Ang migraine ay isang ang napakalubha at nakapanghihinang kondisyon. Sa katunayan, tinukoy ito ng World Health Organization bilang ika-6 na pinakanakapanghihinang sakit sa buong mundo. Karamihan sa mga pasyenteng may ganitong kondisyon ay maaaring makaranas ng isa o dalawang migraine sa loob isang buwan. May humigit-kumulang 4 na milyong taong may malubhang migraine ang nakararanas nito nang hindi bababa sa 15 beses sa loob ng isang buwan. Bilang resulta, tinatayang 90% ng mga pasyenteng may ganitong kondisyon ang hindi nakagagawa ng mga pang-araw-araw na gawain sa tuwing inaatake ng migraine. Sa artikulong ito, alamin kung ano ang migraine, maging ang mga sanhi, yugto, gamutan, at mga paraan upang maiwasan ito.
Ano Ang Migraine?
Isang pangunahing sakit sa ulo ang migraine. Ito ay isang paulit-ulit, panghabambuhay na sakit ng ulo. Ang simula ng kondisyong ito ay karaniwang nangyayari sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata, ngunit pangunahing nakaaapekto sa mga pasyenteng nasa edad 35-45. Maaari ding nagkaroon ng migraine ang mga pasyenteng nakararanas ng pagkabalisa, depresyon, bipolar disorder, problema sa pagtulog, at epilepsy.
Ano Ang Migraine? Mga Sanhi Nito
Ang migraine ay sanhi ng paglabas ng inflammatory substances na nagdudulot ng sakit sa utak na nakaaapekto sa mga nerves at mga ugat daluyan ng dugo ng ulo. Ayon sa mga teorya noon, ang kondisyong ito ay may vascular etiology; gayunpaman, sa resulta ng mga bagong pananaliksik, may mga mekanismo sa utak na mas kapani-paniwalang paliwanag para sa kondisyong ito. Ang mga tiyak na sanhi na maaaring humantong ng pagkakaroon ng migraines ay kinabibilangan ng:
- Matapang na amoy
- Napakalakas na ingay
- Maliwanag/ kumikislap na mga ilaw
- Mga tiyak na gamot
- Pag-inom ng mga gamot sa sakit para sa migraines
- Kawalan sa tulog o sobrang tulog
- Biglang pagbabago ng panahon
- Paninigarilyo
- Pag-inom ng caffeine o withdrawal pagkatapos ng lubhang pag-inom ng caffeine
- Pagpapalipas ng pagkain
- Stress
- Pagkabalisa
Ang ilang pasyente ay maaaring makaranas ng migraines dulot ng tiyak na triggers, kabilang na ang alak, aged cheese, mga tiyak na prutas at mani, yeast, cured/processed na karne, at mga fermented na pagkain.
Ano Ang Migraine? Stages Nito
Ang migraine na isang partikular na uri ng sakit ng ulo ay nararanasan bilang pumipintig na sakit sa isang bahagi ng ulo. Ito ay maaaring katamtaman hanggang malubhang sakit. Ang pisikal na gawain, pag-ubo, o pagbahing ay maaaring makapagpalubha ng kondisyon, na maaaring magtagal sa loob ng ilang oras hanggang sa halos 2-3 araw.
Karaniwang may limang yugto ang migraine, bagaman hindi lahat ng mga ito ay maaaring maranasan ng lahat ng mga pasyente:
Phase 1 (Prodrome/Premonitory). Ito ay nagsisimula 24 oras bago magsimula ang migraine. Sa yugtong ito, ang mga pasyente ay maaaring makaranas ng pagnanasa sa pagkain, pagbabago ng mood, pagpapanatili ng fluid o pagdami ng pag-ihi, at hindi mapigilang paghikab.
Phase 2 (Aura). Ang bahaging ito ay nararanasan bilang pagkakita sa kumikislap, maliwanag na ilaw o mga linyang zig-zag. Ang mga pasyente sa yugtong ito ay maaari ring makaranas ng panghihina ng muscle. Ito ay maaaring mangyari kaagad bago ang magsimula ang migraine.
Phase 3 (Sakit ng ulo). Kabilang sa bahaging ito ang katamtaman hanggang matinding sakit ng ulo na unti-unting lumulubha.
Phase 4 (Resolusyon). Tumutukoy ito sa punto kung saan ang sakit ng ulo ay unti-unti o biglang humihinto.
Phase 5 (Recovery/ Postdrome). Ito ang phase matapos ang pagsakit ng ulo. Sa yugtong ito, ang mga pasyente ay maaaring makaramdam ng pagkapagod, pagkalito, at panghihina sa loob ng isang araw.
Ang ilang mga pasyente ang maaaring hindi makaranas ng pananakit ng ulo ngunit may migraine na may mga sintomas tulad ng photophobia (paglubha ng paging sensitibo sa liwanag), hyperacusis (paglubha ng paging sensitibo sa ingay), hyperosmia (paglubha ng paging sensitibo sa mga amoy), pagduduwal, at pagsusuka.
Ano Ang Migraine? Diagnosis At Gamutan
Ang migraine ay karaniwang nada-diagnose sa pamamagitan ng medical history at pisikal na pagsusuri (neurological exam). Ang doctor ay maaaring magmungkahi na magsagawa ng laboratory at imaging tests upang malaman ang iba pang mga posible ng kondisyong.
Hanggang ngayon, walang “lunas” para sa migraines. Sa halip, may mga gamutang nakatuon upang maibsan ang mga sintomas at maiwasan ang pag-atake ng migraine sa hinaharap. Ang ilang partikular na gamot ay maaaring magbigay ng makapagpabuti ng mga sintomas, tulad ng ergotamine, triptans, at iba pang pain relievers. Ang mga pasyente ay maaari ding magpahinga sa pamamagitan ng pagpikit ng kanilang mga mata sa isang madilim na silid, pag-inom ng liquids (na walang caffeine o alkohol), at paglalagay ng malamig na compress sa kanilang mga noo.
Kung muling makaranas o kung hindi mawala ang mga sintomas, ang pasyente ay dapat humingi ng medikal na tulong. Ang doktor ay maaaring magreseta ng gamot at alamin ang iba pang mga posibleng sanhi ng sakit ng ulo.
Ano Ang Migraine? Pag-Iwas Dito
Maaaring sumailalim ang pasyente sa pagkontrol ng stress sa pamamagitan ng ehersisyo, mga paraan ng pagpapahinga/paghinga, at biofeedback. Sa pamamagitan ng mga ito, maaaring maiwasan o mabawasan ang kalubhaan ng migraines. Para sa mga pasyenteng may paulit-ulit na migraine, mahalaga ang pagtukoy sa triggers ng pagsakit ng kanilang ulo. Kung ang migraine ay may kaugnayan sa mga problema sa timbang, maaaring imungkahi ng doktor ang pagbabawas ng timbang bilang isang paraan ng pag-iwas.
[embed-health-tool-bmi]
Matuto pa tungkol sa Migraine dito.