backup og meta

Anxiety at Sakit ng Ulo: Alamin ang Koneksyon ng Dalawa Dito

Anxiety at Sakit ng Ulo: Alamin ang Koneksyon ng Dalawa Dito

Karamihan sa mga tao ay nakaranas ng pananakit ng ulo, sa isang paraan o iba pa. Ang pananakit ng ulo ay karaniwan kaya marami sa atin ang may sarili ng paraan upang mapamahalaan ito. Gayunpaman, nakagugulat na hindi natin madalas na iniuugnay ang anxiety at sakit ng ulo. Ngunit may posibleng pag-uugnay sa pagitan ng dalawa. Ito ay isang koneksyon, napakalapit, sa katunayan, na ang pananakit ng ulo ay maaaring isa sa mga pinakakaraniwang sintomas ng Generalized Anxiety Disorder (GAD). Matuto nang higit pa tungkol sa kung paano makikikilala at mapapamahalaan ang anxiety headache rito.

Ang pananakit ng ulo ay kadalasang maaaring maiugnay sa papasok na pagsisimula ng mga mental disorders tulad ng mga anxiety disorder, bipolar disorder, depression, dysthymia, phobias na kinabibilangan ng agoraphobia at simpleng phobia, o maging mga substance abuse disorder.

Mayroong isang tiyak na predisposisyon na ang mga taong nakararanas ng talamak at pang-araw-araw na pananakit ng ulo sa iba’t ibang mga anxiety disorder, depression, at migraines.

Ang uri ng pananakit ng ulo mo ay maaari ring magpahiwatig kung aling mental disorder ang maaaring sanhi nito.

Anxiety Headache: Migraines

Ang karaniwang koneksyon na alam ng nakararami sa pagitan ng anxiety at sakit ng ulo ay ang pagkakaroon ng migraine. 

Ang migraine ay nailalarawan sa matinding pananakit ng ulo, madalas sa isa o magkabilang gilid at sa paligid ng mga templo, mata, o tenga. Ito ay maaaring magdulot ng pagduduwal, pagsusuka, pagkasensitibo sa liwanag o tunog. Dagdag pa rito, ang mga pananakit ng ulo na ito ay maaaring tumagal ng ilang araw o kasing-ikli ng ilang oras. At ito ay nahahati pa sa dalawang uri.

Ang unang uri ng migraine ay ang karaniwang migraine. Maaari itong maging sanhi ng pagduduwal at pagsusuka. Samantala, ang pangalawang uri ay ang klasikal na migraine na maaaring magdulot ng parehong mga sintomas ngunit sinamahan  na ng isang aura o iba pang mga biswal na sintomas. Kasama sa mga biswal na sintomas na ito ang mga kumikislap na ilaw sa paligid ng 10 minuto hanggang kalahating oras bago ang isang atake. O, sa ilang malalang kaso, maaari itong maging sanhi ng pagkawala ng paningin.

Tension-type headaches at Anxiety

Isa pang posibleng koneksyon ng anxiety at sakit ng ulo ay ang pagkakaroon ng tension-type headache. 

Ang tension-type headache ay mas karaniwan at hindi gaanong malubhang uri ng sakit ng ulo. Kadalasan, ang tension-type headache ay nagdudulot ng banayad hanggang katamtamang pananakit na nararamdaman sa paligid ng mukha, ulo, at leeg. Hindi tulad ng migraines, kadalasan ay wala nang karagdagang sintomas ito bukod sa pananakit ng ulo.

Mayroong dalawang subtype ng tension-type headache — episodic at chronic. Kung episodic ang tension-type headache, nangangahulugan na nangyayari ito nang wala pang 15 araw sa isang buwan.

Sa kabilang banda, ang chronic tension headache naman ay nangyayari 15 o higit pang mga araw sa isang buwan.

Ang ganitong uri ng pananakit ng ulo ay partikular na karaniwan para sa mga taong may GAD.

Anxiety at Sakit ng Ulo: Kailan Ito Maaaring Maituring na Anxiety Headache?

Ngayon na mayroon na tayong pagkakakilanlan sa mga posibleng koneksyon ng anxiety at sakit ng ulo, ang tanong naman ay paano natin malalaman kung ito na ba ay anxiety headache? Ang ilang mga sintomas na maaaring magpahiwatig ng anxiety bilang isang sanhi ay isang mapurol o masakit na sakit na maaaring maging katamtaman sa kalubhaan.

Ang pakiramdam ng presyon sa likod ng mga mata. Maaari ring maging isang indicator ang pakiramdam na parang ang perimeter ng iyong ulo ay humihigpit.

Ang paninikip o paglambot sa mga nakapaligid na lugar tulad ng leeg, balikat, at anit ay maaaring mangahulugan na ito ay anxiety na nagdudulot ng pananakit ng ulo.

Kadalasang nadarama ang anxiety-induced headaches sa magkabilang panig ng ulo at nalulutas pagkatapos ng ilang oras. Mas madalas kaysa sa hindi, ang mga pananakit ng ulo na ito ay hindi nakapanghihina at napakabihirang pinipigilan ang mga tao na gawin kani-kanilang karaniwang pang-araw-araw na gawain.

Kung nag-aalala ka na maaaring ito ay anxiety sa kabila ng hindi pagkakaroon ng diagnosis para dito, pinakamahusay na humingi ng propesyonal na tulong medikal at tamang patnubay upang malutas ito.

Mga Posibleng Paggamot sa Anxiety Headache

Ang koneksyon sa pagitan ng anxiety at sakit ng ulo ay hindi makukumpleto kung wala ang mga posibleng paraan upang mapahalaan ito. Maraming posibleng mga remedy para anxiety headache. Ngunit ang pinakamahalaga at pinakamabisa ay ang pagkakaroon ng isang treatment plan para sa parehong anxiety at sakit ng ulo. Maaari kang maresetahan ng gamot na mabisa para sa pareho tulad ng anxiolytics, monoamine oxidase inhibitors, at tricyclic antidepressants.

Kung ito ay anxiety na nagdudulot ng pananakit ng ulo, maaaring gamitin ang Cognitive-Behavioral Therapy (CBT) upang gamutin ang mismong disorder. At kalaunan, ang anxiety headache na dulot nito.

Para sa pansamantalang lunas, mainam ang mainit o malamig na shower. Maghanap ng isang tahimik na espasyo na may soft lighting para sa pagpapahinga kapag inatake ka ng anxiety headache. Ang banayad na masahe sa ulo at leeg o mga mindfulness practices  tulad ng mga breathing exercises ay maaaring makatulong sa iyo na makapagrelaks.

Para sa agarang pansamantalang lunas, maaaring mapawi ito ng over-the-counter medicine o painkillers. Ngunit kung umabot man sa punto kung saan kailangan mong uminom ng over-the-counter medicine upang gawin ang iyong pang-araw-araw na gawain, maaari kang  humingi ng propesyonal na tulong medikal.

Kailan Dapat Bumisita sa Doktor?

Kung ang anxiety headache ay dumarating nang biglaan at malubha, bubuo pagkatapos ng pinsala sa ulo, sinamahan pa ng pagkalito, kahirapan sa pagsasalita, lagnat, at paninigas ng leeg, maaaring oras na upang kumunsulta sa isang doktor.

Kung ito ay lumalala sa paglipas ng panahon o pinipigilan ka sa paggawa ng mga regular na aktibidad, humingi ng tulong sa parehong paraan na gagawin mo para sa anxiety.

Key Takeaway

Sa kabuuan, ang pinakamahusay na course of action ay kumuha ng accurate diagnosis. Ito ang dapat na maging priyoridad kung gusto mong malutas ang mga umuulit na posibleng anxiety headaches. Pinapabuti nito, hindi lamang ang iyong kamalayan sa kung ano ang eksaktong nangyayari, maging  kung gaano ka kahanda upang pamahalaan ang kondisyon at resulta.

Alamin ang iba pa tungkol sa Sakit ng ulo at Migraines dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Headaches

https://adaa.org/understanding-anxiety/related-illnesses/headaches

Accessed October 26, 2021

Managing Tension Headaches at Home

https://medlineplus.gov/ency/patientinstructions/000421.htm

Accessed October 26, 2021

Primary headaches in patients with generalized anxiety disorder

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3094648/

Accessed October 26, 2021

Anxiety and Depression in Tension-Type Headache: A Population-Based Study

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5082613/

Accessed October 26, 2021

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/8257-tension-type-headaches

Tension-Type Headaches

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/tension-headache/symptoms-causes/syc-20353977

Accessed October 26, 2021

Tension Headaches

https://www.uofmhealth.org/health-library/rt1023

Accessed October 26, 2021

Kasalukuyang Version

06/30/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Migraine?

Ear Piercing para sa Migraine Mabisa ba Ito?


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement