Ang DLC test, na kilala bilang Differential Leukocyte Count Test, ay sumusuri sa bahagdan ng magkakaibang component ng white blood cells. Ang mga white blood cells na ito ay tinutukoy rin bilang WBCs o leukocytes. Kaya ng test na ito na matukoy ang immature leukocytes at iba pang abnormalidad na indikasyon ng tiyak na mga kondisyong medikal. Alamin pa kung ano ang differential leukocyte count.
Ang anim na pangunahing uri ng leukocytes na makikita sa sample ng dugo ay lymphocytes, eosinophils, monocytes, neutrophils, basophils, at band o young neutrophils. May mahalagang gampanin ang leukocytes bilang bahagi ng ating immune system. Pinoprotektahan nito tayo mula sa mga impeksyon na dulot ng mga foreign agents tulad ng bacteria, viruses, protozoa, at microbes.
Bakit Isinasagawa ang DLC Test?
Maaaring irekomenda ng iyong doktor ang DLC test kung tingin nila ay may ilang medikal na kondisyon tulad ng impeksyon, anemia, leukemia, autoimmune disorders, at iba pa. Karaniwang lumilitaw ang mga sakit na ito sa pamamagitan ng mga sintomas tulad ng lagnat, panginginig, pagsakit ng ulo, at pananakit ng katawan. Ilan pa sa mga sintomas ay ang hindi maipaliwanag na pasa, pagkapagod, panghihina, biglaang pagbaba ng timbang, at iba pa.
Maaaring irekomenda ang test na ito bilang bahagi ng routine checkup o kasabay ng complete blood count (CBC) test. Pwede rin itong ipayo kapag ang pasyente ay sumasailalim sa gamutan para sa iba pang medikal na kondisyon.
Mga Prerequisite ng DLC Test
Walang paghahandang kailangang sundin ang mga pasyente bago o pagkatapos kunin ang DLC test liban kung sinabi ng iyong doktor. May mga blood test na kailangang mag-fasting ang pasyente, na ibig sabihin, hindi siya kakain at/o iinom sa loob ng tiyak na oras bago kumuha ng test. Hindi ito kadalasang inirerekomenda sa DLC test.
May ilang mga gamutan na kilalang may epekto sa accuracy ng mga resulta ng test. Kung kasalukuyan kang naggagamot, mahalagang ipaalam mo ito sa iyong doktor.
Kabilang sa mga gamutang ito ang niresetang gamot, walang resetang mga gamot o OTC (over-the-counter), vitamins, supplements, at herbals. Kung ang mga gamot mo ay kaiblang sa mga kilalang may masamang epekto sa resulta ng test, marahil ay papayuhan ka ng iyong doktor na isulat ang mga gamot na ito ilang araw bago at/o matapos sumailalim sa test.
Sundin nang mabuti ang payo ng iyong doktor.
Pag-unawa sa mga resulta
Ang normal na range of percentage ng bawat uri ng leukocyte ay ikinokonsiderang ganito:
Lymphocytes – 20% hanggang 40%
Eosinophils – 1% hanggang 4%
Monocytes – 2% hanggang 8%
Neutrophils – 40% – 60%
Basophils – 0.5 hanggang 1%
Band – 0% hanggang 3%
Kailan ito dapat ulitin?
Kung may abnormalidad sa mga resulta ng DLC sa unang beses na ito ay kinuha, malaki ang tsansang ipaulit ito sa iyo. Magiging daan ito upang mabantayan ng iyong doktor ang percentafes ng mga uri ng leukocytes at maging mulat sa anumang higit na pagbabago. Ang susunod na gamutan ay ibabatay sa mga improvement at paglubha ng kondisyon na makikita sa resulta ng inulit na test.
Kung nasa normal range ang mga resulta ng test, ititigl na ang gamutan. S ilang kaso, walang pagbabago mga resulta ng test, o ang resulta ay lumubha. Malinaw itong indikasyon na ang gamutan ay hindi naging epektibo. Saka tataasan ng doktor ang dosage ng mga gamot o magrerekomenda ng kapalit na gamutan. Sa dulo gagawin ang pag-uulit ng test.
Mga Paraan
Ano ang differential leukocyte count? Para sa traditional method ng DLC test, pipili ang healthcare ekspert ng ugat sa iyong braso na pwedeng pagkunan ng sample ng dugo. Kadalasan, isa sa mga ugat na matatagpuan sa inner elbow area ng itaas na braso o sa kamay. Lilinisin niya ang lugar na ito gamit ang antiseptic solution.
Saka babalutin ang lugar na ito gamit ang elastic band upang bumukol ang ugat at makita nang mas malinaw. Sunalaimod, ipapasok na ng healthcare professional ang karayom sa ugat upang makakuha ng dugo hanggang sa mapuno ang lalagyan sa injection. Gagamitan ng cotton woll upang tumigil ang pagdurugo sa tinurukang bahagi. Lalagyan ng benda ang sugat upang mas mabilis na maghilom.
Ano ang differential leukocyte count? Kadalasang hindi aabot ng ilang minuto upang makompleto ang buong procedure. Magkakaiba rin ang mararamdamang sakit depende sa tao. Ipadadala sa laboratoryo ang sample ng dugo upang mapag-aralan sa microscope. Pwede rin itong pag-aralan nang manwal o gamit ang tech-advanced automated procedure.