Ano ang cancer remission? Ang cancer remission ay ang pagbawas o pagkawala ng senyales at sintomas ng cancer. Sa partial remission, ang ilang senyales at sintomas ng cancer ay maaaring mawala. Sa complete remission, lahat ng mga senyales at sintomas ng cancer ay mawawala, kahit na ang cancer ay maaari pang nasa katawan.
Lunas Versus Complete Remission
Ibig sabihin ng nalunasan ay nawala na ang cancer, na hindi na kinakailangan pa ng paggamot, at ang cancer ay hindi na inaasahang bumalik. Ang mga doktor ay madalang na magsasabi na ang cancer ay hindi na babalik. Gayunpaman, mas mahabang panahon na ang isang tao ay walang cancer, mas hindi babalik ang cancer. Kung ang lunas ay naging matagumpay, sasabihin ng mga doktor na ang cancer ay “nasa remission” kaysa “nalunasan.”
Ang remission ay ang panahon kung saan ang cancer ay tumugon o nakontrol ng lunas. Maaaring tumagal ang remission mula sa ilang mga linggo hanggang sa mga taon. Depende sa uri ng cancer, maaaring magpatuloy o hindi ang treatment habang nasa remission. Ang complete cancer remission ay maaaring tumagal ng mga taon, kaya’t maaaring paniwalaan na ang cancer ay nalunasan dahil sa matagal na panahon. Kung bumalik ang cancer, kinakailangan pa ng treatment na hahantong sa isa pang remission.
Bakit Maaaring Bumalik ang Cancer?
Bakit minsan ay hindi posible na bumalik sa complete remission? Maaaring bumalik ang cancer matapos ang unang treatment. Maaaring nakatatakot ang ideya na ito. Maraming mga rason bakit maaaring bumalik ang cancer, at ang mga rason dito ay:
- Ang orihinal na treatment ay hindi napatay lahat ng cancer cells, o ang natitirang cancer cells ay naging bagong tumors.
- Ang ilan sa cancer cells ay kumalat sa ibang mga bahagi ng katawan, kung saan ang mga ito ay lumaki at naging tumor.
Ano ang Maaari Kong Gawin Upang Hindi na Bumalik ang Cancer?
Ang pagkain ng masustansya, pag-ehersisyo, at pagbisita sa cancer treatment team para sa follow-up ay mainam. Ngunit ang mga ito ay hindi nakaiiwas mula sa pagbabalik ng cancer. Marami ang sinisisi ang kanilang sarili dahil sa nakaligtaan na appointment ng doktor, hindi pagkain ng maayos, at pag-postpone ng CT scans para sa bakasyon ng pamilya. Ngunit kahit na gawin mo nang tama ang lahat, minsan bumabalik talaga ang cancer.
Maraming mga hakbang na maaari mong gawin upang maiwasan na bumalik ang cancer.
Diet
Inirerekomenda ng American Cancer Society na ang mga cancer survivors ay sundin ang parehong nutritional guidelines na inirekomenda para sa pag-iwas ng cancer. Kahit na sila ay nasa stable na kalusugan matapos ang treatment. Ang mga parehong salik na maaaring magpataas ng banta ng cancer ay tinatalakay rin upang magsulong na hindi na bumalik ang cancer matapos ang treatment. Halimbawa, nagpakita ang mga pag-aaral na ang mga obese na babae na kumakain ng kaunting prutas at gulay ay maaaring may banta ng pagkakaroon ng breast cancer. Gayundin, ang mga lalaki na kumakain ng sobrang saturated fat ay maaaring tumaas ang banta ng pagbabalik ng prostate cancer.
Bitamina at Supplements
Sa cancer remission, maging maingat sa mga bitamina at supplements na kinokonsumo. Ang ilan ay naniniwala na ang pag-inom ng tiyak na bitamina at supplements ay maaaring makatulong na hindi na ito bumalik. Ang mga pag-aaral ay hindi sinusuportahan ang mga paniniwala na ito. Sa katunayan, ang ilang pag-aaral ay nagpakita na ang supplements na naglalaman ng mataas na lebel ng single nutrients ay maaaring makasama sa mga cancer survivors.
Maaaring magpakita ang blood test kung ang tiyak na lebel ng bitamina ay mababa. Laging komonsulta sa iyong cancer treatment team bago uminom ng mga bitamina at ibang dietary supplements.
Physical Activity
Kung nasa cancer remission, makatutulong ang ilang ehersisyo at pagpapanatili ng lebel ng physical activity. Maraming mga pag-aaral na nag-imbestiga ng epekto ng physical activity sa mga survival ng cancer patients. Gayunpaman, hindi pa nagpapakita ang mga pag-aaral na ang physical activity ay nakatutulong na maiwasan ang pagbabalik ng cancer o magsulong ng sakit. Mayroong mga pag-aaral na nagpapakita na ang regular na physical activity ay nakababawas ng anxiety at depresyon. Ito rin ay nakapagpapabuti ng mood, nakapagpapataas ng self-esteem, at nakababawas ng sintomas ng fatigue, pagsusuka, sakit, at pagtatae. Ang mga benepisyo na ito ay maaaring makuha sa pamamagitan ng moderate hanggang intense na physical activity sa karamihan ng araw sa isang linggo.
Paghingi ng Tulong at Suporta
Mahirap na mag-cope sa cancer at trabaho patungong complete remission, maaaring makatulong na makipag-usap sa iba na may parehong sitwasyon. Bilang alternatibo, maaari mong konsultahin ang isang trained counselor. Ang paggawa nito ay makatutulong sa paghahanap ng paraan na labanan ang takot at pangamba, at mabawasan ang stress at anxiety habang nasa cancer remission.
Matuto pa tungkol sa Cancer dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.