backup og meta

Kaalaman Tungkol Sa Breast Cancer: Heto Ang Mga Dapat Mong Tandaan

Kaalaman Tungkol Sa Breast Cancer: Heto Ang Mga Dapat Mong Tandaan

Ang kaalaman tungkol sa breast cancer ay makatutulong na magsalba ng buhay. Narito ang kailangan mong malaman tungkol sa mga uri ng breast cancer, sintomas, banta at lunas nito.

Mga Uri ng Breast Cancer

Ang breast cancer ang pinaka karaniwang klase ng cancer sa mga babae, ngunit naaapektuhan din nito ang mga lalaki. Maaari itong mag-develop sa iba’t ibang bahagi ng suso, ngunit maaaring kumalat sa ibang tatlong pangunahing bahagi. Ang mga ito ay duct, lobules, at connective tissue.

Ang mga uri ng breast cancer ay binibigyang-kahulugan sa cells sa suso o dibdib na naging cancer.

Ang ganitong uri ng cancer ay kadalasan na naaapektuhan ang mga babae na may edad na 50 pataas. Ito ay nangyayari bago, habang o pagkatapos mag-menopause. Noon, ito ang pangunahing sanhi ng pagkamatay sa cancer sa mga babae noong ika-20 at ika-21 siglo, ngunit nangunguna na ngayon ang lung cancer sa mga maunlad na bansa.

Ano ang mga Uri ng Breast Cancer?

Para sa ibang kaalaman tungkol sa breast cancer, narito ang mga uri ng breast cancer.

  • Ductal Carcinoma sa situ
  • Invasive Ductal Carcinoma (tubular, medullary mucinous at inflammatory carcinoma ang nasa ilalim ng uri nito)
  • Lobular Carcinoma sa situ
  • Invasive Lobular sa situ
  • Mixed Ductal at Lobular

Ang carcinoma ay isang tumor na lumalaki sa epithelial cells na nakalinya sa organ at tissues sa katawan.

Maaaring kumalat ang breast cancer sa pamamagitan ng blood vessels maging ang lymph vessels. Ito ay tinatawag na metastasis. 

Senyales at Sintomas

Ang pinaka karaniwang senyales o sintomas ng breast cancer ay bukol na makikita sa bahagi ng suso o malapit sa kilikili. Hindi lahat ng bukol sa iyong bahagi ng dibdib ay indikasyon ng breast cancer. Kung nakakita ka ng kahina-hinala na bukol o cyst, at kung napansin mong lumalaki ito, mainam na kumonsulta sa doktor.

Kaya’t mahalaga ang buwanang eksaminasyon sa suso, maliban sa kaalaman sa breast cancer. Ito ang pinaka mainam na paraan upang ma-monitor ang kahit na anong pagbabago na makikita mo sa iyong suso.

Ibang Sintomas na Kailangan Mong Pansinin:

  • Rash sa isa o parehong utong
  • Pamamaga sa bahagi ng suso
  • Sakit sa bahagi ng utong
  • Sakit sa bahagi ng suso
  • May discharge sa utong liban sa gatas
  • Hindi nawawala na pamumula sa paligid ng balat ng iyong suso
  • Pamamalat o makaliskis na texture ng balat sa suso o paligid ng utong
  • pagbabaligtad ng utong o nagkakaroon ng inverted nipple
  • pag-iiba ng balat sa may suso, tulad ng balat ng orange

Kung nakaranas ng kahit na anong sintomas, agad na magtakda ng appointment sa iyong doktor.

Maagang Pagtukoy

Isa sa pinaka mainam na paraan upang maiwasan ang cancer ay ang maagang pagtukoy nito. Kung ang cancer sa suso ay maagang nalaman, may 99% na survival rate ito. Kaya’t ang maagang pagtukoy ang pinaka mahalaga na dapat mong malaman sa breast cancer.

Maraming mga paraan upang matukoy nang maaga ang mga senyales ng breast cancer. Maaari kang magsagawa ng buwanang self-exam upang tingnan kung may bukol sa paligid ng bahagi ng suso maging sa malapit sa kilikili.

Maaari ka ring magtakda ng regular na pagbisita sa klinika, upang magpatingin. Ang pinaka mahalaga ay huwag kaligtaan ang taunang mammogram, lalo na sa mga kababaihan na edad 40 pataas.

Banta

Mayroong kaunting banta na maaaring tumaas ang tsansa ng pagkakaroon ng sakit na ito. Tandaan na ang doktor lamang ang maaaring tumukoy nito. Kung ikaw ay nag-aalala, konsultahin ang iyong doktor.

Ang mga banta sa breast cancer ay ang mga sumusunod:

  • Kasarian. Isa sa mga kaalaman sa breast cancer na hindi karaniwang kilala ay ang pagkakaroon ng sakit na ito sa mga lalaki sa bihirang pagkakataon. Mas may banta pa ring magkaroon nito ang mga kababaihan.
  • Menopause. Ang ganitong uri ng cancer ay normal na natutukoy sa pagitan ng edad ng menopause.
  • Maagang pagregla. Kung nagsimula kang magkaroon ng regla bago ka mag-edad ng 12 taon mas mataas ang tsansa mo ng pagkakaroon ng breast cancer.
  • Family history. Kung mayroon kang first degree na kamag-anak na may cancer, mas may banta kang magkaroon nito.
  • Lifestyle habits, tulad ng labis na pag-inom ng alak at paninigarilyo. Ang dalawang ito ay mga gawain na nagpapataas ng tsansa ng pagkakaroon ng cancer.

Diagnosis at Lunas

Mayroong 5 stages ng breast cancer.

Ang Stage 0 ay non invasive habang ang ibang 4 na stages ay kinokonsiderang invasive breast cancer.

Gumagamit ang mga doktor ng TNM staging system upang matukoy ang apat na stages ng breast cancer. Ang TNM ay may kahulugan na “tumor, nodes, at metastasis.”

Nagpapakita ang tumor kung gaano kalaki ang breast tissue na impacted. Nagpapakita ang nodes kung ang cancer ay kumalat sa lymph nodes, at ang metastasis ay tumutukoy sa pagkalat ng cancer sa ibang bahagi ng katawan.

Konsutahin ang iyong doktor sa maraming kaalaman tungkol sa breast cancer at stages nito dahil bawat stage ay may iba’t ibang prognosis at lunas.

Lunas ng Breast Cancer

Narito ang isa sa pinaka mahalagang kaalaman tungkol sa breast cancer: ang ma-diagnose ng breast cancer ay hindi ibig sabihing may taning na ang buhay.

Depende sa stage at pagiging malala, may 5 iba’t ibang option na mayroon sa paggamot ng sakit.

Base sa iyong diagnosis at kakaibang kondisyon, maaaring magpayo ang doktor ng mga sumusunod na plano sa paggamot:

  • Operasyon
  • Radiation
  • Chemotherapy
  • Hormone therapy
  • Targeted therapy

Kaalaman Tungkol sa Breast Cancer: Mahalagang Tandaan

Ang breast cancer ay seryoso at may banta sa buhay na kondisyon. Ngunit sa maagang pagtukoy nito, ang tsansa na maka-survive sa partikular na cancer na ito ay 99%. Ang pag-alam sa kaalaman tungkol sa breast cancer ay nakapaghihikayat sa mga kababaihan na regular na magpa-screening para sa breast cancer.

Sa pamamagitan ng advances na developments sa medical field, maaari nang magamot ang breast cancer, upang mapabuti ang tsansa na mabuhay nang mas matagal.

Matuto pa tungkol sa Breast Cancer dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What is Breast Cancer? https://www.cancer.org/cancer/breast-cancer/about/what-is-breast-cancer.html, Accessed 25 May 2020

What is Breast Cancer? https://www.cdc.gov/cancer/breast/basic_info/what-is-breast-cancer.htm, Accessed 25 May 2020

Types of Breast Cancer, https://www.nationalbreastcancer.org/types-of-breast-cancer/, Accessed 25 May 2020

Breast Cancer, https://www.britannica.com/science/breast-cancer, Accessed 25 May 2020

What is Breast Cancer? https://www.cancer.org/cancer/breast-cancer/about/what-is-breast-cancer.html, Accessed 25 May 2020

Kasalukuyang Version

06/13/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Paano Ginagawa ang Breast Ultrasound

Maagang Sintomas Ng Cervical Cancer, Anu-Ano Nga Ba?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement