Maraming tao ang nakararanas ng sakit ng dahil sa iba’t ibang mga dahilan. Ngunit paano mo malalaman kung ito ba ay simpleng sakit ng ulo o isang nakakaalarmang kondisyon na? Ang sakit ng ulo at stroke ay dalawang magkaibang kondisyon na nangangailangan ng magkaibang pagtugon at paggamot. Alamin dito ang buong kwento ng isang 20- taong gulang na lalaki na nakaramdam ng sakit ng ulo na di kalaunan ay nasuri bilang stroke ng mga doktor.
Ang Kwento ni Xavier Ortiz Ukol sa Kanyang Sakit ng Ulo at Stroke
Si Xavier Ortiz ay isang malusog na 20-anyos na lalaki na tulad ng karamihan sa kanyang edad ay mahilig sa paglalaro ng basketball.
Isang araw ng Abril 2021, nakaramdam si Xavier ng pananakit ng ulo at pagiging sensitibo sa ingay, subalit hindi niya ito masyadong ininda upang makapaglaro kasama ng kanyang mga kaibigan.
Habang nasa basketball court, napansin ng ilan sa kanyang mga kaibigan na mga nars ang drifting na mata ni Xavier at pinilit siyang pumunta sa emergency room. Habang naroon, nagreklamo siya ng matinding sakit ng ulo, pagiging sensitibo sa ilaw, paglabo ng paningin, pagkahilo, at pamamanhid sa isang bahagi ng kanyang katawan. Ang mga naturang mga sintomas ay ibinahagi ng kanyang nobyo na si Natasha Sanchez na naghatid kay Xavier sa emergency room.
Ayon kay Natasha, gustong ipasara ni Xavier ang lahat ng ilaw. Tinatakpan niya ang kanyang mga mata. Ani ni Xavier mula sa kwento ni Natasha, parang pinapatay si Xavier ng kanyang sakit sa ulo.
Ang sabi raw sa kanila ng clinician na unang tumingin ay ito ay migraine lamang. Binigyan si Xavier ng IV at pain meds bago siya paalisin. Kinailangan rin ni Natasha at ng ina ni Xavier na buhatin siya palabas ng kotse.
Sa kabila ng naging diagnosis, napaisip si Natasha kung paano naging normal na migraine ang nararanasan ng kanyang nobyo.
Kinabukasan, nagising si Natasha dahil nagseseizure na si Xavier sa kama. Tumawag siya ng ambulansya ngunit hindi lubusang naunawaan ng mga EMT ang dahilan ng kanyang pagaapura. Ang isa pa ay nagsabi na baka ito ay sipon lang.
Nang makarating sila sa ospital, nagsuspetsya na ang mga clinician na ito ay dahil sa droga, ngunit hindi gumagamit ng droga o umiinom si Xavier, sabi ng kanyang stepmom na si Jackie Ortiz. Pagkatapos ay naisip nila na baka ito ay isang reaksyon dahil sa bakuna para sa COVID-19, ngunit hindi pa siya nakakatanggap ng bakuna noong mga panahong iyon. Nang sumunod na araw, nakita ng pangalawang neurologist ang mga brain scan ni Xavier at dito nalaman ng pamilya na nakaranas si Xavier ng parehas na sakit ng ulo at stroke. Dagdag pa rito, nabanggit ng doktor na mayroon na lamang 3% na posibilidad na mabuhay.
Matapos ang pag-uusap, sunod na ginawa ng mga doktor ay operahan ang namuong dugo sa brain stem ni Xavier.
Si Xavier Matapos ang Isang Taon na Karansan ng Sakit ng Ulo at Stroke
Makalipas ang isang taon, tuluyan nang umaasa si Xavier sa kanyang pamilya para sa pangangalaga. Naranasan din ni Xavier sumailalim sa isang medically induced coma at inpatient rehab sa loob ng ilang linggo. Ngayon ay nakauwi na siya ngunit maraming bagay na siyang hindi nagagawa para sa kanyang sarili. Ilan sa mga ito ay ang pagsalita, paglakad, maging ang pagaalaga ng sarili. Ito ay sa kabila ng kamalayan ni Xavier sa mga nangyayari sa kanyang paligid.
Ibinabahagi ng pamilya ang storya ni Xavier upang itaas ang kamalayan ukol sa sintomas ng sakit ng ulo at stroke sa mga kabataan.
Iba pang Impormasyon Tungkol sa Stroke
Ang ischemic stroke ay nangyayari kapag ang suplay ng dugo sa bahagi ng utak ay nagambala o nabawasan at pumipigil sa tisyu ng utak na makakuha ng oxygen at iba pang nutrients. Ito ay nagreresulta ng pagkamatay ng mga brain cells makalipas ang ilang minuto.
Lingid sa kaalaman ng nakararami, ang stroke ay maaaring magsimula bilang mga pangkaraniwang kondisyon tulad ng mga sumusunod:
- Seizure
- Conversion disorder
- Migraine headache
- Hypoglycemia
Ayon sa pag-aaral, humigit-kumulang 15% ng lahat ng ischemic stroke ay nangyayari sa mga kabataan. Ngunit mapasahanggang ngayon, limitado pa rin ang mga impormasyon tungkol sa pampublikong kalusugan at mga pagsisikap sa pananaliksik na partikular na tumutugon sa stroke sa mga kabataan. Higit pa rito, ang maagang pagsusuri ay nananatiling mahirap dahil sa kakulangan ng kamalayan at ang relative infrequency ng stroke kumpara sa mga stroke mimics.
Kung kaya, nararapat na mabigyan-pansin ng mga kabataan ang pagsimula ng iba’t ibang mga sintomas tulad ng ilan sa mababanggit:
- Problema sa pagsasalita at pag-unawa sa mga sinasabi ng ibang tao
- Pamamanhid ng mukha, braso, o binti (Paralysis)
- Problema sa nakikita ng isa o parehas na mata
- Sakit ng ulo
- Problema sa paglalakad
Mahalagang mabantayan at mabigyang aksyon ang mga sintomas na ito upang maiwasan ang paglala ng ulo at stroke sa kabataan.
Kung sa tingin mo ay maaaring may na-stroke, kumilos nang mabilis (F.A.S.T.) at gawin ang sumusunod na pagsusuri:
Face (mukha): Tanungin ang tao kung kaya niya ngumit. Tingnang maigi kung mayroong pag-ngiwi sa isang bahagi ng mukha.
Arms: Hilingin sa tao na itaas ang magkabilang braso. Ang isang braso ba ay kusang bumababa? May panghihina ba sa isa o sa magkabilang braso?
Speech (pananalita):Ipaulit sa pasyente ang mga simpleng pariralang bibigkasin mo. Malabo ba ang pagsasalita o mayroong kakaiba?
Time (oras): Umaksyon agad at tumawag ng ambulansiya matapos gawin ang lahat ng simpleng pagsusuri sa tao, lalo na kung mayroong sagot na oo sa mga nabanggit na tanong.
Alamin ang iba pa tungkol sa Sakit ng Ulo at Migraines dito.