backup og meta

Heto Ang Mga Dapat Mong Malaman Tungkol Sa Multiple Myeloma

Heto Ang Mga Dapat Mong Malaman Tungkol Sa Multiple Myeloma

Ano ang multiple myeloma? Ang myeloma, na kilala rin bilang multiple myeloma, ay isang cancer sa plasma cells. Ang cells na ito ng plasma ay ang nagpoprodyus ng antibodies na tumutulong na labanan ang impeksyon. Sa myeloma, ang cells ay hindi makontrol na lumalaki at naitutulak ang mga malulusog na cells ng bone marrow na nagpoprodyus ng red blood cells, platelets, at ibang white blood cells.

Ano ang multiple myeloma? Ano ang nangyayari kung ikaw ay mayroon nito?

Ano ang multiple myeloma? Ang multiple myeloma ay cancer na nadedebelop sa isang uri ng white blood cell na kilala bilang plasma cells. Ang malulusog na plasma cells ay nakatutulong upang labanan ang mga impeksyon sa pamamagitan ng pagprodyus ng antibodies na nakatutukoy at umaatake sa germs. Sa multiple myeloma, ang cancerous na plasma cells ay namumuo sa bone marrow at naitutulak ang malulusog na blood cells.

Ang pinakalaganap na uri ng cancer ng plasma cell ay ang multiple myeloma, na kadalasang napoprodyus sa bone marrow at mga buto. Ang myeloma cells ay maaaring makadebelop ng mga tumor, na tinatawag na plasmacytomas, sa maraming mga buto sa buong katawan.

Sa myeloma, ang cells ay lumalaki nang sobra-sobra, kaya’t naitutulak ang normal cells na nasa bone marrow na gumagawa ng red blood cells, platelets, iba pang white blood cells. Dagdag pa, ang myeloma cells ay nakapagpapasigla sa osteoclasts na dahilan upang masira ang buro nang mas mailis kaysa normal.

Kapag humina o nasira ang mga buto, dalawang uri ng bone cells — osteoblasts na gumagawa ng buto, at osteoclasts na sumisira ng buto — ay hindi nagtutulungan hindi tulad ng normal na nangyayari.

Ang multiple myeloma ay kadalasang nada-diagnose sa pamamagitan ng pagsusuri sa lab matapos ang paghihinala.

Ano ang multiple myeloma? Sino ang may tyansang magkaroon nito?

Ang myeloma ay mas karaniwang sa mga kalalakihan kaysa sa mga kababaihan at mas madalang naaapektuhan nito ang mga taong may maitim na kulay ng balat kaysa sa mga mapuputi. Ito rin ay dalawang beses na karaniwan sa populasyon ng mga etnisidad ng maiitim kumpara sa populasyon ng Caucasian at Asian.

Ang mga kalalakihang nasa edad 60 pataas ay may tyansang magkaroon nito. Karamihan ng mga kaso nito ay nada-diagnose sa edad na 70. Bihira lamang ang mga kaso ng sakit na ito na nakaaapekto sa mga taong nasa edad 40 pababa.

Ang pagiging sobra sa timbang at ang pagkakaroon ng family history ng sakit na ito ay kabilang din sa mga mapapanganib na salik. Hindi ganap na maunawaan ng mga siyentista kung bakit ang ilang mga tao ay nagkakaroon ng myeloma. Gayundin, ang mga may family history ng multiple myeloma ay may mas mataas na tyansang magkaroon din nito.

Ano ang multiple myeloma? FAQ

Ang leukemia at myeloma ba ay magkapareho?

Ang leukemia at multiple myeloma ay pareho ngunit magkaibang cancers sa dugo. Gayunpaman, ang multiple myeloma ay isang cancer na nakaaapekto sa plasma cells, isang tiyak na uri ng white blood cell.

Gaano katagal maaaring hindi matuklasan ang myeloma?

Kung ikaw ay may nadedebelop na multiple myeloma, hindi ka makararanas ng anumang mga sintomas. Subalit matutuklasan sa tests na halos 10% hanggang 59% ng iyong bone marrow ay binubuo ng malignant plasma cells. May ibang mga taong may multiple myeloma sa loob ng mga buwan o taon bago nila napagtantong sila ay may sakit.

Gaano kabilis nadedebelop ang multiple myeloma?

Bagama’t ang bilis ng paglubha ng multiple myeloma ay maaaring iba-iba sa bawat tao, isang pag-aaral noong 2007 na nilahukan ng 276 mga indibiduwal ang nakatuklas na may 10% tyansa ng paglubha kada taon ang early multiple myeloma sa loob ng unang limang taon ng sakit na ito.

Posible bang magamot ang myeloma?

Ang gamutan para sa multiple myeloma ay kadalasang nakatutulong sa pagkontrol ng mga sintomas at sa pagpapaunlad ng kalidad ng buhay. Subalit ang myeloma ay karaniwang hindi nagagamot, at kinakailangan ang lubhang pag-iingat kung bumalik ang sakit.

Gaano kapanganib ang cancer mula sa myeloma?

Ang myeloma ay isang kondisyong halinhinang nangyayari sa pagitan ng panahon ng remission (kung wala ng cancer cells o nasa mababang lebel) at relapse. Hindi ito kadalasang nalulunasang kondisyon, ngunit lubhang nagagamot (kung ang cancer cells ay bumalik o dumami).

Key Takeaways

Kumonsulta sa iyong doktor para sa anomang alalahanin tungkol sa multiple myeloma. Sila ang pinakamahusay na makaaalam, makada-diagnose, at makagagamot ng iyong kondisyon. Magmumungkahi sila ng pinakamainam na plano ng gamutan para sa iyo.

Matuto pa tungkol sa Ibang Cancers dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Multiple myeloma, https://cancer.ca/en/cancer-information/cancer-types/multiple-myeloma/what-is-multiple-myeloma/, Accessed September 12, 2022

Multiple myeloma, http://www.albertahealthservices.ca/assets/info/hp/cancer/if-hp-cancer-guide-lyhe003-multi-myeloma.pdf, Accessed September 12, 2022

Multiple myeloma, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/multiple-myeloma/symptoms-causes/syc-20353378, Accessed September 12, 2022

Myeloma, https://bloodcancer.org.uk/understanding-blood-cancer/myeloma/, Accessed September 12, 2022

Multiple myeloma, https://www.nhs.uk/conditions/multiple-myeloma/#:~:text=Multiple%20myelom, Accessed September 12, 2022

Kasalukuyang Version

11/03/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Alamin ang Sintomas ng Nasopharyngeal Cancer

Alamin: Ano ang Sintomas ng Polycythemia Vera?


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement