backup og meta

Cancer sa Apdo: Paano Ito Nalalaman at Nagagamot?

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD · Pediatrics


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

Cancer sa Apdo: Paano Ito Nalalaman at Nagagamot?

cancer sa apdo

Ang apdo ay maliit na bahagi, tulad ng bulsa na organ na makikita sa ilalim ng iyong atay at mayroong laki na 3 pulgada at lapad na isang pulgada. Ang layunin nito ay mag-imbak ng bile, fluid na ginagawa ng iyong atay, na nire-release sa iyong small intestine upang makatulong sa digestion. Gallstones, na matigas na deposits na bile na maaaring maporma sa gallbladder, ay maaaring mag-range sa laki mula sa laki ng butil ng buhangin hanggang sa kasing laki ng golf ball. Ilan sa mga tao ay nagkakaroon ng gallstone, na ang iba ay nagkakaroon ng marami nito. Ang mga taong nakararanas ng sintomas mula sa gallstones ay tipikal na kinakailangan ng pagtanggal ng apdo. Mahalaga na tandaan ang mga ito dahil ang gallstones ang pinaka banta ng pagkakaroon ng cancer sa apdo.

Stage ng Cancer 

Ang mga sumusunod na stages ay ginagamit upang bigyan ng katangian ang progreso ng cancer.

Stage 0: Binibigyang katangian bilang in – situ.

Stage 1: Ang tumor ay makikita sa apdo at hindi pa kumakalat.

Stage 2: Ang tumor ay extended sa perimuscular connective tissue malapit sa apdo, ngunit hindi pa kumakalat sa ibang bahagi.

Stage 3: Ang tumor ay kumalat lagpas sa apdo ngunit hindi malapit sa arteries o veins. Hindi pa ito kumakalat sa kahit na anong lymph nodes at ibang bahagi ng katawan.

Stage 3B: Ang tumor na kahit na anong laki ay kumalat malapit sa lymph nodes ngunit hindi malapit sa arteries at/o veins o ibang bahagi ng katawan.

Stage 4A: Ang tumor ay kumalat malapit sa arteries, veins at/o kalapit na lymph nodes, ngunit hindi kumakalat sa ibang bahagi ng katawan.

Stage 4B: Binigyang katangian bilang kahit na anong tumor na kumalat sa ibang bahagi ng katawan o kahit na anong tumor na may pagkalat ng malayong lymph node, kahit na hindi pa ito kumakalat sa malayong organs.

Cancer sa Apdo FAQs

Ano ang tsansa ng pag-survive rito?

Higit sa 45 sa 100 mga tao ang nakaka-survive sa cancer sa apdo ng nasa 1 taon. Nasa 20 ng 100 mga tao ang nakaka-survive sa cancer sa apdo ng nasa 5 taon.

Depende sa stage, ang cancer sa apdo ay may variable prognosis. Kumpara sa advanced stages ng cancer, ang maagang stage ng cancer ay may mas maayos na prognosis.

Ang limang taong survival rate ay ang percentage sa mga taong may sakit na nananatiling buhay matapos ang diagnosis. Ang average na 5 taon na survival rate para sa cancer sa apdo sa lahat ng stage ay nasa 19%.

Paano Tinatanggal ang Cancer sa Apdo?

Sa karamihan ng mga kaso ng cancer sa apdo, ang mas masinsinang pamamaraan na tinatawag na extended o radical cholecystectomy ay isinasagawa dahil ang pagtanggal lamang ng gallbladder, ay may banta ng pagbabalik ng sakit. Ang pamamaraan na ito ay komplikado, kaya siguraduhin na may kasanayan ang surgeon.

Mahirap bang Gamutin ang Cancer sa Apdo?

Kung hindi pa kumakalat ang cancer, maaari itong matanggal. Kung ang cancer ay kumalat na, ang palliative care ay maaaring magpabuti ng kalidad ng buhay ng pasyente sa pamamagitan ng pagbawas ng sintomas at hirap ng kondisyon.

Mabilis bang Kumalat ang Cancer sa Apdo?

Oo. Upang maiwasan na kumalat ang sakit, mahalaga na simulan ang gamutan sa lalong madaling panahon matapos ang diagnosis na matanggap ang cancer sa apdo. Maaari ding magtanong ang mga pasyente sa kanilang medical staff tungkol sa clinical trial na mayroon.

Sanhi ba ng gallbladder stone ang mataas na cholesterol?

Ang gallstones ay maaaring mula sa labis na cholesterol, bile salts, o bilirubin (pile pigment). Cholelithiasis ay ang medikal na termino para sa presensya ng gallstones sa may mismong apdo. Habang ang choledocholithiasis ay ang medikal na termino para sa presensya ng gallstones sa bile ducts.

Matuto pa tungkol sa Cancer rito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Gallbladder cancer, https://www.cancer.org/cancer/gallbladder-cancer/about/key-statistics.html, Accessed July 22, 2022

Gallbladder cancer risk factors, https://www.cancer.org/cancer/gallbladder-cancer/causes-risks-prevention/risk-factors.html, Accessed July 22, 2022

Gallbaldder cancer risks and prevention, https://www.cancer.org/cancer/gallbladder-cancer/causes-risks-prevention/risk-factors.html, Accessed July 22, 2022

Gallbladder Cancer Statistics,
https://www.cancer.org/cancer/gallbladder-cancer/about/key-statistics.html, Accessed July 22, 2022

Gallstones symptoms and causes, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/gallstones/symptoms-causes, Accessed July 22, 2022

Gallbladder cancer detection and diagnosis,  https://www.cancer.org/cancer/gallbladder-cancer/detection-diagnosis-staging/staging, Accessed July 22, 2022

Kasalukuyang Version

06/28/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles

Nakatulong ba ang artikulong ito?


Mga Kaugnay na Post

Alamin ang Sintomas ng Nasopharyngeal Cancer

Alamin: Ano ang Sintomas ng Polycythemia Vera?