Ang buhay ng may cancer sa atay, o anumang uri ng cancer sa bagay na iyon ay hindi madali. Bukod sa mga pisikal na sintomas, mayroon ding mga hadlang sa pag-iisip na pinagdadaanan ang mga pasyente ng cancer. Gayunpaman, ang pagkakaroon ng ideya kung ano ang aasahan ay makatutulong sa mga tao na magkaroon ng kapayapaan ng isip. Narito ang kailangan mong malaman tungkol sa buhay ng may cancer sa atay.
Pamumuhay na May Cancer sa Atay: Pagharap sa Diagnosis
Ang pagharap sa diagnosis ng cancer ay kadalasang napakahirap. Ito ay totoo lalo na pagdating sa cancer sa atay.
Pangunahing cancer sa atay ay itinuturing na isang “tahimik na sakit.” Nangangahulugan ito na hindi ito palaging nagpapakita ng mga sintomas. At walang anumang malinaw na sintomas, posibleng magkaroon ng cancer sa atay sa loob ng maraming taon. Pagkatapos ay malalaman na mayroon ka nito sa isang huling stage.
Ang kawalan ng mga sintomas na ito ay dahilan din kung bakit ang cancer sa atay ay karaniwang nakikita sa mga huling stage. Maaari pa ring gawin ang panggamot kahit para sa mga pasyente ng cancer sa stage IV. Ngunit ang pangkalahatang pagbabala ay hindi maganda. Ang cancer sa huling stage, sa pangkalahatan, ay mas mahirap gamutin kumpara sa cancer sa mga unang stage nito. Mas mahirap ding gamutin ang cancer sa atay kumpara sa iba pang uri ng cancer.
Batay sa datos na nakalap sa England, humigit-kumulang 40% ng mga pasyente ng cancer sa atay ang nakaligtas sa kanilang unang taon pagkatapos ng diagnosis. Gayunpaman, 15% lamang ang mabubuhay sa loob ng 5 taon pagkatapos ng diagnosis.
Sa kabila ng pagiging mahina ng pagbabala, maraming tao ang nakaligtas sa stage IV cancer. Sa ngayon, mayroong mga opsyon sa panggamot na magagamit para sa mga pasyente, at ang mga bagong tagumpay ay natutuklasan nang mabilis. Kaya’t kung ikaw ay masuri na may cancer sa atay, huwag mawalan ng pag-asa.
Anong Mga Uri ng Paggamot ang Magagamit?
Ang buhay ng may kanser sa atay ay nangangahulugan ng paghahanap ng mabisang panggamot para sa iyong kondisyon. Narito ang ilan sa mga paraan ng panggamot:
Surgery o Transplant
Isang opsyon ay ang pag-alis ng may sakit na bahagi ng atay para sa paggamot sa cancer sa atay. Sa teorya, hanggang 80% ng atay ay maaaring alisin ng mga surgeon kung ang pasyente ay malusog. Sa paglipas ng panahon, ang mga inalis na bahagi ay babalik at ang atay ay gagana nang normal.
Maaaring kailanganin ang kumpletong transplant ng atay kung saan ang kanser ay kumalat nang labis,

Ablation Therapy
Ang ablation therapy ay tungkol sa pagsira sa mga tumor sa atay ng walang operasyon. Kabilang dito ang cryoablation, microwave ablation, radiofrequency ablation at ethanol ablation.
Chemotherapy
Kasama sa chemotherapy ang paggamit ng gamot upang patayin ang mga selula ng cancer. Ito ay maaaring gawin sa pamamagitan ng mga tabletas o sa pamamagitan ng direktang injection.
Immunotherapy
Kasama sa immunotherapy ang pagpapalakas ng sariling immune system ng katawan upang labanan ang cancer.
Radiotherapy
Ang radiotherapy ay paggamit ng radiation na naka-target sa mga partikular na bahagi ng atay upang sirain ang anumang mga selula ng cancer o tumor.
Posible bang Bumalik ang Cancer sa Atay?
Tulad ng karamihan sa mga cancer, mayroon pa ring pagkakataon na pagkatapos ng iyong panggamot, maaaring bumalik ang cancer sa atay. Posibleng muling maapektuhan ng cancer ang atay, o maaari pa itong kumalat sa ibang bahagi ng katawan.
Mahalagang tandaan na kung mayroon kang cancer sa atay, may panganib na maaari itong bumalik. Dapat kang maging handa para sa posibilidad na maaari itong maulit, at sa ilang mga kaso, maaaring hindi ito magamot. Ito ang dahilan kung bakit mahalagang magkaroon ng mga follow-up na pagsusuri pagkatapos ng panggamot, upang masubaybayan ng iyong doktor ang iyong kondisyon.
Ang mga pagbabago sa pamumuhay, tulad ng pagkain ng mas malusog at pag-eehersisyo, ay mahalaga rin upang makatulong na mapanatiling malakas ang iyong katawan at mapababa ang panganib ng pag-ulit.
Pagdating sa pamumuhay na may cancer sa atay, ang pinakamahalagang bagay ay ang manatiling positibo at gawin ang lahat ng iyong makakaya sa buhay.
Matuto nang higit pa tungkol sa pamumuhay na may cancer sa Atay rito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o panggamot.













