Mga Pangunahing Kaalaman
Ano ang Fallopian Tube Cancer?
Ang fallopian tube cancer, tinatawag minsang tubal cancer, ay isang bihirang uri ng cancer na nagsisimula sa fallopian tubes. Pinag-uugnay ng fallopian tubes ang ovaries papunta sa uterus. At sa ovulation, dadaan ang itlog ng babae sa mga tube na ito upang makarating sa uterus. Paano malaman kung may fallopian tube cancer?
Nagkakaroon ng fallopian tube cancer kapag hindi makontrol ang pagtubo ng mga cell sa ducts at naging tumor. Nababatak at nadidiinan ng tumor ang tube na dahilan upang makaramdam ng sakit ang isang tao habang lumalaki ang tumor na ito. Dagdag pa, pwedeng kumalat ang tumor sa mga tube papunta sa abdomen at pelvis.
Bihirang-bihirang sakit ang fallopian tube cancer. Mas karaniwan para sa mga cancer cell na makarating sa fallopian tube mula sa iba pang bahagi ng katawan tulad ng ovaries o suso kaysa sa cancer na nagsimula mismo sa mga tube.
Itinuturing na isang entity na may aggressive ovarian cancer at peritoneal cancer (isang uri ng cancer sa abdominopelvic cavity) ang fallopian tube cancer.
Paano malaman kung may fallopian tube cancer? Magbasa pa upang malaman.
Gaano Kadalas Magkaroon ng Fallopian Tube Cancer?
Ang 0.39 na insidente sa kada 100,000 babae ay naiulat sa Estados Unidos (Gynecol Oncol. 2018 May; 149(2): 318-323. doi: 10.1016/j.ygyno.2018.01.030). Naitala ng UCSF (University of California San Francisco) na nasa 1,500 hanggang 2,000 kaso ang naiulat sa buong mundo. Lumalabas sa mga bilang na ito na sobrang bihira na mangyari ang fallopian tube cancer.
Sa pangkalahatan, mas karaniwan ang secondary fallopian tube cancer kumpara sa cancer na nagsimula sa fallopian tubes. Ginagamit ang terminong secondary fallopian tube cancer kapag ang mga cancer cell mula sa ibang bahagi ng katawan (tulad ng lining ng uterus, suso, o ovaries) ay kumalat sa fallopian tube at naging sanhi ng pagtubo rin dito.
Alamin ang mga sintomas
Ano ang mga Sintomas ng Fallopian Tube Cancer?
Maaaring lumitaw ang fallopian tube cancer nang mabagal. Mas karaniwan ang dahan-dahang paglitaw ng mga sintomas. Ang karaniwang mga sintomas ng fallopian tube cancer ay:
- Abnormal vaginal bleeding (lalo na kapag sumapit na sa menopause ang babae)
- Abdominal bloating
- Pagsakit ng pelvis o abdomen
- Nahihirapang kumain o mabilis mabusog
- Mga sintomas sa pag-ihi (kagustuhang umihi at/o dalas ng pag-ihi)
- Pagkapagod
- Masamang lagay ng tiyan
- Hindi matunawan
- Pagsakit ng likod
- Masakit kapag nakikipagtalik
- Constipation
- Menstrual irregularities
- May lumalabas sa vagina na pwedeng malinaw, maputi, o mapula na may dugo
- May mass sa abdomen na nakita sa examination (minsan nakikita sa diagnostic imaging); maaari itong sundan ng pagsakit ng pelvis o pressure dito
- Natuklasan ang adnexal mass nang isagawa ang imaging para sa isa pang indication o sa surgery para sa isa pang indication
Mahalagang tandaang ang pagkakaroon ng mga sintomas na ito ay hindi nangangahulugang may fallopian tube cancer ka na. Maaaring dulot ang mga ito ng iba pang problema. May mga sintomas ang fallopian tube cancer na kapareho ng iba pang mga sakit. Ito ang dahilan kung bakit mahirap ma-diagnose ang fallopian tube cancer. Paano malaman kung may fallopian tube cancer ka? Kumonsulta sa iyong doktor.
Kailan Dapat Magpunta sa Doktor?
Kung may mapansin kang alinman sa mga sintomas na nabanggit sa itaas, tumawag sa iyong doktor. Kapag nakaranas ka ng mga sintomas tulad ng abnormal vaginal bleeding, tuloy-tuloy at/o matinding pagsakit ng pelvis at abdomen, at/o abnormal vaginal discharge, kumonsulta sa iyong doktor. Kung kasisimula mo pa lang sa menopause at napansin mong dinudugo ka o may pinkish discharge, agad na kontakin ang iyong doktor. Ang mga sintomas na kamakailan lang lumitaw o lumabas kasabay ng iba pang sintomas ay maaaring mangailangan ng karagdagang pagsusuri lalo na kung halos araw-araw ito kung mangyari at mas matindi kaysa sa karaniwan.
Alamin ang mga sanhi
Ano ang mga Sanhi ng Fallopian Tube Cancer?
Dahil bihira itong klase ng sakit, hindi pa rin tiyak ang mga doktor kung ano ang direktang sanhi ng fallopian tube cancer. Mas karaniwan ang cancer na kumakalat mula sa ibang bahagi ng katawan papunta sa mga tube at maging sanhi ng fallopian tube cancer.
Maaaring mapataas ng inherited gene mutation ang panganib na magkaroon ng fallopian tube cancer ang mga babae.
Mga Panganib
Ano ang Nagpapataas ng Panganib ng Fallopian Tube Cancer?
Hinala ng mga doktor na ang mga risk factor o panganib na ito ay may kaugnayan sa fallopian tube cancer:
- Family history ng ovarian, fallopian, o breast cancer
- Edad
Mas karaniwan ang fallopian tube cancer sa mga babaeng nasa edad 60-66 na may kaunti o walang anak. Tumataas kasabay ng pagtanda ang insidente ng fallopian tube cancer, batay sa Nurses’ Health Study. Sa isa pang pag-aaral, napag-alaman ng mga mananaliksik na ang median age ng diagnosis nito ay 63. Mayroon lamang 1.3% ng mga babae na wala pang 20 taong gulang kumpara sa 55 hanggang 64 na age group, na bumubuo sa 24.7% ng kabuoang mga kaso.
- Gene mutations na namana o iba pa
Diagnosis at Gamutan
Hindi pamalit sa kahit na anong medikal na payo ang mga impormasyong ibinigay dito. PALAGING kumonsulta sa iyong doktor para sa karagdagang impormasyon.
Paano Malalaman Kung May Fallopian Tube Cancer?
Paano malaman kung may fallopian tube cancer? Dahil isang bihirang sakit ang fallopian tube cancer, maaaring maghinala ang iyong doktor ng iba pang kondisyon. Pwedeng magsagawa ng mga tiyak na mga test na kayang sumagot sa tanong na, “paano malaman kung may fallopian tube cancer?”
Narito ang ilan:
- Pelvic Exam
Kasama dito ang pagsusuri sa uterus, vagina, ovaries, fallopian tubes, pantog, at rectum. Titingnan ng doktor ang anumang abnormalidad.
- CA125 Test
Isa itong blood test upang matukoy ang mga level ng tiyak na blood protein na tinatawag na CA125. Isang tumor marker ang CA125 para sa mga gynecological disease tulad ng fallopian tube cancer. Gayunpaman, mahalagang tandaan na ang tumaas na level ng CA125 ay hindi direktang nangangahulugan ng cancer. Naobserbahan din ng mga doktor ang tumaas na level sa mga buntis o may reglang mga babae.
Sa katunayan, tinatayang nasa 80% ng mga pasyente ang may mataas na CA125. Kapaki-pakinabang din ang test na ito sa pagmomonitor ng gamutan at maging sa pagbabantay sa muling paglitaw ng sakit.
- MRI, CT scan, Ultrasound
Makatutulong ang abdominopelvic imaging upang masuri ang presensya ng fluid sa abdominal cavity, na pwedeng lumitaw sa ganitong uri ng cancer.
Pwede ring hilingin ng iyong doktor ang iba pang imaging studies tulad ng chest x-ray o CT scan upang i-check kung may cancer na kumalat o may metastasis.
Paano Ginagamot ang Fallopian Tube Cancer?
Nakadepende sa mga sumusunod na salik ang gamutan sa fallopian tube cancer:
- Ang stage ng cancer (ang sukat at lokasyon ng cancer)
- Ang grade ng cancer (paano ito naiiba sa normal na mga cell)
- Uri ng cancer (saan sa fallopian tubes ito nagsimula)
- Edad, kalusugan, at medical history
Matapos ang assessment sa mga salik na ito, saka pipili ang iyong doktor ng pinakaakmang treatment option. Narito ang ilan sa mga posibleng gamutan:
- Surgical staging
- Chemotherapy
Depende sa lawak ng sakit, dagdag na gamutan ang chemotherapy upang lubusin ang survival. Sa ilang mga kaso, maaaring hindi akma ang surgery bilang unang hakbang ng gamutan dulot ng tindi ng sakit at maaaring magbigay muna ang iyong doktor ng chemotherapy.
- Radiotherapy
Sa ilang mga kaso, pwedeng maging option ang radiotherapy bilang palliative management ng mga sintomas, kabilang ang pagdurugo, pain, at mga problema sa pag-ihi at pagdumi.
Mga Pagbabago sa Pamumuhay at Remedyo sa Bahay
Ano ang ilan sa mga Pagbabago sa Pamumuhay o Remedyo sa Bahay na Makatutulong Upang Mapamahalaan ang Fallopian Tube Cancer?
Pangunahing alalahanin ng taong may cancer ang pagpapahupa ng mga sintomas.
Narito ang ilan sa mga inirerekomendang pagbabago sa pamumuhay kung sumailalim ka sa chemotherapy:
- Tugunan ang mouth sores sa pamamagitan ng pagsisipilyo ng iyong ngipin dalawa o tatlong beses kada araw sa loob ng dalawa hanggang tatlong minuto.
- Iwasan ang impeksyon sa pamamagitan ng pag-iwas sa hindi pa lutong pagkain, palaging paghuhugas ng kamay, at pag-iwas sa maraming tao.
- Manatiling physically active
- Panatilihin ang iyong timbang sa pamamagitan ng pagkain ng protein, calories, at kung kailangan, liquid food supplements.
- Panatilihin ang pakikipag-ugnayan sa iyong mga doktor tungkol sa anumang kasalukuyan o bagong sintomas na iyong nararanasan.
Kung may tanong ka, kumonsulta sa iyong doktor upang lubos pang maunawaan ang pinakamainam na solusyon para sa iyo.
Matuto pa tungkol sa cancer, dito.