backup og meta

Bukol Sa Suso: Anu-Ano Ang Mga Uri Ng Breast Lumps?

Bukol Sa Suso: Anu-Ano Ang Mga Uri Ng Breast Lumps?

Ang mga bukol sa suso ay masses ng tissue na napoporma sa loob ng iyong suso. Mayroong iba’t ibang uri ng bukol sa suso. Iba ang pakiramdam ng mga ito sa ibang breast tissue at maaaring magbago ng hugis o laki ng iyong suso.

Ang senyales na ikaw ay may bukol sa suso ay ang hindi regular na hugis ng suso at pamumula nito. Maaaring sintomas din ang discharge mula sa utong ng bukol sa suso at paglaki nito. Bagaman ang bukol sa suso ay maaaring mangyari sa mga lalaki, karaniwan na nadi-diagnose ito sa mga babae.

Mga Uri ng Bukol sa Suso

Benign

Karamihan ng mga bukol sa suso ay kinokonsiderang benign o hindi cancerous. Kalimitan na ang mga ito ay may maayos na borders sa palpation. Gayunpaman, ang ilang benign na bukol ay may hindi regular na borders din. Kaya’t mahalaga ang malalim na imbestigasyon sa pamamagitan ng biopsy.

Ang ilan sa mga karaniwang halimbawa ng benign na kondisyon sa suso ay ang mga sumusunod:

  • Fibrocystic changes: Ito ay nakaaapekto sa mga babae na nasa edad na 20 hanggang 50. Ito ay nangyayari kung ang breast tissues at ducts ay nag-react nang hindi naaayon sa hormones na napo-produce habang nireregla. Ito ay nagreresulta sa pagkakaroon ng maraming bukol o cysts.
  • Fibroadenomas: Ito ay mga tumor na gawa sa firm lumps ng glandular tissue na maaaring ma-diagnose sa mga babae sa edad na 18 hanggang 35 na taong gulang. Ang kondisyon na ito ay nagsasagawa ng bukol na may pakiramdam na goma, na maaaring gumalaw sa loob ng suso kung mapisil.
  • Papillomas: Ang mga ito ay maliit na bukol malapit sa bahagi ng utong. Kalimitin itong nagreresulta sa matubig o madilaw na discharge mula sa utong.

Malignant

Bagaman karamihan sa mga uri ng bukol sa suso ay hindi cancerous, ang malignant lumps na iniwang hindi napapatingin at hindi nagagamot ay maaaring magkalat ng cancer cells sa daluyan ng dugo.

Isa sa mga maagang senyales ng breast cancer ay matigas, na isang bukol na karaniwang hindi masakit kung hahawakan. Karamihan ng malignant na bukol sa suso ay nakikita sa paligid ng itaas na bahagi ng suso hanggang sa kilikili. Kalimitan, ang mga bukol na malignant ay may hindi regular na borders sa palpation.

Paano Mo Matitingnan ang Iyong Sarili sa Mga Uri ng Bukol sa Suso?

Ang regular na self-examination para sa bukol ay nakaiiwas para sa iba pang komplikasyon. Epektibo ito at convenient at maaaring magawa sa kahit na anong edad. Narito ang paraan upang magawa ang self-examination.

1. Tumingin sa salamin at tingnan ang iyong suso para sa kahit na anong pagbabago ng hugis o pamamaga.

I-relax ang iyong balikat at mga kamay sa iyong balakang, tignan kung ang iyong suso ay normal ang sukat at kulay. Kung nakapansin ng kahit na anong bukol, skin bulging, pagbabago sa posisyon ng utong, o pamumula, agad na humingi ng medikal na atensyon.

2. Sunod, itaas ang iyong mga kamay upang tingnan kung nananatili ang mga pagbabago.

Ipagpatuloy ang paghahanap ng mga pagbabago sa itsura o kulay. Habang tumitingin sa salamin, tignan kung may lumalabas na tubig sa iyong utong. Ang discharge ay maaaring matubig, milky, madilaw o maging madugo.

3. Habang nakahiga, pakiramdaman ang kahit na anong bukol

Suriin ang parehong suso isa-isa sa pamamagitan ng iyong mga kamay. Sa pamamagitan ng firm ngunit marahan na paghipo, panatilihin ang iyong mga daliri na flat at magkakasama. Matapos ito, marahan na pindutin pababa at paikutin ito sa paligid ng iyong suso.

Siguraduhin na suriin ang iyong suso mula sa itaas pababa at sa bawat gilid gamit ang parehong galaw ng kamay. Matapos ito, gawin din ito sa iyong kilikili hanggang sa iyong cleavage, at mula sa iyong collarbone hanggang sa itaas na bahagi ng iyong tiyan.

4. Habang nakatayo, damhin ang iyong suso kung mayroong mga bukol

Tulad sa mga hakbang na nasa itaas, siguraduhin na gawin ito sa iyong suso na may malambot at paikot na paggalaw.

Mga Sanhi ng Iba’t Ibang Uri ng Bukol sa Suso

Ang iba’t ibang uri ng bukol sa suso ay maaaring magresulta sa mga sumusunod:

Breast cysts

Bilog at firm na suso na may pakiramdam ng marble o frozen pea ay maaaring cyst. Maging ang inflated milk duct na barado ng tubig. Maaari itong makita bago o matapos ang regla ng babae at maaaring mawala sa loob ng ilang araw.

Fibrocystic breast changes

Isang benign na kondisyon kung saan nakararanas ang suso at nagkakaroon ng breast cyst o growths, na nagiging lumpy ang itsura. Ang masses na ito ay maaaring madaling magalaw sa ilalim ng balat kung hahawakan. Maaaring lumala ang kondisyon habang nireregla.

Malalang breast injuries at infections

Ang trauma o sugat sa iyong breast tissue ay maaaring magresulta sa breast lumps. Ang infected na fluid na kilala sa tawag na abscess ay maaari ding maging sanhi nito, na nagreresulta ng sakit at pamamaga sa bahagi ng suso.

Breast cancer

Ang bukol na may pakiramdam na hindi regular na hugis ay maaaring breast cancer. Mapapansin mo na ang iyong suso ay nagbabago ng itsura o may fluid discharge sa iyong utong.

Bagaman ang ilang bukol ay maaaring senyales ng breast cancer, mahalaga na tandaan na karamihan ng mga bukol sa suso ay hindi mapanganib. Ang iyong healthcare provider ay tutukuyin kung ano ang iyong kailangang gamutin.

Kailan Ako Pupunta sa Doktor?

Maging pamilyar sa itsura at pakiramdam ng iyong suso upang malaman kung normal o hindi ang kondisyon nito. Konsultahin ang iyong doktor kung mayroong mga tanong o inaalala tungkol sa bukol, lalo na kung:

  • Nakaramdam ng bukol o makapal na bahagi na tissue na iba ang pakiramdam sa kabuuang suso.
  • Ang iyong suso ay nagsisimulang magbago ng hugis o laki, na may itsura ng bukol o pamumula.
  • Ang iyong utong ay nagbabago ng hugis at mukhang inverted.
  • Hindi mawala ang sakit sa iyong suso kung ikaw ay may regla.
  • Nagsisimulang maglabas ang iyong utong ng matubig o kulay dilaw na discharge (minsan ay dugo).

Key Takeaways

Ang mga bukol sa suso ay paglaki na nabubuo sa loob ng iyong suso. Nagiging mabukol o mapula ang suso dahil dito. Maaaring makita ang mga bukol habang nireregla, nagbabago ng fibrocystic, at maaaring maging sanhi ng malalang breast injuries. Mayroong dalawang pangunahing uri ng bukol sa suso — benign at malignant. Karamihan ng mga bukol sa suso ay benign. Gayunpaman, ang pagpapanatili at pagmo-monitor ng kalusugan ng iyong suso sa pamamagitan ng self-examination at ang pagpunta sa doktor ay makatutulong na maiwasan at matugunan ang mga komplikasyon.

Matuto pa tungkol sa Breast Cancer dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Breast Lumps,  https://my.clevelandclinic.org/health/symptoms/6906-breast-lumps

Accessed April 13, 2021

 

Suspicious breast lumps, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/suspicious-breast-lumps/symptoms-causes/syc-20352786

Accessed April 13, 2021

 

Breast lump: Early evaluation is essential, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/womens-health/in-depth/breast-lump/art-20044839

Accessed April 13, 2021

 

Different Kinds of Breast Lumps, https://cancer.stonybrookmedicine.edu/breast-cancer-team/patients/bse/breastlumps

Accessed April 13, 2021

 

Breast Self-Exam, https://www.breastcancer.org/symptoms/testing/types/self_exam

Accessed April 13, 2021

 

Common Benign Lumps, https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/common-benign-lumps

Accessed May 21, 2021

 

Benign vs. Cancerous Breast Lumps, https://www.sutterhealth.org/ask-an-expert/answers/benign-vs-cancerous-breast-lumps

Accessed May 21, 2021

Kasalukuyang Version

06/14/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Paano Ginagawa ang Breast Ultrasound

Masakit Na Pagpapasuso, Ano Nga Ba Ang Maaaring Dahilan?


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement