backup og meta

Alamin: Ano Ang Tamang First Aid Para Sa Na-Stroke?

Alamin: Ano Ang Tamang First Aid Para Sa Na-Stroke?

Pagdating usapin tungkol sa stroke, napakahalaga ang paghingi ng tulong sa loob ng mga unang minuto. Mahalaga para sa mga tao maging maalam sa pagsasagawa ng first aid sa stroke dahil ang mga impormasyong ito ay maaaring makapagligtas ng buhay.

Paano Gamutin Ang Stroke: First Aid Sa Stroke

Ang stroke ay isang malubhang medikal na emergency. Bagama’t totoo na ang stroke ay nangangailangan ng gamutan sa hospital, may mga bagay na maaaring gawin upang mapataas ang posibilidad na mailigtas ang buhay ng pasyente.

Narito ang 5 mahahalagang first aid sa stroke:

1. Huwag Mag-Panic

Kung sa palagay mong ang isang tao ay nakararanas ng stroke, huwag mag-panic. Dapat kang manatiling alerto at alamin kung ano ang nangyayari upang masagip ang kanyang buhay.

Ang mainam na paraan upang malaman kung ang isang tao ay nakararanas ng stroke ay ang pagtanda sa acronym na F.A.S.T.

  • Face – Suriin ang mukha kung may paglaylay sa isang bahagi. 
  • Arms – Kung kayang itaas ng pasyente pareho niyang mga kamay, tingnan kung mas mataas ang isang braso kaysa sa isa. Ito ay maaaring senyales ng stroke.
  • Speech – Hindi ba maintindihan ang kanyang pagsasalita o nahihirapan ba siya sa pagsasalita?
  • Time – Tandaan kung gaano na katagal na nararanasan ang mga sintomas na ito.

first aid sa stroke

2. Tumawag Sa 911 o Emergency Hotline

Ang kasunod na dapat gawin ay pagtawag sa 911 o sa anumang emergency hotline sa lalong madaling panahon. Maaari ding humingi ng tulong mula sa mga taong nasa iyong paligid kung walang kakayahang tumawag upang humingi ng tulong.

Mainam din na ideya kung hindi direktang dadalhin ang pasyente sa emergency room. Ito ay dahil maaaring simulan ng paramedics ang gamutan sa kanilang pagdating. Ngunit kung dadalhin ang pasyente sa hospital, maaaring mawala ang ilang minuto na mahalaga upang sila ay mabuhay.

Maganda ring ideya na palaging hawakan ang telepono at ilagay ang numero ng emergency sa speed dial. Ito ay makatutulong upang agad na makahingi ng tulong, na napakahalaga dahil oras ang kalaban sa stroke.

3. Itala Ang Oras

Isa sa mga mahahalagang first aid sa stroke ay ang pagtatala ng oras kung kailangan nangyari ang stroke sa pasyente. Ito ay dahil ang mga tiyak na gamot na ginagamit sa mga pasyenteng nakararanas ng stroke ay epektibo lamang sa loob ng 4.5 na oras mula sa oras na mag-umpisa ang stroke.

4. Magsagawa Ng CPR Kung Kinakailangan

Kung sumailalim sa training sa pagsasagawa ng CPR, maaaring magsagawa ng CPR kung kinakailangan ito ng pasyente. Ito ay karaniwang isinasagawa kung walang malay ang pasyente o biglang nawalan ng malay.

Huwag matakot kung hindi ka sumailalim sa training sa pagsasagawa ng CPR; maaaring tumawag sa emergency hotline at aalalayan ka ng operator sa pagsasagawa nito.

Mainam din na sumailalim sa CPR o first aid training. Ito ay isang kasanayang nakapagliligtas ng buhat ba dapat matutuhan ng lahat.

5. Manatili Sa Kanilang Tabi Hanggang Sa Dumating Ang Tulong

Panghuli, mahalaga na manatili sa tabi ng pasyente hanggang sa dumating ang tulong. Sa paraang ito, mamomonitor mo kanyang mga sintomas at mapanatiling ligtas.

Mainam ding iwasang bigyan ang pasyente ng anumang pagkain, tubig, o gamot sa pagkakataong ito. Ito ay dahil ang pagkakaroon ng stroke ay maaaring makaapekto sa kakayahan ng tao na lumunok, maaari silang mabulunan kung kakain o iinom.

Key Takeaways

Ang stroke ay isang malubhang alalahanin sa kalusugan, ngunit kung agad na magagamot, ang prognosis ng pasyente ay maaaring maging positibo.
Pagdating sa first aid sa stroke,  ang paghingi ng agarang tulong ay ang pinakamahalaga. Habang naghihintay ng tulong, panatilihing komportable ang pasyente at itala ang mga sintomas na kanyang nararanasan upang matulungan ang medical responders.

Matuto pa tungkol sa Stroke at Aneurysm dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

If Someone is Having a Stroke: 3 Things To Do and 3 Things Not To Do – Penn Medicine, https://www.pennmedicine.org/updates/blogs/neuroscience-blog/2019/april/if-someone-is-having-a-stroke-3-things-to-do-and-3-things-not-to-do, Accessed January 26, 2021

Stroke: First aid – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/first-aid/first-aid-stroke/basics/art-20056602, Accessed January 26, 2021

Stroke – Warning Signs & First Aid Advice | St John Ambulance, https://www.sja.org.uk/get-advice/first-aid-advice/stroke, Accessed January 26, 2021

First aid for stroke – myDr, https://www.mydr.com.au/heart-stroke/first-aid-for-stroke/, Accessed January 26, 2021

St John Victoria Blog | Stroke First Aid Advice – What To Do And What NOT To Do, https://www.stjohnvic.com.au/news/stroke-first-aid, Accessed January 26, 2021

Learn first aid for someone who may be having a stroke, a blockage that can affect the brain, https://www.redcross.org.uk/first-aid/learn-first-aid/stroke, Accessed January 26, 2021

Kasalukuyang Version

11/02/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Nicole Aliling, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Stroke Sa Kabataan: Mga Sanhi At Paano Maiiwasan

Paano Maka-recover sa Stroke: Mga Paraan at Bisa


Narebyung medikal ni

Nicole Aliling, MD

Neurology · Centre Médicale Internationale


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement