Ang cancer ay isang sakit sanhi ng abnormal na paglaki ng cells na maaaring mabuo sa iba’t ibang parte ng katawan. Nakamamatay ang cancer na hindi nasuri at hindi nagamot, at isa ito sa pangunahing dahilan ng pagkamatay ng tao sa buong mundo. Noong 2020, tinatayang 10 milyon ang namatay sa sakit na cancer. Magandang balita naman ang hatid ng dami ng gamot na makatutulong upang malabanan ang sakit na ito. Ano-ano ang mga uri ng gamot sa cancer? Magkano ang gamot sa cancer sa Pilipinas?
Mga Gamot sa Cancer
Marami na ang uri gamot sa cancer ngayon. Pagsasagawa ng surgery at paggamit ng radiation ang tipikal na uri ng gamot sa cancer.
Ang magamot ang cancer at makabaik sa normal na buhay ang pasyente ang layunin ng gamot sa cancer.
kapag ang cancer ay hindi kayang gamutin, ang pababain ang tsansa ng pagdami ng cancer cells o mabawasan ang mga sintomas dulot ng cancer ang nagiging layunin nito.
May tatlong approach sa cancer treatment:
- Upang matanggal ang cancer o mapatay ang cancer cells sa katawan, primary treatment ang isinasagawa. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng surgery.
- Kung pagkatapos gawin ang primary treatment ngunit may natitira pa ring cancer cells, adjuvant treatment ang maaring gamitin. Layunin ng treatment na ito na patayin ang natitirang cancer cells at bawasan ang panganib na mabuhay muli ang mga ito. Isa pang kilalang gamot sa cancer ay ang neoadjuvant treatment, na isinasagawa bago ibigay ang primary treatment.
- Palliative treatment ang gamit upang bawasan ang side effects ng cancer treatments o para mabawasan ang mga sintomas dulot ng cancer. Ang pag-inom ng gamot ay makatutulong upang maibsan ang sakit at mabawasan ang sintomas ng cancer.
Treatment Options
Gaya ng nabanggit kanina, marami ng gamot sa cancer ngayon. Ang uri ng treatment na gagamitin ay nakadepende sa ilang mga bagay tulad ng uri ng cancer, anong stage na ito, at ang health condition ng pasyente. Tinitimbang ng mga doktor ang panganib at potensyal benepisyo ng bawat treatment option.
Narito ang ilan sa mga cancer treatment option na kadalasang ginagamit:
- Surgery ang karaniwang primary treatment na ginagamit upang pisikal na matanggal ang cancer. Layunin man ng surgery na matanggal ang kaya nitong dami ng cancer cells na matanggal, hindi ito laging nangyayari.
- Chemotherapy ang tawag kapag gumamit ito ng iba’t ibang uri ng gamot upang mapatay ang cancer cells. Hindi ito tulad ng ibang therapy na para lamang sa particular na bahagi ng katawan dahil naaapektuhan ng chemotherapy ang buong katawan ng pasyente. Kaya naman kahit ang healthy cells sa katawan ay kaya nitong maapektuhan.
- Tulad ng x-rays na gumagamit ng radiation beams, ang radiation therapy ay gamit rin upang patayin ang cancer cells. Ang radiation ay pwedeng manggaling mula sa isang makina na nasa labas ng katawan. Mayroon ding pagkakataon na ang isang makina ang ipinapasok sa loob ng katawan ng pasyente.
- Ang bone marrow ay gumagawa ng bone cells at matatagpuan sa loob ng mga buto. Isinasagawa ang bone marrow transplant sa pamamagitan ng paggamit ng bone marrow ng ibang tao na pwede ring bone marrow mo mismo. Nang dahil sa bone marrow transplant, nakagagamit ng mas matinding doses ng chemotherapy ang mga doktor upang mapatay ang mga cancer cells. Maaari ding gawin ang bone marrow transplant upang mapalitan ang diseased bone marrow.

Iba Pang mga Treatment Option
- Immunotherapy ang tawag sa isa pang cancer treatment option. Likas sa pangalan nito ang paggamit ng immune system ng katawan upang labanan ang cancer cells. Kung hindi makikilala ng immune system ang cancer cells bilang “allien”, hindi nito lalabanan ang cancer cells. Tinutulungan ng immunotherapy ang immune system para kilalanin na nakakasama sa katawan ang cancer cells.
- Isa pang treatment para labanan ang cancer na partikular sa sanhi na imbalanced hormones ay ang Hormone therapy. Breast cancer at prostate cancer ang mga uri nito na sanhi ng hormone imbalance. Sa pagtatanggal ng hormones na ito o sa pagpigil ng mga masasamang epekto nito, napipigilan ang pagdami ng cancer cells.
- Ginagamit din ang Targeted Drug therapy bilang gamot sa cancer. Nalilimitahan nito ang pagdami at ang activity ng cancerous cells habang binabawasan ang sirang nagawa sa paligid ng healthy cells.
- Cryotherapy ang tawag sa treatment na pumapatay sa cancer cells gamit ang cold gas. Tinatarget nito ang pagdami ng cancer cells gamit ang isang maliit na karayom na may cold gas sa loob nito upang mai-freeze ang cancer.
- Isa pang treatment option ay ang radiofrequency ablation. Gumagamit ito ng electrical energy upang mapainitan at mapatay ang cancer cells.
Tipikal na Halaga ng Cancer Treatment
Bukod sa pagiging isang malubhang sakit at isa sa mga pangunahing dahilan ng pagkamatay ng tao, isa sa pinakamahal na gamutan ang sakit na cancer. Partikular sa Pilipinas kung saan ang mga pampublikong ospital ay hindi sapat ang kagamitan para gamutin ang nasabing sakit. Napakamahal ring magpagamot sa mga pribadong ospital dahilan upang ang mga indibidwal ay maubusan ng pinagkukunan.
Magkano ang gamot sa cancer? Magkakaiba ang halaga ng cancer treatment sa mga ospital. Maaaring ang halaga ay nasa pagitan ng PHP100,000 hanggang sa 1,000,000. Mas lalaki ang gastusin sa paggagamot kung ito ay mas matagal at kung complex treatment ang kailangan.
Isa ring factor ang uri ng cancer pagdating sa usaping magkano ang gamot sa cancer. Nagkakahalagang PHP250,000 ang Brain Cancer Treatment, habang nagsisimula sa halagang PHP 300,00 naman kapag breast cancer.
Mahalaga ring malaman na nakatutulong sa bayarin sa cancer treatment ang PhilHealth. Halimbawa, kaya kang tuwangan ng PhilHealth sa breast cancer expenses sa halagang aabot sa PHP 100,000.
Key Takeaways
Lagpas sa kakayahan ng isang ordinaryong pamilyang Pilipino ang halaga ng tipikal na cancer treatment, at isa itong pangunahing problema.
Gayunpaman, marami na ang gamot sa cancer ngayon na magagamit at mayroong mga support groups and resources na makikita online.
Bagaman, seryoso at nakamamatay na sakit ang cancer, maraming pamamaraan ang mga pasyente upang labanan ang sakit sa tulong ng kanilang mga health practitioner at iba pang mga institusyon.
Alamin lahat tungkol sa cancer causes, prevention, symptoms, at treatment dito.














