backup og meta

Kaalaman Tungkol sa Vaginal Cancer: Mga Sanhi, Sintomas, at Gamutan

Kaalaman Tungkol sa Vaginal Cancer: Mga Sanhi, Sintomas, at Gamutan

Ang vaginal cancer ay isang uri ng cancer sa mga babae. Isa itong bihirang klase ng cancer na nagsisimula sa vagina. Karamihan sa mga kaso nito ay nangyayari kapag kumalat ang cancer mula sa iba pang bahagi ng iyong katawan. Anong mga kaalaman tungkol sa vaginal cancer ang dapat ko pang malaman?

Mga Stage ng Vaginal Cancer

Mauuri sa tatlong magkakaibang stage ang vaginal cancer batay sa kung gaano na kalala ang sakit.

Vaginal Intraepithelial Neoplasia (VAIN)

Ito ang precancerous stage. Sa stage na ito, mayroon ng cancer cells sa lining ng vagina ngunit hindi pa ito kumakalat.

Stage 1

Sa stage na ito, kumalat na ang cancer cells sa vaginal wall.

Stage 2

Sa stage na ito, kumalat na ang cancer cells sa nakapaligid nitong tissue.

Stage 3

Kumalat na sa pelvic wall ang cancer cells sa yugtong ito.

Stage 4

Nahahati sa dalawang substages ang stage ng cancer na ito – Stage 4A at Stage 4B. Sa stage 4A, kumalat na ang cancer sa pantog at rectum. Sa Stage 4B, kumalat na ang cancer cells sa iba pang bahagi ng katawan.

Kaalaman Tungkol sa Vaginal Cancer: Mga Sintomas

Maaaring hindi makaranas ang babae ng anumang senyales at sintomas sa initial stages ng vaginal cancer. Gayunpaman, maaari nang lumitaw ang mga senyales at sintomas nito habang tumatagal. 

Kabilang sa ilang senyales at sintomas ng vaginal cancer na dapat bantayan ang:

  • Masakit kapag umiihi
  • Masakit na likod
  • Constipation
  • Pagsakit ng pelvic area
  • Pangangati sa vaginal area
  • Sobrang pag-ihi
  • Vaginal discharge
  • Hindi karaniwang pagdurugo (sa ilang mga kaso, dinudugo kahit menopause na)
  • May bukol o lump sa vaginal area

Kaalaman Tungkol sa Vaginal Cancer: Mga Sanhi

Wala pang gaanong impormasyon tungkol sa sanhi ng vaginal cancer. Kadalasan, nabubuhay at namamatay ang mga cell sa tiyak na panahon. Gayunpaman, kapag hindi namatay ang mga cell at lumaki nang sobra, nagiging dahilan ito ng pagkakaroon ng abnormal cells na sanhi ng tumor. 

Kaalaman Tungkol sa Vaginal Cancer: Mga Panganib

Mas nanganganib na magkaroon ng vaginal cancer ang isang tao kapag:

  • May family history sila ng ganitong kondisyon
  • Positibo sa HIV ang babae
  • Sobra kung uminom ng alak
  • Na-diagnose na may alinmang uri ng cancer o may history siya ng cancer
  • Naninigarilyo
  • Sumailalim na siya sa radiation therapy
  • May history siya ng pag-inom ng diethylstilboestrol (DES), isang gamot na inirereseta sa unang trimester ng pagbubuntis upang maiwasan ang miscarriage.
  • May history ang isang babae ng Human Papilloma Virus (HPV), isang sexually transmitted infection na dahilan upang mas maging prone ka sa pagkakaroon ng vaginal cancer.

Kaalaman Tungkol sa Vaginal Cancer: Diagnosis

Kung mayroon ka ng alinman sa mga sintomas ng vaginal cancer o nasa panganib ka ng pagkakaroon nito, kumonsulta sa doktor. Maaaring itanong nila ang mga sintomas na iyong nararanasan, medical history, at family medical history.

Bukod dito, pwedeng magsagawa ang iyong doktor ng pelvic examination.

Maaari ding magrekomenda ang iyong doktor ng pap smear upang suriin kung may abnormal cells sa iyong vaginal area.

Posible ring magrekomenda ang iyong doktor ng iba pang screening test batay sa iyong risk factor. Ito ang:

  • Colposcopy – Sa procedure na ito, maaaring suriin ng iyong doktor ang iyong vagina gamit ang colposcope upang makita kung may abnormal cells.
  • Biopsy – dito, kukuha ng sample tissue at dadalhin sa lab para sa analysis.

Sa oras na ma-diagnose ang vaginal cancer, maaaring magrekomenda ng iba pang medical test ang iyong doktor upang matukoy ang stage ng cancer, tulad ng:

  • Imaging tests – posibleng irekomenda ito ng iyong doktor tulad ng X-ray, CT scan, o MRI upang matukoy kung kumalat na ang cancer sa kalapit na mga bahagi ng katawan.
  • Cystoscopy o Proctoscopy – Sa procedure na ito, magpapasok ang iyong doktor ng maliit na kamera upang matukoy kung kumalat na ang cancer sa kalapit na mga bahagi. Tinitingnan ng cystoscopy ang pantog at tinitingnan naman ng proctoscopy ang iyong rectum.

Kaalaman Tungkol sa Vaginal Cancer: Gamutan

Depende sa stage ng vaginal cancer ang gamutan. 

Kabilang sa pinakamabisang gamutan dito ang:

Radiotherapy

May dalawang uri ng radiotherapy – external radiation therapy at internal radiation therapy. Sa external radiation therapy, gagamit ang healthcare professional ng machine upang ma-target at mapatay ang cancer cells mula sa labas ng iyong katawan.

Sa internal radiation therapy, magpapasok o magbabaon ang healthcare professional ng radioactive material sa apektadong bahagi. Maaari ding maging sanhi ng ilang komplikasyon ang radiation therapy.

Sa parehong uri ng radiotherapy, maaaring magkaroon ng pinsala sa ovaries na lalong magpapahinto sa produksyon ng estrogen. Mas madalas itong mangyari matapos ang external radiotherapy.

Chemotherapy

Sa procedure na ito, magrereseta ang healthcare professional ng ilang oral o injectable na mga gamot upang mapigilan ang paglaki at pagkalat ng cancer cells sa iba pang bahagi ng katawan.

Ang chemotherapy ay maaaring maging sanhi ng ilang side effect tulad ng pagkalagas ng buhok, kawalan ng ganang makipagtalik, pagduduwal, at biglang pagbagsak ng timbang. Karaniwang nawawala ang mga side effect kapag nakompleto na ang gamutan. Maaaring magbigay ng ilang pag-iingat ang iyong doktor upang malagpasan ang mga side effect. 

Surgery

Sa procedure na ito, susubukan ng iyong doktor na tanggalin ang mga cancerous cell hangga’t maaari. Para sa vaginal cancer, pwedeng isagawa ang procedure na ito sa magkakaibang paraan tulad ng laser surgery, vaginectomy, hysterectomy, pelvic exenteration, at lymphadenectomy. 

Kaalaman Tungkol sa Vaginal Cancer: Mga Pagbabago sa Lifestyle

  • Ang Human Papilloma Virus (HPV) ang pinakakaraniwang sanhi ng vaginal cancer. Kung may history ka ng ganitong impeksyon, kailangan mong sundin ang ilang mga pag-iingat. Ilan sa mga ito ang pagkuha ng HPV shots, paggamit ng condom, at iba pa.
  • Itigil ang paninigarilyo. Pinatataas nito ang panganib na magkaroon ka ng cancer.
  • Iwasan ang pag-inom ng alak. Pinatataas nito ang panganib mo na magkaroon ng cancer at iba pang kondisyong pangkalusugan.
  • Kumonsulta sa iyong doktor at alamin kung gaano kadalas mo kailangan ang pelvic examination at pap smears. Regular kang dapat sumailalim sa test na ito kung mayroon ka ng alinman sa mga sintomas, may history ng cancer, o may family history ka ng ganitong kondisyon.
  • Kung sumasailalim ka sa gamutan para sa cancer, tiyaking makokompleto mo ang gamutan nang tama. Inumin ang gamot sa oras at huwag papagtaw sa alinmang therapy sessions.
  • Iwasan ang sexual activities habang naggagamot at maging pagkatapos ng gamutan sa loob ng ilang araw. Ang pakikipagtalik ay nakapagpapataas ng panganib na bumalik ang impeksyon. Pwede rin itong magdulot ng pagdurugo o pressure sa lugar na inoperahan. 
  • Panghuli, iwasan ang pakikipagtalik sa higit sa isang partner.

Matuto pa tungkol sa iba’t ibang uri ng cancer dito. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Vaginal Cancer/https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/vaginal-cancer/symptoms-causes/syc-20352447#:~:text=Vaginal%20cancer%20is%20a%20rare,sometimes%20called%20the%20birth%20canal./Accessed on 17/07/2020

Vaginal cancer/https://www.nhs.uk/conditions/vaginal-cancer/Accessed on 17/07/2020

Vaginal Cancer/https://medlineplus.gov/vaginalcancer.html/Accessed on 17/07/2020

Vaginal Cancer Treatment/https://www.cancer.gov/types/vaginal/hp/vaginal-treatment-pdq/Accessed on 17/07/2020

Kasalukuyang Version

03/16/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Alamin ang Sintomas ng Nasopharyngeal Cancer

Alamin: Ano ang Sintomas ng Polycythemia Vera?


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement