Kumpara sa sintomas ng ibang cancer, hindi madaling mapansin kung ano ang sintomas ng leukemia. Sa kanser sa suso, madalas itong bukol. Sa kanser sa balat, maaaring ito ay isang nunal na nagbabago ng hugis o isang kakaibang itsura na sugat na hindi gumagaling.
Ngunit dahil ang leukemia o kanser sa dugo ay nakakaapekto sa buong katawan, ang mga sintomas nito ay mapagkakamalang mga palatandaan ng iba pang mga kondisyon. Kadalasan iba’t-ibang mga sintomas na pinagsama ang kailangan makita bago ito ma-diagnose na leukemia. leukemia.
Ano nga ba ang leukemia?
Ang leukemia ay kanser sa dugo. Ito ay nagsisimula kapag ang bone marrow ay nagsimulang gumawa ng abnormal na white blood cells na tinatawag na leukemia cells. Maaari nitong maapektuhan ang mga normal na white blood cells, red blood cells, at mga platelets.
Ano ang sintomas ng leukemia?
Ang mga karaniwang sintomas ng leukemia ay ang sumusunod:
Madaling mapagod
Ang mga taong may leukemia ay madaling makaramdam ng pagod. Ito ay dahil wala silang normal na dami ng mga red blood cells upang magdala ng oxygen sa buong katawan. Makakaramdam sila ng pagod na di maibsan ng pagtulog o pahinga. Pwedeng biglaan ang pagkapagod at madalas ay hindi makilala kung ano ang sanhi nito.
Abnormal na bilang ng dugo
Maaaring napakataas ng bilang ng white blood cells o mababang platelet count. Ito ay may kinalaman sa paggana ng immune system at ang propensity para sa mga impeksyon
Lagnat o night sweats
Ang lagnat at night sweats ay maaaring pangkalahatan sa halip na tiyak na sagot kung ano ang sintomas ng leukemia. Ngunit, pwedeng ito ay sintomas na tinuturo ng katawan sa mga kakayahan nito na labanan ang sakit.
Madalas na impeksyon
Ang madalas na impeksyon ay maaaring sintomas na ang katawan ay di gumagawa ng normal na white blood cells upang palakasin ang immune response.
Kapos sa paghinga
Madalas kapusin sa paghinga dahil mababa ang bilang ng red blood cells. Pinapababa nito ang kapasidad ng dugo na magdala ng oxygen sa katawan.
Pasa at pagdurugo
Ang laging pagkakaroon ng pasa at pagdurugo pati ng ilong at gilagid ay maaaring pagkakakilanlan kung ano ang sintomas ng leukemia. Isama mo na rin ang pagkakaroon ng rashes na mukhang maliit at pulang batik sa balat dahil kulang ang platelet para sa blood clotting o pag-aampat ng dugo.
May iba pang sintomas na maaaring pagkakakilanlan ng leukemia gaya ng:
- Maputlang balat
- Di maipaliwanag na pagbawas ng timbang
- Sakit sa kasukasuan
- Sakit sa ilalim ng kaliwang ribs
- Namamagang lymph nodes sa leeg, kili-kili o tiyan
Pag-diagnose kung ano ang sintomas ng leukemia
Maaaring mapabuti ang prognosis ng isang pasyente kung agad na masusuri ang leukemia sa pinakamaagang yugto nito. Kung kaya mahalagang masuri sa lalong madaling panahon kung pinaghihinalaan ang leukemia.
Pangunahing uri ng leukemia
Ang leukemia ay maaaring acute o chronic, ayon sa kung anong uri ng blood cells ang hindi wastong nagagawa. Acute leukemia ay gawa ng immature cells. Ang chronic leukemia naman ay gawa ng mature cells at mas mabagal dumami kumpara sa acute leukemia. Mas madaling makita kung ano ang sintomas ng leukemia sa mga taong may acute leukemia.
Ang leukemia ay maaaring:
- Acute lymphocytic leukemia-ito ang pinaka-karaniwang uri ng acute leukemia sa mga bata, teenager at young adults.
- Acute myelogenous leukemia-ito ang pinaka-karaniwang uri ng acute leukemia sa mga matatanda edad 65 pataas. Nakikita din ito sa mga bata.
- Chronic lymphocytic leukemia-ito ay pinaka-karaniwang uri ng chronic leukemia na nakikita sa matatanda edad 65 pataas. Maaaring hindi mapansin kung ano ang sintomas ng leukemia sa loob ng ilang taon.
- Chronic myelogenous leukemia-ito ay pinaka-karaniwang uri ng chronic leukemia sa matatanda edad 65 pataas. Maaari nitong maapektuhan ang kahit anong edad ngunit di gaanong nakikita sa mga bata.