Kadalasan, ang mga tao ay nag-aalala sa pag-diagnose ng problema sa suso, iniisip nila agad ang mammograms. Ngunit ang mammography ay hindi lamang ang imaging test na nagtutukoy sa pagbabago ng suso. Mayroon din tayong breast ultrasound na pamamaraan. Kailan kailangan ng ganitong pamamaraan at ano ang inaasahan kung inirekomenda ito ng iyong doktor na gawin? Alamin dito kung paano ginagawa ang breast ultrasound.
Ano ang Pamamaraan na Breast Ultrasound?
Kung sa mammography ay mayroong makina upang ma-flatten ang suso upang ma-examine ang tissue, ang pamamaraan sa breast ultrasound ay gumagamit ng wand o transducer.
Sa paggalaw ng doktor o radiologist ng transducer sa suso, nagpo-produce ito ng sound waves na tumatalbog sa tissues. Ang sound waves ay nagpo-produce ng mga imahe, na makikita mo sa iyong monitor.
Kailan mo Kailangan ng Breast Ultrasound?
Tandaan na hindi lang magtatakda ang doktor ng breast ultrasound lamang. Sa karamihan ng mga kaso, gumagamit din ng imaging test kasama ng ibang tools, tulad ng mammography.
Maaaring kailanganin mo ng breast ultrasound procedure kung:
- Mayroong damang-dama na bukol sa suso at nagpasya ang doktor na gamitin muna ang ultrasound.
- Nakakita ang doktor ng kung ano sa mammography at kailangan ng follow up. Dahil ang pamamaraang breast ultrasound ay maaaring malagay sa tiyak na bahagi, mainam itong kagamitan para sa “pangalawang tingin” sa kahina-hinalang bahagi.
- Nakararamdam ng pagbabago sa suso, ngunit hindi nakikita sa mammography ang resulta.
- Gustong matignan ng doktor ang bukol kung may tubig (cysts, na karaniwang hindi cancerous) o solid mass, (na kailangan ng karagdagang testing)
- Kailangan mo ng biopsy. Ang breast ultrasound na pamamaraan ay maaaring gamitin upang ma-guide sa needle papunta sa mass.
Anong Inaasahan sa Pamamaraang Breast Ultrasound
Kung pinayuhan ka ng iyong doktor na magsagawa ng breast ultrasound, narito ang dapat asahan bago, habang at pagkatapos.
Bago mag ultrasound
Para sa breast ultrasound, mainam na huwag maglagay ng pulbo o lotion sa balat na malapit sa suso. Huwag ding maglagay ng deodorant. Ang ganitong mga substances ay maaaring makahadlang sa pagkakaroon ng malinaw na imahe.
Habang inuultrasound
Kung nasa clinic na, sasabihin sa iyo ng staff na maghubad ng iyong itaas na damit kabilang ang iyong bra. Magbibigay sila ng hospital gown upang suotin at pahihigain ka nila. Maaaring kailangan mo asahan ang tiyak na posisyon para sa optimal imaging.
Maglalagay ang radiologist ng lubricant (clear gel) sa iyong suso o transducer. Tandaan na maaari itong malamig sa pakiramdam.
Sunod, igagalaw nila ang wand sa paligid ng iyong suso at axilla or kili-kili area. Maaari kang makaramdam ng kaunting pressure sa kanilang pagdiin at paggalaw ng wand; siguraduhin na sabihin sa kanila kung hindi ka komportable. Maaaring sabihan ka ng iyong doktor na gumalaw maya’t maya upang makakuha ng malinaw na imahe.
Sa kabuuan, ang pamamaraan na breast ultrasound ay makokompleto sa loob ng 15 hanggang 30 minuto.
Pagkatapos ng Ultrasound
Matapos ito, pupunasan ng doktor ang lubricant sa iyong balat at sasabihan ka na ibalik ang iyong suot.
Ang mga imahe ay handa na, ngunit kailangan mong maghintay ng ilang oras o araw para sa interpretasyon.
Walang downtime para sa breast ultrasound. Ibig sabihin nito na maaari kang makabalik sa iyong pang-araw-araw na gawain matapos isagawa ito.
Huling Paalala
Kung natanggap na ang resulta, ito ay dadalhin sa iyong doktor. Kung walang nakitang kahina-hinala ang iyong doktor, hindi mo na kailangan ng karagdagang testing. Sa pagkakataon na nakakita sila, maaaring payuhan ka nilang sumailalim sa ibang test tulad ng mammogram o biopsy.
Mahalagang Tandaan
Ang pamamaraan na breast ultrasound ay gumagamit ng sound waves mula sa transducer upang mag-produce ng imahe sa loob ng iyong suso. Karaniwang ginagamit ng mga doktor ito kasama ng ibang kagamitan upang matukoy kung may pagbabago sa suso na kailangang tugunan.
Ang kabuuang pamamaraan ay tatagal ng 15 hanggang 30 minuto, ngunit kailangan mong maghintay ng ilang oras o araw para sa interpretasyon. Ang breast ultrasound ay walang downtime kaya’t makababalik ka agad sa pang-araw-araw na gawain.
Matuto pa tungkol sa Breast Cancer dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.