backup og meta

Full body scan para sa cancer ligtas ba para sa iyo?

Full body scan para sa cancer ang isa sa mga posibleng paraan ng pag-diagnose ng kanser ng maaga. Ang pagdiskubre sa kanser sa pinakaunang yugto ay kadalasang nagbibigay ng pinakamahusay na pagkakataon para sa isang lunas. Para sa ilang mga kanser, ipinapakita ng mga pag-aaral na ang maagang pagsusuri ay maaaring magligtas ng mga buhay. Ngunit para sa iba pang mga kanser, ang maagang pagsusuri ay inirerekomenda lamang para sa mga taong may mas mataas na panganib. May mga rekomendasyon at alituntunin para sa screening ng kanser ang iba’t ibang mga organisasyong medikal.

Full body scan para sa cancer ligtas ba para sa iyo?

Subukang magmaneho sa ilang partikular na lugar  sa Los Angeles at maaari mong makita ang mga advertising billboards ng mga body scans. Halos nakikipag kompetensya ito sa mga mga burger joints. Mag mga patalastas din sa telebisyon at radyo na magpa-scan ng katawan. Ngunit talaga bang magagawa iyon ng whole-body CT scan? at ano ang mga panganib? 

Ano ang ginagamit para sa full body scan

Ang mga klinika at pasilidad ng medical imaging sa buong bansa ay nagpapalaganap ng bagong serbisyo para sa mga taong may kamalayan sa kalusugan. Gamit ang teknolohiyang tumitingin sa loob ng mga tao at nangangako ng mas maagang babala ng kanser, sakit sa puso, at iba pang abnormalidad. Whole-body CT screening ang tawag nila dito. Karaniwang kinabibilangan ito ng pag-scan sa katawan mula sa baba hanggang sa ibaba ng mga balakang gamit ang isang X-ray imaging na gumagawa ng mga cross-sectional na imahe.

Ang teknolohiyang ginagamit para sa full body scan para sa cancer ay tinatawag ng mga sumusunod na termino:

  • X-ray computed tomography o CT
  • Computerized axial tomography o CAT
  • Multi-slice CT o MSCT
  • Electron beam CT o EBCT
  • Electron beam tomography o EBT 

Lahat ng CT, MSCT at EBCT ay gumagamit ng X-ray upang makagawa ng mga larawang kumakatawan sa mga hiwa ng katawan tulad ng mga hiwa ng isang tinapay. Ang bawat hiwa ng imahe ay tumutugma sa isang manipis na seksyon ng wafer na maaaring matingnan upang ipakita ang mga istruktura ng katawan nang detalyado.

Ang CT ay kinikilala bilang isang napakahalagang medikal na gamit para sa pagsusuri ng sakit, trauma, o abnormalidad sa mga pasyente na may mga palatandaan o sintomas ng sakit. Ginagamit din ito para sa pagpaplano, paggabay, at pagsubaybay sa therapy. Ang pinakabago ay ang pagpo-promote ng CT bilang isang preventive o proactive na panukala sa pangangalaga ng pangkalusugan sa mga malulusog na indibidwal na walang sintomas ng sakit.

Epektibo ba ang full body scan

Ang mga pag-scan sa buong katawan ay mga imaging tests. Kinukuha nila ang mga larawan ng iyong buong katawan. Ang mga medikal centers ay karaniwang direktang binebenta ang mga ito sa mga mamimili. Sinasabi ng mga medikal centers na ang pag-scan ay nakakatulong na mahanap ang kanser at iba pang sakit nang maaga. Ngunit ang mga pag-scan na ito ay hindi ganoon kahusay sa paghahanap ng kanser sa mga taong walang sintomas. At ang mga pag-scan ay may mga panganib at gastos. 

Ang mga full body scan para sa cancer ay isang mahinang tool sa pag-screen. Walang mga medikal na lipunan ang nagrerekomenda ng mga pag-scan sa buong katawan. Iyon ay dahil walang ebidensya na ang pag-scan ay isang mahusay na tool sa pag-screen ng kanser. Ang pag-scan sa buong katawan ay nakakahanap ng mga tumor ng kanser sa mas mababa sa dalawang porsyento ng mga pasyente na walang mga sintomas.Ilan sa mga tumor na ito ay hindi kailanman magdudulot ng problema kung hahayaan. Mawawala sila o maaaring lumago nang napakabagal upang magdulot ng mga problema.

Maaaring hindi makita sa pag-scan ng buong katawan ang mga palatandaan ng kanser. Ang mga palatandaang ito ay maaaring mahanap ng mga pagsusuring inirerekomenda tulad ng mammogram.Maaaring magbigay sa iyo ng maling pakiramdam ng seguridad ang full body scan para sa cancer. Maaari mong balewalain ang mga tunay na sintomas kung lumitaw ang mga ito.

Bakit hindi inirerekomenda ang full body scan para sa cancer

Ang pag-scan sa buong katawan ay gumagamit ng maraming radiation.Dalawang uri ng teknolohiya ang ginagamit dito:

  1. CT (computed tomography) scan: Kumukuha ng maraming X-ray na larawan ng katawan.
  2. PET (positron emission tomography) scan: Ang radioactive material ay tinuturok sa katawan at kinokolekta sa mga lugar na may kanser.

Ang mga pag-scan na ito ay gumagamit ng malaking halaga ng radiation. Maaari nitong mapataas ang iyong panganib sa kanser. Kung mayroon kang higit pang mga tests na gagawin ay mas tumataas ang iyong panganib sa kanser.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

CT Scan for cancer

https://www.cancer.org/treatment/understanding-your-diagnosis/tests/ct-scan-for-cancer.html#:~:text=A%20CT%20scan%20(also%20known,about%2010%20to%2030%20minutes.

Whole body scans to screen for cancer

https://www.choosingwisely.org/patient-resources/whole-body-scans-to-screen-for-cancer/#:~:text=Whole%2Dbody%20scans%20are%20a%20poor%20screening%20tool.&text=That’s%20because%20there%20is%20no,a%20problem%20if%20left%20alone.

Whole body MRI for cancer screening

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6248944/

Cancer

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/cancer/diagnosis-treatment/drc-20370594#:~:text=In%20most%20situations%2C%20a%20biopsy,sizes%20and%20without%20apparent%20organization.

The Truth about whole body scans

https://www.webmd.com/a-to-z-guides/features/truth-about-whole-body-scans#:~:text=The%20American%20College%20of%20Preventive,increase%20your%20risk%20of%20cancer.

Full body city scans

https://www.fda.gov/radiation-emitting-products/medical-x-ray-imaging/full-body-ct-scans-what-you-need-know

Kasalukuyang Version

02/26/2026

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano ang ibig sabihin kapag may history ng cancer ang iyong pamilya?

Paano ang pang araw-araw na buhay ng may cancer sa atay?


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconPatalastas

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconPatalastas
ad iconPatalastas