Ayon sa Department of Health (DOH), ang Cervical Cancer ang pangalawang nangungunang cancer sa mga babae. Kada taon, inestima ng mga awtoridad na higit sa 7,000 bagong kaso at nasa 3,000 pagkamatay mula sa cancer na ito. Ang magandang balita, kung natukoy nang maaga, ang cervical cancer ay malulunasan. Kung isa sa iyong pamilya ay may cancer sa cervix, o nangangamba na ikaw ay may banta ng pagkakaroon nito, ang kaalaman sa cervical cancer screener ay magandang ideya.
Nangangamba Tungkol sa Cervical Cancer? Ang Screener ay Magandang Paraan Upang Magsimula
Ang kahit na sinong babae na nakaranas ng sexual intercourse ay may banta ng cervical cancer. Gayunpaman, mayroong mga pagkakataon na kahit ang mga taong hindi nagsagawa ng pakikipagtalik ay maaaring magkaroon din nito.
Tulad ng karamihan sa cancers, ang cervical cancer na senyales at sintomas ay bihirang makikita sa unang stages. Kung napansin ang sintomas, maaaring ibig sabihin nito na ang cancer ay nasa advanced na stage na.
Kung hindi lulunasan, ang cancer sa cervix ay kumakalat sa ibang bahagi ng katawan na nagiging sanhi ng maraming komplikasyon. Maaari din nitong maapektuhan ang kakayahan ng babae na mabuntis dahil ang lunas ay kabilang ang pagtanggal ng uterus, fallopian tubes, o ovaries.
Upang mabawasan ang banta ng komplikasyon at pangangailangan ng masinsinan (at maaaring mahal) na lunas, mahalaga na matukoy nang maaga ang cervical cancer. Ang Hello Doctor cervical cancer screener ay maaaring makatulong sa iyo upang matukoy ang banta.
Benepisyo ng Paggamit ng Hello Doctor’s Cervical Cancer Screener
Ang pangunahing benepisyo ng Cervical Cancer Screener ay nakatutulong ito upang matukoy ang iyong banta. Habang sinasagot ang mga tanong, maaari mong tantyahin kung kailangang bumisita sa doktor sa lalong madaling panahon o simpleng sundin lamang ang masustansyang gawi at routine checkups.
Ang aming Cervical Cancer Screener ay:
- Libre
- Confidential
- Verified ng doktor
- Mabilis at madaling makompleto – kailangan lamang ng ilang mga minuto.
Paano Gamitin ang Cervical Cancer Screener
Upang gamitin ang cervical cancer screener, maaari kang magtungo sa page na ito. Bilang alternatibo, makikita mo rin ito sa dulo ng artikulong ito.
Pindutin ang “start” na button at ikaw ay tutungo upang sagutan ang unang tanong tungkol sa iyong edad. Mula rito, bawat sagot mo ay may kaugnay sa iyong assessment ng iyong banta at mga mungkahi upang mabawasan ang posibilidad na magkaroon ng cervical cancer. Ang pagpili ng sagot ay awtomatikong magkakaroon ng sunod na tanong.
Nasa ibaba ang ilang mga bagay na tatanungin ng screener tungkol sa iyo:
- History ng paninigarilyo o habit
- Diet
- Operasyon na isinagawa
- Panahon kailan nakaranas ng unang sexual intercourse
- Dami ng mga anak na ipinanganak na
- Gamit na uri ng contraceptive
Paggamit ng Cervical Cancer Risk Screener
Upang maging sulit ang screener, isulat ang mga mungkahi habang nagsasagot. Ang mga rekomendasyon na ito na nagpapababa ng banta ng pagkakaroon ng cervical cancer ay narebyu ng at aprubado ng mga oncologist, doktor na may espesyalisasyon sa paggamot ng cancer.
Kung panahon na upang bumisita sa doktor, maaari mong talakayin ang mga naisulat sa pagpapababa ng banta ng cervical cancer.
Huling Paalala
Bagaman ang risk screener ay nirebyung medikal at aprubado, tandaan na ito ay para lamang sa impormasyon. Ang resulta ay hindi dapat na pamalit ng kahit na anong medikal na payo na ibinigay ng doktor sa iyo.
Gayundin, tandaan ang mga sumusunod na sintomas:
- Pagdurugo sa pagitan ng regla o matapos ang menopause
- Regla na higit o mas malakas kaysa sa karaniwan
- Pagdurugo matapos ang sexual intercouse o pelvic exam
- Masakit na pakikipagtalik
- Hindi maipaliwanag na sakit sa pelvic
Kung naranasan ang mga ito, pakiusap na kumonsulta sa doktor sa lalong madaling panahon. Ito ang mga posibleng senyales at sintomas ng cervical cancer.
Mahalagang Tandaan
Subukan ang cervical cancer screener ng Hello Doctor dito.