backup og meta

Alamin Dito ang mga Stages ng Liver Cancer

Alamin Dito ang mga Stages ng Liver Cancer

Kung malaman natin na ang isang tao ay may kanser sa atay, ang kadalasang unang tinatanong ay “anong stage?” Dahil ang pag-alam sa stage ang nagbibigay ideya kung gaano na kalala ang pagkalat ng kanser at ang posibleng paggagamot dito. Ito ang kailangan mong malaman tungkol sa mga stages ng kanser sa atay.

Maraming paraan upang malaman ang stages ng kanser sa atay.

Unang dapat malaman ay maaaring gumamit ang doktor ng ilang pamamaraan ng pagtukoy sa stages. Tatalakayin ng babasahing ito ang dalawa sa mga paraan: ang TNM staging (stages 1-4) at The Barcelona Clinic Liver Cancer (BCLC) system.

Ang TNM staging ay nangangahulugang tumor, nodes, at metastasis. Sa kabuuan ang sistema ay naglalayong matukoy ang:

  • Tumor: Ilang tumor ang mayroon? Ano ang size at saan ang lokasyon nito? Nalalapit na ba ito sa ibang bahagi?
  • Nodes: Umabot na ba ang kanser sa mga kalapit na lymph nodes o hindi pa?
  • Metastasis: Umabot na ba ang kanser sa malayong lymph nodes? Nakaapekto na ba ito sa ibang parte ng katawan tulad ng mga buto? 

Sa kabilang banda, ang sistemang BCLC ay kina-kategorya ang kanser sa atay na nakabatay sa mga sintomas na mayroon, katangian ng tumor, galaw ng atay, at kalagayan nito.

Tandaan, upang maisagawa ng doktor ang proseso ng pag-alam sa stage, kinakailangan sumailalim sa ilang mga pagsusuri.

TNM Stage ng kanser sa Atay

Marami sa atin ang hindi pamilyar sa TNM stages ng cancer. Nauunawaan natin na ang mataas na stage, ay ang mas malala na paglaganap ng kanser. Ngunit ano nga ba ang nangyayari sa bawat stage ng kanser? 

Stage I 

Ang unang stage ay nagpapahiwatig na may maliit na tumor sa atay at hindi pa ito lumalaki o kumakalat sa daluyan ng dugo. Wala pa itong naaapektuhan na anumang lymph node. 

Stage II 

Nagpapahiwatig naman ang stage II kanser sa atay na may maliit na tumor na nakakaapekto na sa daluyan ng dugo. Gayundin ang cancer na nasa 2nd stage kung maraming tumor ngunit hindi malaki ng higit sa 5cm.

Sa stage na ito, tandaan na ang tumor ay hindi pa kumakalat sa lymph node o kalapit na bahagi nito.

Stage III 

Ang stage na ito ng kanser sa atay ay may tatlong klase: 

  • Sa stage IIIA, ang pasyente ay may maraming tumor, at maaaring isa rito ay mas malaki sa 5 cm. 
  • Samantalang sa stage IIIB, ang pasyente ay may isa man lang na tumor (anuman ang sukat) na nakaaapekto sa pangunahing ugat sa atay. 
  • Sa stage IIIC naman, ang pasyente ay may tumor na nakaaapekto sa malapit na organ o umabot na sa lining ng atay. 
  • Sa stage III, tandaan na ang tumor ay hindi pa kumakalat sa lymph node o kalapit na bahagi nito. 

Stage IV 

Mayroong dalawang subgroups ang liver cancer: 

  • Stage IVA– Mayroon na iisang tumor man lang (anuman ang sukat) na umabot na sa kalapit na lymph node, ngunit hindi pa kumakalat sa mga organs. 
  • Stage IVB– Maaaring may isa o maraming tumor na nakaaapekto o hindi nakaaapekto sa lymph nodes ngunit nakaapekto na sa kalapit na bahagi nito, tulad ng baga o buto.

BCLC Stages ng Kanser sa Atay 

May apat na stages ang BCLC: 

  • Very early stage – Sa stage na ito, ang tumor ay mas maliit sa 2 cm. Ang pasyente ay may normal na bilirubin. Tandaan na ang mataas na lebel ng bilirubin kadalasan ay nangangahulugang may problema sa atay. 
  • Early-stage – Ang tumor ay may sukat na mas mababa sa 5 cm; maaaring mayroon o walang pagtaas sa bilirubin at presyon ng ugat sa atay. 
  • Intermediate stage- Ang pasyente ay maaaring may malaki o maraming tumor. 
  • Advance stage – Kumalat na ang tumor sa ugat ng atay, lymph node, o mga kalapit na bahagi.

Ang kahalagahan ng maagang pagtuklas 

Kadalasang nakakalito ang maagang pagtuklas ng kanser sa atay. Ayon sa mga doktor, ang maagang stage ng kanser sa atay ay kadalasang walang senyales at sintomas. Mahirap din makita ang maliit na tumor dahil nababalutan ang bahagi ng liver ng rib cage.

Gayunpaman, ang maagang pagtuklas ay mahalaga pa rin dahil nabibigyan nito ang mga pasyente ng maraming pamamaraan ng paggagamot. Sa kadahilanang ito, palaging makipag-ugnayan sa iyong doktor, lalo na kung ikaw ay nasa panganib.

Ang mga kadahilanang ito ay kadalasan kinabibilangan ng cirrhosis, hepatitis infection, at iba pang sakit sa atay. Kung ikaw ay nasa panganib, kausapin ang doktor tungkol sa mga screening na pagsusuri.

Matuto pa tungkol sa kanser sa atay dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Liver cancer
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/liver-cancer/symptoms-causes/syc-20353659
Accessed January 14, 2021

Liver Cancer Stages
https://www.cancer.org/cancer/liver-cancer/detection-diagnosis-staging/staging.html
Accessed January 14, 2021

Liver Cancer Staging
https://stanfordhealthcare.org/medical-conditions/cancer/liver-cancer/liver-cancer-stages.html
Accessed January 14, 2021

Liver Cancer: Stages
https://www.cancer.net/cancer-types/liver-cancer/stages
Accessed January 14, 2021

Stages of liver cancer
https://www.cancercenter.com/cancer-types/liver-cancer/stages#:~:text=inches)%20in%20diameter.-,The%20cancer%20has%20not%20spread%20to%20nearby%20lymph%20nodes%20or,lymph%20nodes%20or%20distant%20sites.
Accessed January 14, 2021

Can Liver Cancer Be Found Early?
https://www.cancer.org/cancer/liver-cancer/detection-diagnosis-staging/detection.html
Accessed January 14, 2021

Kasalukuyang Version

08/20/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Tandaan: Mga sintomas ng kanser sa atay

Cancer sa atay: Ano ang epekto nito sa iyong katawan?


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement