Ang esophagus ay ang hollow na tubo na nagsisilbing daanan ng pagkain at liquid mula sa bibig hanggang sa tiyan. Ang esophageal cancer ay nangyayari kung ang cells ng esophagus ay nagsimulang lumaki nang hindi makontrol.
Kung nagsimulang kumalat ang esophageal cancer, lumalagpas ito sa lining ng esophagus at kumakalat sa malapit na lymph nodes. Kapag ang cancer cells ay pumasok sa lymphatic system, maaari itong makarating sa buong katawan.
Maaaring kakitaan ng ilang mga limitadong sintomas ang esophageal cancer o kaya’y maging asymptomatic sa mga unang yugto nito. Nagiging dahilan ito upang maging mahirap ma-diagnose at magamot ang sakit na ito. Alamin sa artikulong ito ang iba pang mga kaalaman sa esophageal cancer.
Kaalaman Sa Esophageal Cancer: Mga Uri Nito
Adenocarcinoma
Nangyayari ito sa lining ng ibabang bahagi ng esophagus na malapit sa tiyan kung saan napo-prodyus ang mucus. Ang mucus na ito ay nakatutulong sa pagdaan ng pagkain.
Squamous Cell Carcinoma
Nagsisimulang lumaki ang cancer cells sa flat cells na makikita sa loob na layer ng esophagus.