Ano ang multiple myeloma? Ang multiple myeloma ay isang uri ng cancer sa plasma cells (isang uri ng white blood cells). Matatagpuan sa bone marrow (soft tissue sa loob ng mga buto) ang mga plasma cell. Mayroon itong mahalagang gampanin pagdating sa immune system. Mayroong iba’t ibang uri ng cells ang immune system na tumutulong na labanan ang magkakaibang impeksyon at sakit na maaaring makapinsala sa katawan.
Ang iba pang uri ng white blood cells ay lymph cells, T cells, at B cells. Kapag tumugon ang B cells sa isang impeksyon na sumasalakay sa katawan, nagiging plasma cells ang mga ito. Sa oras na maging plasma cell na ang B cell, nagdedevelop ito ng antibodies na tumutulong sa paglaban sa mga germ na nasa katawan.
Nagsisimulang maging malignant o cancerous ang plasma cells kapag naipon ito sa bone marrow. Ang mga plasma cells na ito ay nagiging multiple myeloma cells.
Nagpoprodyus ang mga cell na ito ng abnormal antibodies na walang magandang idinudulot sa katawan at maaaring maging sanhi ng tumor, pagkasira ng buto, pinsala sa bato, at hindi maayos na takbo ng immune system. Kilala ang mga abnormal proteins na ito sa magkakaibang katawagan tulad ng M-protein, M-spike, paraprotein, at monoclonal immunoglobulin.
Napupuno ng multiple myeloma cells ang bone marrow at natatalo ang malulusog na blood cells.
Ano ang Multiple Myeloma: Mga Senyales at Sintomas
Magkakaiba ang mga senyales at sintomas nito sa bawat tao. Maaaring walang lumitaw na mga sintomas sa una.
Narito ang listahan ng mga sintomas na maaaring lumitaw:
- Pagduduwal
- Constipation
- Kawalan ng ganang kumain
- Pagbaba ng timbang
- Panghihina at pamamanhid sa mga binti
- Masakit ang buto (masakit ang dibdib o spine)
- Pagkapagod
- Madalas na pagkakaroon ng impeksyon
- Nalilito o nagiging malabo ang pag-iisip
- Sobra-sobrang pagkauhaw
Ano ang Multiple Myeloma: Mga Sanhi
Ang tiyak na sanhi ng multiple myeloma ay inaalam pa rin hanggang ngayon. Gayunpaman, maraming genetic mutations ang maaaring sanhi ng multiple myeloma.
Ang mga taong may sumusunod na kondisyon ay mas madaling magkaroon ng multiple myeloma:
- Matatanda, lalo na ang nasa edad 60 taon o higit pa.
- May family history ng ganitong kondisyon
- Mas madalas ito sa lalaki kumpara sa babae
- Mas madalas ito sa mga maiitim kumpara sa ibang lahi
- Pagkakaroon ng monoclonal gammopathy of undetermined significance (MGUS). Bagaman hindi isang uri ng cancer ang MGUS, ikinokonsidera itong premalignant at karamihan sa mga taong mayroon nito ay nagkakaroon kalaunan ng cancer tulad ng multiple myeloma, amyloidosis, at lymphoma.
Ano ang Multiple Myeloma: Mga Komplikasyon
Maaaring mauwi sa mga sumusunod na komplikasyon ang pagkakaroon ng multiple myeloma:
- Mas madalas naiimpeksyon
- Nababawasan ng red blood cells, na nagiging sanhi ng anemia.
- Paghina ng kidney at kidney failure
- Pagsakit ng mga buto, pagnipis ng mga buto, at pagkasira ng buto.
Diagnosis ng Multiple Myeloma
Nada-diagnose ng mga doktor ang multiple myeloma sa pamamagitan ng mga blood test o sa pamamagitan ng mga senyales at sintomas na nakikita sa tao.
Maaaring isagawa ng doktor ang ganitong mga test upang makita kung may multiple myeloma ang isang tao:
- Mga blood test
- Examination sa bone marrow
- Mga Imaging test
- Mga urine test
Gamutan
Narito ang mga gamutan para sa multiple myeloma:
Local treatments
- Surgery
- Radiation therapy
Systemic treatments
- Drug therapy – chemotherapy
- Steroids
- Proteasome inhibitors
- Immunomodulating agents
- Monoclonal antibodies
- Histone deacetylase
- Nuclear export inhibitor
- Bisphosphonates para sa bone disease
- Stem cell transplant
- CAR T-cell therapy
- Supportive treatments – Intravenous immunoglobulin
- Plasmapheresis
- Treatment para sa low blood cell counts (magbibigay ng mga gamot tulad ng Procrit at Aranesp)
Key Takeaways
Kung nakararanas ka ng mga sintomas ng multiple myeloma, ipinapayong bumisita ka sa doktor agad. Gawin ito upang maiwasan ang paglala ng kondisyon at makakuha ng mga gamutan na tutugon sa early stages ng cancer.
Matuto pa tungkol sa Cancers dito.