backup og meta

Namamana ba galing sa Pamilya ang Kanser sa Baga? Alamin Dito

Namamana ba galing sa Pamilya ang Kanser sa Baga? Alamin Dito

Kung isa sa iyong pamilya ay nagkaroon ng kanser, mayroong banta ng pagkakaroon din nito. Karaniwan nating naririnig ang komentong ito kung ang paksang kanser ay pumasok sa usapan. Gayunpaman, kailangan natin tandaan na ang iba’t ibang uri ng kanser ay may iba’t ibang pangunahing sanhi. Halimbawa, ang cirrhosis ay kaugnay ng kanser sa atay, habang ang HPV infection ay kinokonsiderang sanhi sa likod ng pinaka karaniwang kaso ng kanser sa cervix. Alamin natin ang tungkol sa kanser sa baga. Namamana ba ito?

Ang kanser sa baga ay kondisyon kung saan ang mga tiyak na cells sa baga ay abnormal na kumikilos. Ito ay dumarami nang hindi nakokontrol, at nagsisimulang magkaroon ng porma ng tumor. Sa buong mundo, ang kanser sa baga ay ang nangungunang cancer na sanhi ng pagkamatay. Bagaman ang kancer na ito ay nagmula sa mga baga, maaari itong kumalat sa lymph nodes ng isang tao at iba pang organs, tulad ng utak.

Namamana ba ang kanser sa baga?

Matapos malaman kung ang miyembro ng pamilya ay nagkaroon ng kanser sa baga, iniisip mo siguro kung ikaw ba ay may banta ng pagkakaroon nito. Ayon sa mga eksperto, mataas ang banta kung ang mga magulang ng pasyente, kapatid, o maging ang mga anak ay may kanser sa baga.

Gayunpaman, binigyang-diin nila na ito ang kaso dahil ang mga miyembro ng pamilya ay karaniwang magkakasama sa bahay. Sila rin ay nagtatrabaho nang sabay-sabay at exposed sa parehong substances na maaaring mag-trigger ng cancer tulad ng paninigarilyo.

Ngunit, sa labas ng mga salik na ito, ang genes ba na mula sa ating mga magulang ay nagpapataas din ng banta ng pagkakaroon ng kanser?

Karamihan ng mga kaso ng lung cancer ay hindi kaugnay ng namamanang pagbabago sa genes…

Maraming mga pag-aaral ang nagsiwalat na ang genes o lahi ay nakadaragdag sa pagkakaroon ng kanser sa baga. Gayunpaman, karamihan ng mga kaso ay hindi kaugnay ng namamanang pagbabago sa genes.

Ibig sabihin nito, karamihan ng mga kaso, ang mga tao ay namamana ang normal genes sa cells; ngunit ang genes na ito ay nagbabago o nagmu-mutate matapos ang exposure sa mga banta ng cancer.

Ang minanang mutated gene ay posible rin. Gayunpaman, ang salik na iyon ay karaniwang hindi humahantong sa kanser sa baga.

Ang karaniwang nangyayari ay ang isang tao na namana ang gene mutation ay nagkakaroon ng kanser sa baga matapos ma-expose sa pangunahing salik, tulad ng paninigarilyo.

Syempre, posible rin para sa iba na may namanang gene changes na magkaroon ng kanser sa baga kahit na hindi sila naninigarilyo o naninigarilyo nang kaunti.

Ibang namamanang genes

Kung tayo ay nagtanong tulad ng “namamana ba ang kanser sa baga?” Hindi natin maiwasan na mag-isip kung posible bang mamana ang ibang mga bagay na maaaring magbigay sa atin ng banta sa kanser.

Ayon sa mga pag-uulat, posible na mamana ang ilan sa mga katangian na magpapataas sa banta ng kanser. Halimbawa, maaari nating mamana ang nabawasang kapasidad upang bawasan ang mga tiyak na cancer-causing substances, tulad ng makikita sa tobacco.

Paninigarilyo: Ang pangunahing sanhi ng lung cancer

Narito ang mahalagang bagay ng dapat tandaan: ang paninigarilyo ay ang pinakamalakas na banta. Sa katunayan, ang banta ay napatataas sa dami ng stick na ginagamit sa paninigarilyo araw-araw at ang mga taon na lumilipas sa paninigarilyo. Binigyang-diin ng mga eksperto na ang paghinto sa paninigarilyo sa kahit na anong edad ay nakababawas ng banta ng kanser sa baga.

Karagdagan, ang mga tao na madalas na expose sa second-hand smoke ay may banta rin na magkaroon ng lung cancer.

namamana ba ang lung cancer

Ibang mga banta

Ngunit, ano ang mga sanhi ng kanser sa baga maliban sa paninigarilyo? Nasa ilalim ang ilan sa ibang mga salik:

  • Radon, isang natural na gas na mula sa bato o dumi. Maaaring hindi mo mapansin ang exposure sa radon dahil ito ay walang kulay, walang lasa, at walang amoy.
  • Radiation therapy, lalo na ang isinasagawa sa dibdib.
  • Asbestos at ibang carcinogenic substances, tulad ng arsenic at diesel exhaust.

Sunod na mga hakbang

Ngayon na alam mo na ang pinakamalakas na banta ay ang paninigarilyo at ang kanser sa baga ay maaaring namamana, ano ang iyong susunod na hakbang?

Ayon sa mga eksperto, ang pinaka mainam na gawin ay ang bawasan o tanggalin ang lahat ng mga posibleng banta.

  • Huwag manigarilyo o itigil ang paninigarilyo
  • Suriin ang iyong bahay kung may radon, lalo na kung ito ay kilalang problema sa inyong kapaligiran
  • Mag-ingat kung ang iyong trabaho ay kabilang ang exposure sa carcinogens

At sa huli, huwag kalimutan na magsagawa ng mga regular na pisikal na aktibidad na nagpapanatili ng balanseng diet. Kumain ng maraming mga prutas, gulay, at lean proteins, tulad ng white fish, lean beef, at tofu. Gayundin, konsultahin ang iyong doktor kung nakapansin ng hindi mapaliwanag na sintomas tulad ng malalang pag-ubo, patuloy na hirap sa paghinga, at panghihina.

Matuto pa tungkol sa Lung Cancer dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Lung cancer
https://medlineplus.gov/genetics/condition/lung-cancer/#inheritance
Accessed January 13, 2020

What Causes Lung Cancer?
https://www.cancer.org/cancer/lung-cancer/causes-risks-prevention/what-causes.html
Accessed January 13, 2020

Familial risk for lung cancer
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5351216/
Accessed January 13, 2020

Lung cancer
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/lung-cancer/symptoms-causes/syc-20374620
Accessed January 13, 2020

What Are the Risk Factors for Lung Cancer?
https://www.cdc.gov/cancer/lung/basic_info/risk_factors.htm
Accessed January 13, 2020

Kasalukuyang Version

07/26/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Paano Nakaka-Cancer Ang Paninigarilyo?

Alamin: Ano Ang Lung Nodules, At Ano Ang Dapat Gawin Dito?


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement