backup og meta

Pagbabago ng nunal sa balat, palatandaan ba ng kanser? Alamin dito!

Pagbabago ng nunal sa balat, palatandaan ba ng kanser? Alamin dito!

Natuklasan ng pag-aaral na ang isang malinaw na pagbabago ng nunal sa balat o kulugo ay maaaring indikasyon ng kanser.

Pinakamalaking organ ng katawan ang balat. Mahalaga papel nito sa proteksyon ng katawan laban sa impeksyon, mechanical damage at mataas na temperatura. Gayunpaman, dahil sa function nito bilang body’s protection. Maaari rin itong maging mahina sa mga sakit at kondisyon tulad ng kanser sa balat.

Ang kanser sa balat ay naging mas laganap sa mga nakaraang taon dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng ozone layer ng mundo. Tinatantya ng World Health Organization na mayroong 2-3 milyong kaso ng kanser sa balat ang nasuri bawat taon.

Matuto nang higit pa tungkol sa kanser sa balat — at kung ano ang mga partikular na palatandaan o pagbabago ng nunal sa balat na dapat bantayan na pwedeng maging dahilan ng pag-aalala.

Kanser sa Balat: Ang Mga Pangunahing Kaalaman

Ang kanser sa balat ay nagaganap dahil sa mga mutasyon na nagreresulta sa malfunction at uncontrolled na pagpaparami ng cells sa epidermis (ang pinakalabas na layer ng balat).

Bagama’t ang kanser sa balat ay pwedeng maiugnay sa mapaminsalang ultraviolet ray na nagmumula sa araw o artipisyal na liwanag. Hindi pa rin sigurado ang mga siyentipiko kung bakit maaaring magkaroon ng kanser sa balat. Partikular sa mga bahagi ng balat na hindi nalalantad sa mga nakakapinsalang sinag ng liwanag.

Sinasabi na ang kanser sa balat ay pwedeng mangyari sa iba’t ibang cells na matatagpuan sa epidermis, katulad ng:

  • Squamous cells: Ito ang mga cell na matatagpuan sa ibabaw ng balat, at maaari ring matagpuan sa lining ng hollow organs — at sa kahabaan ng respiratory at digestive tract. Ang mga squamous cell ay karaniwang patag at lumilitaw na parang kaliskis ng isda.
  • Basal Cells: Sinasabi na ang basal cells ay matatagpuan sa ilalim ng squamous cells, at responsable sa paggawa ng bagong skin cells.
  • Melanocytes: Ang melanocytes ay matatagpuan sa balat, gayundin sa mga mata. Lumilikha ang mga cell na ito ng melanin na siyang nagbibigay sa mga mata, buhok, at balat ng tao ng kanilang kakaibang kulay. Pinoprotektahan din ng melanin ang balat mula sa araw. Habang mas madalas ang exposure sa araw, mas maraming melanin ang nagagawa nito.

Mga Uri ng Kanser sa Balat at Kanilang Sintomas

Maaaring magkaroon ng kanser sa balat sa anumang bahagi ng balat. Ngunit karaniwang magsisimula sa mga lugar na pinaka-expose sa araw. Tulad ng mga braso, kamay, binti, dibdib, tainga, leeg, labi, mukha, at maging ang anit. 

Ang mga risk factors tulad ng pagkakaroon ng maraming nunal — o pagkakaroon ng balat sa fairer side ay pwedeng magpataas ng pagkakataon ng isang tao na magkaroon ng kanser sa balat.

Gayunpaman, ang exposure sa araw ay hindi lamang ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng kanser sa balat. Sa ilang mga kaso, partikular sa mayroong mas madidilim na kulay ng balat. Pwede pa rin sila magkaroon ng kanser sa balat sa mga lugar na hindi talaga nasisikatan ng araw.

Ang mga sumusunod ay mga uri ng kanser sa balat at mga sintomas na dapat abangan.

Basal Cell Carcinoma (BCC)

Ang pinakakaraniwang uri ng kanser sa balat ay Basal Cell Carcinoma. Sinasabi na ang ganitong uri ng kanser sa balat ay nangyayari dahil sa matagal na exposure sa UV rays ng araw.

Karaniwang nangyayari ang BCC sa mga bahagi ng katawan na nakakakuha ng pinakamaraming exposure sa sikat ng araw — tulad ng leeg, braso, o ulo. Ang Basal Cell Carcinoma na maagang nakikitta ay madaling magagamot. Partikular, bago ito magdulot ng anumang malubhang pinsala sa lugar kung saan nabuo ang kanser.

Ang mga sintomas ng Basal Cell Carcinoma ay kinabibilangan ng:

  • Isang bukas na sugat na pwedeng magmukhang gumaling saglit at pagkatapos ay bumalik pagkatapos ng ilang linggo. Tandaan din na ang sugat ay pwedeng dumugo o mag-ooze, at magpatuloy nang ilang linggo sa bawat pagkakataon.
  • Pagkakaroon ng mala-perlas o makintab na bukol o nodule na pwedeng kulay rosas, puti, o pula. Partikular sa mga taong maputi at tan o kayumanggi para sa mga may mas maitim na balat.
  • Isang spot sa balat na pwedeng lumitaw na parang peklat na maaaring dilaw, puti, o kulay ng laman.
  • Pagkakaroon ng patch ng balat na mukhang masakit o nanggagalit na pwedeng magdulot ng pangangati, crusting, o walang pakiramdam o sensation.

Squamous Cell Carcinoma (SCC)

Ang squamous cell carcinoma ay kanser sa balat sa squamous cells na matatagpuan sa pinakalabas na layer ng balat o sa epidermis. Karaniwang sanhi ito ng pinsalang dulot ng matagal na exposure sa ilaw ng UV, mula sa natural o artificial source. Maaaring mabuo ang SCC sa mga lugar na pinaka-expose sa araw, gaya ng anit, tainga, ulo, leeg, o mga kamay.

Kung hindi ginagamot ang SCC, maaaring magdulot ito ng pinsala sa mas malalim na mga layer ng balat na pwedeng magresulta sa disfiguration. Maaaring maglakbay sa iba pang bahagi ng katawan ang kanser sa pamamagitan ng prosesong tinatawag na metastasis.

Narito ang mga sintomas ng Squamous Cell Carcinoma:

  • Isang growth na maaaring katulad ng isang kulugo na pwedeng mag-crust at dumugo.
  • Mga patches ng balat na pwedeng makaramdam ng nangangaliskis at dumudugo nang paulit-ulit nang hindi gumagaling nang maayos.
  • Bukol sa balat na mukhang pula at matigas.
  • Isang growth na naka-elevate o nakataas mula sa balat na pwedeng dumugo at lumaki.

Melanoma

Itinuturing na pinakanakamamatay na uri ng kanser sa balat ang melanoma. Dahil sa posibilidad nitong kumalat sa ibang organs ng katawan. Ang uri ng kanser sa balat na ito ay pwedeng mabuo sa anumang bahagi ng katawan. Kahit sa ibabaw ng balat na hindi pa nasisikatan ng araw, gaya ng ilalim ng mga kuko o trunk.

Inirerekomenda ng American Cancer Society ang “ABCDE rule” ang pagtukoy sa early signs ng melanoma. Ang mga hakbang sa panuntunan ng ABCDE ay ang mga sumusunod:

  • Asymmetry: Ang isang sign ng melanoma ay maaaring isang nunal o isang birthmark. Kung saan, may bahagi ito na hindi tumutugma sa natitirang bahagi ng nunal o hitsura ng birthmark.
  • Border: Sinasabi na ang mga gilid ng isang nunal ay mukhang basag-basag o irregular na dapat sana ay makinis o pare-pareho sa kabuuan.
  • Kulay: Isang spot o patch ng balat na lumilitaw na may discoloration o iba’t ibang kulay, tulad ng brown spot. Kung saan, para bang may mga splashes ng pink, pula, puti, o asul sa loob nito.
  • Diameter: Mga spot o nunal na mas malaki sa ¼ pulgada ang lapad, o kasing laki ng pambura ng lapis.
  • Nag-e-evolve: Ang mga halatang pagbabago ng nunal sa balat o kulugo. Tulad ng kapansin-pansing pagbabago sa kulay, hugis, o sukat nito. Sapagkat, ang mga ito ay maaaring isang maagang babala para sa melanoma.

Mahalagang tandaan na hindi dahil mayroon kang single symptoms ay nagtataglay ka ng kanser sa balat. Kung nag-aalala ka tungkol sa anumang nakikitang pagbabago sa’yong balat, makipag-ugnayan sa iyong general practitioner o doktor. Para ma-screen ka sa lalong madaling panahon at mabigyan ng diagnosis. Karamihan sa mga kanser sa balat na maagang natutukoy ay maaaring gamutin at pagalingin.

Key Takeaways

Ang kanser sa balat ay isang cancer na nabubuo sa mga cells na matatagpuan sa epidermis, na siyang pinakalabas na layer ng balat. Sinasabi na ang ganitong uri ng kanser ay nagtataglay ng maraming uri na may mga partikular na sintomas na dapat bantayan. Sa pangkalahatan, ang anumang biglaan at halatang pagbabago nunal sa balat at iba pang bahagi na nakalantad sa araw ay maaaring isang indikasyon ng kanser. Kaya pinakamahusay na humingi ng medikal na payo sa lalong madaling panahon.

Matuto nang higit pa tungkol sa mga palatandaan at sintomas ng kanser, dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Functions of the Skin https://dermnetnz.org/cme/principles/functions-of-the-skin/ Accessed January 5, 2020

UV Radiation and Skin Cancer https://www.who.int/news-room/q-a-detail/ultraviolet-(uv)-radiation-and-skin-cancer Accessed January 5, 2020

Skin Cancer Information https://www.skincancer.org/skin-cancer-information/ Accessed January 5, 2020

Squamous Cell Carcinoma https://www.cancer.gov/publications/dictionaries/cancer-terms/def/squamous-cell-carcinoma Accessed January 5, 2020

Basal Cell https://www.cancer.gov/publications/dictionaries/cancer-terms/def/basal-cell Accessed January 5, 2020

Types of Skin Cancer https://www.aad.org/public/diseases/skin-cancer/types/common Accessed January 5, 2020

Basal Cell Carcinoma https://www.skincancer.org/skin-cancer-information/basal-cell-carcinoma/bcc-warning-signs-images/ Accessed January 5, 2020

Squamous Cell Carcinoma https://www.skincancer.org/skin-cancer-information/squamous-cell-carcinoma/scc-warning-signs-and-images/ Accessed January 5, 2020

How to Spot Skin Cancer https://www.cancer.org/latest-news/how-to-spot-skin-cancer.html Accessed January 5, 2020

Melanoma Causes and Risk Factors https://www.skincancer.org/skin-cancer-information/melanoma/melanoma-causes-and-risk-factors/ Accessed January 5, 2020

Kasalukuyang Version

08/30/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Dexter Macalintal, MD


Mga Kaugnay na Post

Alamin ang Sintomas ng Nasopharyngeal Cancer

Alamin: Ano ang Sintomas ng Polycythemia Vera?


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement