backup og meta

Ano ang FNAC test, at kailan ito kinakailangan?

Ang Fine needle aspiration cytology, o FNAC, ay isang minimally invasive , mabilis, at epektibong biopsy test. Isinasagawa ito upang malaman kung may kumakalat na mga neoplasms, tumor, o tumor-like lesions sa iba’t ibang mga organo at sa ibang bahagi ng katawan. Kabilang sa mga organo o bahagi ng katawan ay ang thyroid nodes, lymph nodes, suso, bato, baga, atay, salivary glands, prostate, pancreas, retroperitoneum, at marami pang iba. 

Ano ang FNAC test, at kailan ito kinakailangan?

Ang uring ito ng biopsy ay madalas na inirerekomendang gawin kasama ng computed tomography (CT) o ultrasound. Nakatutulong ito upang matiyak na ang karayom ay nailagay sa tamang lugar.

Bakit isinasagawa ang FNAC test?

Narito ang mga layunin ng pagsasagawa ng Fine needle aspiration cytology test:

  • Sinusuri nito kung may bukol at tumutubong tumor sa iba’t ibang organo at sa ibang bahagi ng katawan, tulad ng balat sa leeg, kilikili, singit, at iba pa.
  • Nakikita nito ang parehong nagagamot at mapaminsala ang kanser sa mga malalalim na bahagi o organo na hindi posibleng maisagawa ng invasive surgical procedures.
  • Natutukoy ang pagkakaiba ng mapaminsalang kanser (lumalaki, kumakalat na kanser) at hindi mapaminsalang (sa tiyak na bahagi lamang ng katawan) kanser.
  • Nasusubaybayan ang metastasis o paglaki ng mga kanser sa bawat yugto I hanggang IV.
  • Nagbibigay ng mas detalyadong pag-aaral sa bukol na puno ng tubig. Ang bukol na ito ay nakapa noong isinagawa ang pisikal na pagsusuri o nakita sa pamamagitan ng X-ray at/o CT at MRI scans.
  • Sinusuri ng biopsy test ang panganib na muling bumalik ang kanser matapos ang mga gamutang tulad ng radiotherapy, chemotherapy, and operasyon.
  • Natutukoy nito ang kabisahan ng isinasagawang gamutan para sa lumalaking tumor na kasalukuyang ginagamot.

Ano ang mga kailangan sa FNAC test?

Walang partikular na paghahanda ang kailangang gawin bago ang pagsasagawa ng test, maliban na lamang kung may inirekomenda ang iyong doktor. May ilang tests na nangangailangang hindi kumain ang pasyente at umiwas sa pagkain at/o pag-inom ng tubig sa loob ng ilang oras bago ito gawin. Ang oras ng hindi pagkain ay nagbabago batay sa isasagawang tests. Gayunpaman, sa karamihang sitwasyon, hindi kinakailangang hindi kumain ng pasyente kung ang isasagawa ay FNAC test. Mas mainam na konsultahin ang iyong doktor upang makumpirma.

Kailangan mo ring linawin sa iyong doktor kung kailangang ipagpatuloy ang pag-inom ng mga gamot. Ito ay dahil may ilang sangkap ang gamot na maaaring may masamang epekto sa kawastuan ng resulta ng test. Susuriin ng iyong doktor kung ang gamot na iyong iniinom o ininom noong mga nakaraan ay kabilang sa mga gamot na maaaring makaapekto.

Ikaw ay papayuhang pansamantalang itigil ang pag-inom ng gamot sa loob ng ilang araw bago at/o pagkatapos ng biopsy test. Kabilang sa mga gamot na ito ay ang mga walang resetang gamot o OTC (over-the-counter), may resetang gamot, halamang gamot, bitamina, at supplements.

Resulta ng FNAC test

Sa laboratoryo, susuriin ng pathologist sa ilalim ng mikroskopyo ang kinuhang tissue, cell, o fluid. Wastong nasusuri ng FNAC test ang tiyak na lokasyon ng tumor o lesions.

Natutuklasan din nito ang lawak ng abnormalidad at ng iregularidad na batayan ng sanhi ng sintomas. Ang proseso ng gamutan ay pagdedesisyunan ng iyong doktor batay sa resulta ng FNAC test. May posibilidad na ang lumabas na resulta ay maling negatibo. Nangangahulugan itong ang resulta ng test ay mali kung saan lumabas na ang isang partikular na kondisyon o katangian ay hindi taglay ng pasyente.

Kailan dapat ulitin ang FNAC test?

Kung sa palagay ng iyong doktor na ang resulta ng test ay maling negatibo, maaari ka niyang payuhan na ulitin ang fine-needle aspiration cytology test.

Kung bumalik ang tumor, bukol, o may kailangang suriin, maaari kang payuhan ng iyong doktor na ulitin ang test bilang pangangailangan. Ang pag-uulit ng test ay maaari ding mangyari kung kulang sa gamutan at muling nangyari ang kondisyon.

Proseso ng FNAC Test

Isang maliit na karayom na nakakabit sa hiringgilya ang ipapasok sa bahagi o organo na kinakailangang suriin. Ang layunin ng prosesong ito ay kumuha ng maliit na bahagi ng lesion ng isang organ bilang sample.

Ang mga doktor na nagsasagawa ng test na ito ay kumukuha ng cells, tissues, at fluid sa bahagi o organo. Kanila itong kinokolekta sa hiringgilya na nakakabit sa karayom. Ang sample na ito ay ipadadala sa laboratoryo upang suriin sa ilalim ng mikroskopyo.

Naiiba-iba ang lebel ng sakit ng minimally invasive aspiration cytology test sa mga pasyente. May mga pasyenteng nakararanas ng katamtamang sakit at/o pamamaga sa bahagi ng katawang inoperahan matapos ang ilang araw ng biopsy test. Maaari kang payuhan ng iyong doktor na uminom ng gamot na pampawala ng sakit tulad ng paracetamol upang pahupain ang sakit at maghilom ang sugat. Sundin ang payo ng doktor.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Accuracy of Fine Needle Aspiration Cytology in Head and Neck Masses https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4016346/ Accessed on 23/06/2020

Fine needle aspiration cytology in cancer diagnosis https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC498011/ Accessed on 23/06/2020

Fine Needle Aspiration Cytology–A Reliable Diagnostic Tool in the Diagnosis of Thyroid Gland Enlargements https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/23016483/ Accessed on 23/06/2020

Fine Needle Aspiration Cytology (FNAC) and Neck Swellings in the Surgical Outpatient https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4016346/ Accessed on 23/06/2020

Thyroid Fine Needle Aspiration Biopsy https://www.hopkinsmedicine.org/health/treatment-tests-and-therapies/thyroid-fine-needle-aspiration-biopsy Accessed on 23/06/2020

FNAC https://www.1mg.com/labs/test/fnac-31761 Accessed on 23/06/2020

Kasalukuyang Version

02/24/2026

Isinulat ni Jan Alwyn Batara

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Dapat Asahan Sa Stage 4 Pancreatic Cancer?

Anu-ano Ang Mainam Na Pagkain Para Sa May Colon Cancer


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Jan Alwyn Batara · a

ad iconPatalastas

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconPatalastas
ad iconPatalastas