang ang ikaapat na stage naman,pinakamataas, ay nagpapahiwatig ng isang mas progresibong anyo.
Karaniwang ginagamot ang cancer gamit ang chemotherapy, radiation, operasyon, o kumbinasyon ng tatlo, depende sa uri at stage ng cancer.
Pagsaalang-alang ng family history ng cancer risk factors
Karaniwang maling kuru-kuro na kung ang iyong pamilya ay may kasaysayan ng cancer, ikaw ay awtomatikong madaling kapitan din. Ang ilang uri ng cancer, gayunpaman, ay may mas mataas na pagkakataong mamana.
Kabilang dito ang dibdib, bituka, matris, colorectal, sinapupunan, at ovarian cancer. Mayroon kang mas mataas na panganib na magkaroon ng mga ito kung kasama sa family history.
Gayunpaman, ang genetika ay halos balewala kumpara sa iba pang mga kadahilanan, tulad ng pamumuhay at pagtanda.
Ang sobrang pagkain, paninigarilyo, at pag-inom ay maaaring magresulta sa mas mataas na panganib sa cancer kaysa sa family history mismo.
Gayunpaman, mahalaga na magkaroon ng kamalayan sa iyong sariling pagkamaramdamin, lalo na kung mayroon kang family history ng cancer.
Ang pagsusuri para sa cancer ay karaniwang nagsisimula nang mas maaga kung mayroon kang family history ng isang partikular na uri nito.
Narito ang ilang mga katanungan upang matulungan kang mas mahusay na masuri ang panganib ng cancer dahil sa family history.
- Mayroon ka bang immediate family (ama, ina, kapatid) at malapit (1st degree) na kamag-anak na nagkaroon ng parehong uri ng cancer? Maging alerto sa mga uri ng kanser na kilala na nauugnay sa genetics, tulad ng cancer sa suso, colorectal, at ovarian.
- Mayroon ka bang mga kamag-anak na nagkaroon ng cancer bago ang edad na 50?
- Mayroon ka bang mga kamag-anak na na-diagnose na may higit sa isang uri ng cancer?
Kaya ano ang gagawin mo kung ang iyong malapit na miyembro ng pamilya ay may kasaysayan ng cancer? Iminumungkahing gawin ang sumusunod.
Matuto nang higit pa tungkol sa inyong family history ng cancer
Suriin ang inyong family history, at tukuyin ang mga pinakakaraniwang uri ng cancer na na-diagnose ng mga miyembro ng iyong pamilya, kung mayroon man.
Nakatutulong ito na matukoy ang posibleng cancer at binibigyang-daan ang iyong mga doktor na makabuo ng mas matalinong mga plano sa kalusugan at/o paggamot para sa iyo.
Magpasuri
Kung ang isa sa mga miyembro ng iyong pamilya ay may kasaysayan ng cancer, kumonsulta sa iyong doktor upang makita kung kailangan mong magpa-screen o sumailalim din sa anumang mga pagsusuri.
Ang mga pagsusuring ito ay maaaring may kasamang pagmamasid sa mga posibleng sintomas, tulad ng mga pagbabago sa kulugo o nunal, pag-inspeksyon sa mga bukol o paglaki o pagtatanong sa iyo tungkol sa mga pagbabago sa iyong pantog o pagdumi.
Baguhin ang iyong pamumuhay
Kung ang isa sa mga miyembro ng iyong pamilya ay may kasaysayan ng cancer, ipinapayo na iwasan mo ang paninigarilyo at pag-inom. Ang pagtigil sa tabako, ay hindi lamang nakikinabang sa iyong pangkalahatang kalusugan, kundi pati na rin sa kalusugan ng mga miyembro ng iyong pamilya. Ang paninigarilyo, halimbawa, ay kilala na nagiging sanhi ng cancer.

Mga paraan upang mabawasan ang family history ng cancer
Narito ang ilang mga tip na maaari mong ilapat sa iyong pang-araw-araw na buhay upang mabawasan ang pagkakataong magkaroon ng cancer.
Iwasan ang paninigarilyo
Ang mga sigarilyo ay kilala na mayroong hindi bababa sa 70 uri ng mga carcinogens o mga agent na nagdudulot ng cancer.
Parehong maaapektuhan ang mga naninigarilyo at ang mga second-hand smoker. Kaya mainam na ihinto ito at iwasan ang mga naninigarilyo upang mabawasan ang panganib ng cancer.
Panatilihin ang isang malusog na timbang
Ang pagpapanatili ng malusog na timbang ay mainam para sa mga gustong mabawasan ang panganib sa cancer. Ito ay dahil ang pagtaas ng timbang at labis na katabaan ay kilala na nagpapataas ng panganib ng cancer.
Maging aktibo
Kumuha ng hindi bababa sa 30 minuto ng physical fitness bawat araw. Ang pagpapalakas ng iyong tibok ng puso at pagpapalakas ng iyong katawan ay mahusay na paraan upang mabawasan ang panganib na magkaroon ng cancer.
Kumain ng mas kaunting naprosesong pagkain
Ang mga naprosesong pagkain ay maaaring naglalaman ng mga kemikal at sangkap na nakakapinsala sa iyong katawan. Kahit na ang isang bagay na kasing-simple ng asukal ay maaaring makapinsala kung ubusin sa labis na dami. Kung nais mong bawasan ang panganib ng cancer, subukang kumain ng mas maraming sariwang ani.
Dagdagan ang nutritional intake
Isama ang higit pang mga gulay at prutas sa iyong diyeta. Ang mga bitamina at mineral mula rito ay nakatutulong na palakasin ang iyong kaligtasan sa sakit at mabawasan ang panganib ng mga malalang kondisyon, tulad ng diabetes at cancer.
Gumamit ng sunscreen
Ang matagal na pagkakalantad sa mga sinag ng UV ay maaaring magdulot ng cancer sa balat. Pinakamainam na gumamit ng sunscreen upang mabawasan ang pinsala sa balat.
Balanse sa buhay-trabaho
Ang isang nakababahalang pamumuhay ay nagdaragdag ng posibilidad ng cancer. Iyon ang dahilan kung bakit mahalagang makamit at mapanatili ang balanse sa buhay-trabaho.
Sapat na tulog
Nagbibigay ng oras sa katawan ang sapat na tulog upang ayusin ang sarili at magpagaling. Ito rin ay isang nakakarelaks na aktibidad na nakatutulong na alisin ang stress pagkatapos ng nakakapagod na araw.
Mahalagang Tandaan
Kahit na may maliit na posibilidad na ang cancer ay genetically inherited, pinakamahusay na malaman ang iyong family history ng cancer at maging handa. Ang matandang medikal na karunungan na “prevention is better than cure” ay nalalapat pa rin.
Matuto nang higit pa tungkol sa mga sanhi ng cancer, mga kadahilanan ng panganib, at pag-iwas, dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o panggamot.













