backup og meta

Paano nga ba Maiwasan ang Leukemia?

Ang cancer ang isa sa pinaka laganap na porma ng karamdaman sa buong mundo. Bagaman ang leukemia ay hindi isa sa pinaka karaniwang uri, napakahalaga na malaman paano maiwasan ang leukemia.

Paano nga ba Maiwasan ang Leukemia?

Bagaman ang leukemia ay hindi pagtaning ng buhay, dahil maaari itong magamot. Ang survival rate rito ay nasa 60% sa average. Kaya’t mahalaga pa rin na gumawa ng kinakailangang aksyon, kung kailangan upang maiwasan ang leukemia.

Paano Maiwasan ang Leukemia: 4 na Bagay na Dapat Malaman

Sa ngayon, walang ganap na paraan upang maiwasan ang leukemia. Bagaman ang leukemia ay hindi namamana, ilan sa mga tao na genetically predisposed ay mas may banta ng pagkakaroon ng ganitong uri ng cancer.

Ang pinakamainam na bagay ng dapat gawin ay iwasan ang mga tiyak na bagay na maaaring magpataas ng banta ng leukemia. Narito ang apat na mga bagay na iyon.

Paninigarilyo

Angpaninigarilyo ay natukoy na isa sa mga banta para sa tiyak na uri ng leukemia. Ito ay sa kadahilanan na ang sigarilyo ay naglalaman ng maraming carcinogens. Ito ay maaaring makasama sa katawan, at magpataas ng banta hindi lamang ng leukemia, ngunit ibang uri rin ng cancer. Kabilang dito ang lung cancer, mouth cancer, stomach cancer, cervical cancer, at iba pa.

Maliban dito, nagpapataas din ang paninigarilyo ng banta na magkaroon ang isang tao ng problema sa baga. Halimbawa nito ay emphysema, sakit sa puso, stroke, diabetes.

Ang benepisyo ng pagtigil sa paninigarilyo ay nangyayari sa umpisa na itigil ito. Gayunpaman, nasa 20 taon bago mabawasan ang banta ng isang taong naninigarilyo kaysa sa taong hindi kailanman nanigarilyo.

Kaya’t mainam na itigil ang paninigarilyo sa lalong madaling panahon upang mapabuti ang kabuuang kalusugan at maiwasan ang leukemia.

Exposure sa radiation

Kung ang paksa na paano maiwasan ang leukemia ay pag-uusapan, ang pag-iwas sa exposure sa radiation ay laging nasa listahan. Ito ay sa kadahilanan na ang exposure sa radiation ay nagpapataas hindi lamang ng banta ng leukemia, ngunit ibang porma rin ng cancer.

Sa partikular, ang mga taong nagtatrabaho malapit sa pinagmumulan ng radiation tulad ng x-rays at ibang medical equipment facilities na nagpo-proseso ng radioactive materials, maging ang nuclear power plants ay kailangan ng pag-iingat upang maiwasan sila mula rito.

Siguraduhin na palaging sundin ang maayos na safety protocol at magsuot ng akmang uri ng equipment upang hindi ma-exposed sa nakasasamang radiation.

Hindi masustansyang pagkain

Ang pagkain ng hindi masustansyang pagkain ay nagpapataas ng banta ng tiyak na mga uri ng cancers, kabilang na ang leukemia. Kaya’t isang paraan upang maiwasan ang leukemia ay tumuon sa pagkain ng masustansyang pagkain.

Ang mga mainam na halimbawa rito ay ang mga sariwang prutas at gulay, fatty fish, mani, grains, at seeds. Habang ang pagkain ng karne ay hindi agad na humahantong sa cancer, ang pagkain nito nang sobra ay nagpapataas ng banta sa isang tao.

Ang pagkain ng mga pagkain na processed ay nagpapataas din ng banta ng cancer. Ito ay sa kadahilanan na ang tiyak na mga uri ng chemicals na  ginagamit sa food processing at preservation ay maaaring humantong sa cancer, lalo kung ito ay kinonsumo ng marami.

Pagiging overweight o obese

Sa huli, ang pagiging overweight o obese ay kilalang banta para sa leukemia, maging ang ibang mga uri ng cancers. Kaya’t ang paraan paano maiwasan ang leukemia ay ang pananatiling malusog ang timbang.

Maraming mga pag-aaral ay nagpakita na mayroong ugnayan sa pagitan ng pagiging overweight o obese sa banta ng pagkakaroon ng cancers.

Kaya’t kung ikaw ay obese o overweight, mainam na ideya na magbago ng lifestyle sa lalong madaling panahon. Ang pagbabago ng diet, maging ang pagsasagawa ng pang-araw-araw na ehersisyo ay makatutulong sa pagbawas ng timbang, pananatiling malusog, at upang maiwasan ang leukemia.

Mahalagang Tandaan

Bagaman hindi mo maiiwasan sa kabuuan ang leukemia, ang pag-iwas sa apat na mga bagay sa itaas ay makatutulong na mabawasan ang banta hindi lamag ng leukemia ngunit ibang porma rin ng cancer. Karagdagan, ang pag-iwas ng mga bagay sa itaas ay nakatutulong upang mapabuti ang pangkabuuang kalusugan.

Mahalaga rin na tandaan na kung nakapansin ng kahit na anong hindi karaniwang sintomas, huwag mag-alinlangang kausapin ang iyong doktor. Ang maagang pagtukoy sa cancer ay nagkakaroon ng tsansa ng paggamot, at laging magandang ideya na piliing maging maingat.

Matuto pa tungkol sa Leukemia rito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Cancer and Sun Safety: What You Need to Know | Leukemia and Lymphoma Society, https://www.lls.org/blog/cancer-and-sun-safety-what-you-need-to-know, Accessed March 15, 2021

Blood Cancers: Steps for Prevention, https://www.orlandohealth.com/content-hub/blood-cancers-steps-for-prevention, Accessed March 15, 2021

Leukemia Awareness and Prevention | Leukemia | UT Southwestern Medical Center, https://utswmed.org/conditions-treatments/leukemia/leukemia-awareness-and-prevention/, Accessed March 15, 2021

Reducing your risk for leukemia – Canadian Cancer Society, https://www.cancer.ca/en/cancer-information/cancer-type/leukemia/risks/reducing-your-risk/?region=on, Accessed March 15, 2021

Symptoms, Risk & Prevention – Leukemia – Siteman Cancer Center, https://siteman.wustl.edu/treatment/cancer-types/leukemia/symptoms-risk-and-prevention/, Accessed March 15, 2021

Food and Nutrition | Leukemia and Lymphoma Society, https://www.lls.org/managing-your-cancer/food-and-nutrition, Accessed March 15, 2021

Kasalukuyang Version

02/26/2026

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Ginagamot ang Leukemia: Anong Treatment ang Mabisa?

Sanhi Ba ng Leukemia Ang Anemia? Alamin!


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconPatalastas

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconPatalastas
ad iconPatalastas