Ano ang secondary liver cancer? Bago natin pag-usapan ang secondary liver cancer, unawain muna natin ang konsepto sa likod ng secondary cancer. Tinatawag na primary cancer ang cancer sa organ o bahagi ng katawan kung saan ito nanggagaling. Kapag hindi nagamot sa tamang oras ang lahat ng uri ng cancer, kumakalat at nagme-metastasize ito sa mga lugar na nakapalibot sa apektadong lugar, at unti-unti sa iba pang organ at bahagi ng katawan. Tinatawag naman itong metastatic cancer o secondary cancer. At dahil kumalat na ang cancer sa iba pang bahagi ng katawan, itinuturing ang metastatic liver cancer bilang advanced stage.
Ano ang Secondary Liver Cancer?
Tinatawag na liver cancer ang cancerous na paglaki ng atay, ang pinagmumulan na organ. Samakatuwid, para mas maging malinaw, kilala ito bilang primary liver cancer o hepatocellular carcinoma. Kapag nagsimula ang cancer sa anumang bahagi o organ ng katawan bukod sa liver, at unti-unti itong kumakalat sa organ na ito, tinatawag itong secondary liver cancer. Sa terminology ng medisina, tinatawag itong hepatic carcinoma, metastatic liver cancer, o hepatic metastasis.
Karaniwang makikita ang secondary liver cancer sa oras ng diagnosis ng primary liver cancer, sa oras ng resection surgery ng unang lesion, o sa panahon ng staging process para sa radical cumulative surgery. Karaniwan itong nakikita sa loob ng dalawang taon.
Kung minsan, makikita ang metastatic liver cancer kahit hindi pa nada-diagnose ang pinagmulan ng sakit. Tinatawag ang kondisyon na ito bilang CUP o cancer of unknown primary.
Secondary Cancer sa Iba pang Uri
Hindi kasingkaraniwan ng ibang uri ng cancer ang liver cancer. Kung ikukumpara, mas mataas ang bilang ng secondary liver cancer kaysa sa mga cancer sa suso, baga, bato, pancreas, stomach, esophagus, at obaryo – mga karaniwang uri ng cancer – kumakalat sa atay.
Ang bowel cancer ang may pinakamataas na posibilidad na kumalat sa atay. Nangyayari ito dahil konektado ang suplay ng dugo mula sa maliit na bowel o bituka sa atay.
Mga Sintomas ng Secondary Liver Cancer
Ano ang secondary liver cancer? Maaaring symptomatic o asymptomatic ang mga sintomas ng liver metastasis. Ibig sabihin, maaaring nakatago ito, at hindi magpakita sa mga sintomas. Hindi rin karaniwang nakikita ang mga maliit na tumor.
Sumusunod ang mga karaniwang sintomas ng symptomatic na kondisyon:
- Lagnat
- Pagkapagod at panghihina
- Biglaan, hindi inaasahang pagbaba ng timbang
- Walang gana kumain
- Pagduduwal
- Tuloy-tuloy na pananakit sa kanang itaas ng tiyan, o balikat
- Pamamaga ng tiyan, isang kondisyon na kilala bilang ascites
- Pangangati ng balat
- Jaundice o paninilaw ng balat o puting bahagi ng mata sa mga huling stage
- Mahinang pagdumi
- Maitim na ihi
Diagnosis at Tumor Marker ng Secondary Liver Cancer
Sa kaso ng mga indibidwal na hindi pa nada-diagnose na may cancer, maaaring magrekomenda ng ilang medical test ang general practitioner para masuri kung mayroong cancerous growth.
Kung nagpapakita ng cancer ang mga test na ito kasama ang lugar ng naunang cancerous growth, ire-refer ang pasyente sa isang espesyalista na eksperto sa orihinal na cancer.
Muling irerekomenda ng espesyalista ang ilang test para malaman ang treatment option na posibleng pinakamabisa. Mataas din ang posibilidad na talakayin nila ang treatment option sa multi-disciplinary team (MDT) bago irekomenda ang treatment.
Maaari din irekomenda ang mga sumusunod na medical test bilang bahagi ng diagnostic procedure:
Blood test
Hindi mabisa ang blood test sa pag-diagnose ng metastatic cancer, ngunit maaari silang magbigay ng komprehensibong pananaw tungkol sa cancer.
Ibig sabihin, tinitingnan ng test na ito kung gumagana nang maayos ang atay, kung gumagawa ito ng mga protein para malabanan ang blood clotting, at iba pa.
Imaging scans
Karaniwang nirerekomenda ng mga espesyalista sa imaging scans cancer ang CT scan at MRI scan. Ginagawa ito para makita ang laki ng cancer. Kung minsan, pinapayo ring kumuha ng positron emission tomography-CT scan o PET-CT scan. Isa itong specialized scan ng pinagsamang PET scan at CT scan.
Gumagawa ito ng three-dimensional (3D) color image para ipakita ang eksaktong lokasyon ng mga cancer. Sa kaso ng secondary liver cancer, maaaring irekomenda ang test na ito para masuri ang metastasis ng sakit mula sa bowel o melanoma.
Biopsy
Sinusuri sa ilalim ng microscope ang isang sample ng tissue mula sa organ o bahagi ng katawan na apektado ng cancer para ma-diagnose ang liver cancer.
Kinokolekta ng healthcare practitioner ang sample gamit ang isang karayom sa kaso ng core biopsy, o sa pamamagitan ng minor na operasyon na tinatawag na laparoscopy.
Staging
Isa itong procedure na tumutukoy sa lawak kung saan nag-metastasize ang cancer.
Treatment para sa Secondary Liver Cancer
Nakatuon ang treatment ng kondisyon na ito sa pagpapaliit o pagkontrol sa paglaki at pagkalat ng cancer.
Nakadepende sa laki at dami ng tumor, lokasyon ng orihinal na cancer, edad ng pasyente, at kabuuang kalusugan ng pasyente, ang pagiging mabisa ng treatment para dito.
Sumusunod ang mga maaaring makuhang treatment para sa hepatic carcinoma:
Chemotherapy
Gumagamit ito ng mga gamot para paliitin o sirain ang cancerous na tumor, o kontrolin ang paglaki nito. Nakadepende ang uri ng gamot na ibibigay sa orihinal na lokasyon kung saan nagmula ang cancer.
Sa kasong ito, maaaring may kasamang isang gamot sa chemotherapy na karaniwang ginagamit panggamot sa orihinal na cancer. Maaari ding may kumbinasyon ito ng 2 hanggang 3 chemotherapy na gamot.
Surgical liver resection
Ginagawa ang operasyon na ito para alisin ang bahagi ng atay na apektado ng cancer.
Ngunit maaari lamang itong irekomenda kung naapektuhan na ng cancer ang malaking bahagi ng atay, o hindi pa kumalat sa ibang bahagi kung saan hindi na ito maaalis, tulad ng mga nakapaligid na buto dito.
Radiation therapy o Radiotherapy
Kasama dito ang pagtutok ng high-power radiation sa apektadong bahagi. Karaniwang nasa anyo ng mga X-ray beam ang radiation. Ngunit may ilang uri ng radiation therapy na maaaring gamitin panggamot ng secondary liver cancer.
Tinatawag itong selective internal radiation therapy (SIRT) at stereotactic body radiation therapy (SBRT). Hindi ginagamit ang conventional external beam radiation therapy para sa hepatic metastasis.
Matuto pa tungkol sa liver cancer dito.














