backup og meta

Ano ang mga Sanhi ng Epilepsy na Dapat Iwasan? Alamin Dito

Ano ang mga Sanhi ng Epilepsy na Dapat Iwasan? Alamin Dito

Ang mga taong nakararanas ng epilepsy ay maaari ring magkaroon ng mga atake na maaaring magdulot ng mild hanggang sa malubhang sintomas. Minsan, ang epilepsy ay maaaring maglagay ng isang tao sa isang mapanganib na sitwasyon. Matuto nang higit pa tungkol sa kondisyon at posibleng sanhi ng epilepsy na dapat iwasan dito.

Kinokontrol ng utak ang pag-iisip, memorya, paggalaw, at iba pang mahahalagang function ng katawan ng isang tao. Sa katunayan, ang utak, kasama ang spinal cord, ang bumubuo sa central nervous system (CNS), na siyang responsable sa pagtiyak na ang katawan ay tumutugon sa impormasyong pinoproseso ng mga pandama o signal mula sa iba’t ibang organ.

Ang mahahalagang function ng katawan tulad ng pagtibok ng puso o paglabas ng adrenaline sa mga emergency situation ay posibleng dahil sa CNS. Dahil dito, ang mga malfunction ng normal function ng CNS, lalo na sa utak, ay maaaring magkaroon ng malubhang epekto sa pangkalahatang kalusugan ng isang tao.

Ano ang Epilepsy?

Ang epilepsy ay isang kondisyon na pangunahing nakakaapekto sa aktibidad ng utak ng isang tao, na nagiging sanhi upang makaranas ng mga seizure. Taliwas sa popular na paniniwala, ang mga seizure ay hindi lamang limitado sa isang taong biglang nanigas at nanginginig nang hindi mapigilan. Bagkus, ang mga ito ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang sintomas, depende sa kung aling bahagi ng utak ang apektado.

Ang mga posibleng sintomas ng seizure ay kinabibilangan ng:

  • Biglaang pagkawala ng kamalayan na nailalarawan sa pamamagitan ng pag-space out o hindi pagtugon 
  • Biglaang pagkaramdam ng pagkalito
  • Mga hindi pangkaraniwang sensasyon tulad ng “tumataas” na pakiramdam sa tiyan o isang pakiramdam ng nalalapit na kapahamakan, kakaibang amoy o panlasa, o pagkakaroon ng tingles sa alinman sa iyong mga paa
  • Pagkawala ng malay o pag-collapse
  • Nakararanas ng “fit” o hindi mapigil na pagyanig o pag-alog sa mga braso at binti

Sa pangkalahatan, mayroong dalawang uri ng seizure — ang focal seizure at generalized seizure. Ang mga focal seizure ay kinasasangkutan lamang ng isang bahagi ng utak at maaaring magdulot ng bahagyang pagkawala ng kamalayan o kapansanan sa mga sensory function.

Sa kabilang banda, ang mga generalized seizure ay maaaring makaapekto sa lahat ng bahagi ng utak, at maaaring ikategorya sa maraming uri.

Mga Sanhi ng Epilepsy na Dapat Iwasan

Ayon sa World Health Organization, mahigit 50 milyong tao sa buong mundo ang nakararanas ng epilepsy. Kung kaya, isa ito sa mga pinakakaraniwang CNS disorders. Gayunpaman, sa ilang mga kaso ng epilepsy, ang sanhi ay nananatiling hindi natutukoy. Ang kasalukuyang alam lamang patungkol sa epilepsy ay ang aktibidad ng utak ay apektado at ang mga biglaang pagputok ng kuryente sa utak ang nagiging sanhi ng mga seizure.

Mayroong ilang mga sanhi ng epilepsy na dapat iwasan. Ang mga makikilalang sanhi ng mga seizure na maaaring humantong sa epilepsy ay ang mga sumusunod:

Genes

Ang mga pag-aaral na isinagawa sa mga populasyon ay nagpakita na ang epilepsy ay maaaring maipasa mula sa isang henerasyon hanggang sa susunod na henerasyon sa mga pamilya. Gayunpaman, ipinakita ng datos na ito ay nakasalalay sa uri ng epilepsy. Ang isang tao ay may mas mataas na pagkakataong magkaroon ng epilepsy kung ang isang first-degree na kamag-anak, tulad ng isang kapatid o magulang, ay may isang uri ng generalized epilepsy.

Natukoy din ang ilang mga gene na partikular lamang sa mga taong may epilepsy. Ang mga isyu sa genetics tulad ng autism, intellectual disability, o stunted growth ay nauugnay din sa epilepsy.

Traumatic Brain Injury (TBI)

Ang Traumatic Brain Injury (TBI) ay nangyayari kapag ang ilang external force ay nagdudulot ng matinding pinsala sa ulo. Ang mga pinsala sa ulo ay isa sa mga pinakakilalang sanhi ng epilepsy dahil ang mga ito ay maaaring magdulot ng pagdurugo o pasa ng utak, bungo, o tissue na nakapalibot sa utak. Maaari ring maging sanhi ang pamamaga, na lubhang nakapipinsala sa normal neurological functions.

Ang mga sumusunod ay maaaring maging sanhi ng TBI:

  • Mga pira-piraso ng bungo na natatanggal at tumutusok sa tisyu ng utak
  • Mga panlabas na bagay na tumutusok sa bungo at tisyu ng utak, tulad ng mga bala o mga saksak
  • Labis na pag-iling ng ulo na maaaring buhat ng pang-aabuso sa bata
  • Mga biglaang suntok sa ulo na maaaring buhat ng mga aksidente, pagbangga ng sasakyan, o pagkahulog

Stroke

Ang stroke ay isa sa mga posibleng sanhi ng epilepsy na dapat iwasan. Nangyayari ang stroke kapag walang sapat na suplay ng dugo na napupunta sa utak, na sanhi ng pamumuo ng dugo o pagsabog ng daluyan ng dugo. Ang mga taong kamakailan lamang na-stroke ay maaari ring makaranas ng mga seizure sa loob ng unang 24 na oras pagkatapos ng kanilang atake.

Sa partikular, ang mga seizure ay kadalasang nangyayari sa mga taong nakaranas ng hemorrhagic stroke o stroke na nakakaapekto sa cerebral cortex. Kung ang isang nagpapagaling na pasyente ay may higit sa isang umuulit na episode ng seizure sa isang buwan, maaari silang magkaroon ng epilepsy.

Hindi lahat ng pasyenteng na-stroke ay magkakaroon ng epilepsy. Gayunpaman, maaaring magkaroon ng epilepsy dahil sa pinsala sa utak na nagreresulta mula sa isang stroke.

Brain Tumors

Kapag ang mga abnormal cells sa utak ay nagsimulang bumuo ng mass, ito ay tinatawag na brain tumor. Ipinapakita ng datos na 2 hanggang 3 tao na may mga tumor sa utak ay makararanas ng hindi bababa sa 1 seizure. Bagama’t hindi pa rin tiyak ang dahilan para sa link na ito, iniuugnay ng mga doktor ang mga tumore-related seizure sa paglaki ng mga abnormal cells na nagpapadala ng mas maraming signal sa utak, na nagiging sanhi ng mga electrical surges na siyang nauugnay sa isang seizure attack.

Ang isa pang posibleng sanhi ng brain tumor na nagdudulot din ng mga seizure ay ang mga abnormal cells na nagdudulot ng mga chemical disturbances sa utak, na maaaring magresulta sa mga nerve ending na gumawa ng mas maraming surge ng kuryente. Maaaring masuri ang epilepsy pagkatapos makaranas ng maraming seizure ang isang pasyente na may tumor sa utak.

Premature o Low Birth Weight 

Ang mga sanggol na premature o may mas mababa sa average birth weight ay nasa panganib na magkaroon ng mga neonatal seizure, o mga seizure na nangyayari sa unang 28 araw ng buhay ng sanggol. Karaniwan, ang mga seizure ay maaaring magsimulang mangyari sa mga sanggol na 1 o 2 linggo pa lamang. Ipinapakita ng datos na halos kalahati ng mga sanggol na nakararanas ng mga neonatal seizure ay karaniwang nagkakaroon ng epilepsy sa susunod na buhay.

Ang pinsala sa utak dahil sa mga prenatal o perinata causes — tulad ng pagkawala ng oxygen o isang partikular na traumatic delivery — ay maaari ring humantong sa mga epileptic seizure. Gayunpaman, ang mga ito ay maaaring matugunan sa pamamagitan ng wastong pangangalaga sa bata at pangangalaga ng ina.

Ang mga magulang ay dapat na lubos na nakaayon sa pag-uugali ng kanilang sanggol kung sila ay nasa panganib ng mga neonatal seizure. Ito ay marahil ang mga senyales ay maaaring minor lamang. Ang mga sintomas ng neonatal seizure na dapat tandaan ng mga magulang o tagapag-alaga ay ang mga sumusunod:

  • Mga galaw ng mata tulad ng pag-flutter ng mga talukap ng mata, o pag-ikot ng mga mata
  • Pedaling ng mga binti
  • Mga biglaang pambubugbog na galaw
  • Biglang paghinto sa pagitan ng paghinga, o apnea

Key Takeaways

Upang i-recap, ang epilepsy ay isang kondisyon na nasusuri kapag ang isang tao ay nakararanas ng higit sa isang seizure. Ang pangunahing sanhi nito ay ang mga electrical surges sa utak na dulot ng abnormal na aktibidad ng utak. Iba pang mga sanhi ng mga seizure na maaaring humantong sa epilepsy ay kinabibilangan ng mga genes, traumatic brain injury (TBI), stroke, brain tumors, at premature o low birth weight. Pinakamainam na talakayin pa sa iyong doktor ang mga posibleng sanhi ng epilepsy na dapat iwasan at kung paano pamahalaan ang mga episodes nito.

Alamin ang iba pang Issue sa Nervous System dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Epilepsy, https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/epilepsy, Accessed Dec 4, 2020 

Epilepsy, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/epilepsy/symptoms-causes/syc-20350093#:~:text=Overview,races%2C%20ethnic%20backgrounds%20and%20ages, Accessed Dec 4, 2020 

Epilepsy, https://www.nhs.uk/conditions/epilepsy/, Accessed Dec 4, 2020 

Epilepsy, https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/epilepsy, Accessed Dec 4, 2020 

Epilepsy and genes, https://www.epilepsy.com/learn/epilepsy-due-specific-causes/epilepsy-and-genes#:~:text=Some%20types%20of%20epilepsy%20run,less%20than%201%20in%2020, Accessed Dec 4, 2020 

Specific Structural Epilepsies, https://www.epilepsy.com/learn/epilepsy-due-specific-causes/specific-structural-epilepsies/traumatic-brain-injury-an, Accessed Dec 4, 2020 d

What is a stroke, http://www.strokecenter.org/patients/about-stroke/what-is-a-stroke/#:~:text=A%20stroke%20is%20a%20sudden,vessel%20bursts%20(hemorrhagic%20stroke), Accessed Dec 4, 2020 

Controlling post-stroke seizures, https://www.stroke.org/en/about-stroke/effects-of-stroke/physical-effects-of-stroke/physical-impact/controlling-post-stroke-seizures, Accessed Dec 4, 2020 

Brain Tumor, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/brain-tumor/symptoms-causes/syc-20350084#:~:text=A%20brain%20tumor%20is%20a,tumors%20are%20cancerous%20(malignant), Accessed Dec 4, 2020 

Epilepsy seizures and brain tumours, https://www.thebraintumourcharity.org/living-with-a-brain-tumour/side-effects/epilepsy-seizures-and-brain-tumours/, Accessed Dec 4, 2020 

Neonatal seizures, https://www.ucsfbenioffchildrens.org/conditions/neonatal_seizures/, Accessed Dec 4, 2020 

 

Kasalukuyang Version

06/30/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Mga Kawili-wiling Kaalaman Tungkol sa Nervous System

Alamin ang Sanhi at Epekto ng Dementia


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement