Nagtataka ka ba kung ano ang facial nerve disorder at cranial base disorders? Upang matulungan kang mas maunawaan ang mga karamdamang ito, narito ang isang mabilis na pagtingin sa kung ano ang kailangan mong malaman.
Ano Ang Facial Nerve Disorder o Skull Based Disorder?
Ang facial nerve ay ang cranial nerve VII o ikapitong cranial nerve. Ito ay nagmula sa brainstem na matatagpuan sa gilid ng bungo. Lubha nitong nakokontrol ang muscles ng mukha at nagpapadala ng panlasa mula sa dila.
Kung ang facial nerve ay hindi gumagana nang normal, maaari itong mangahulugan ng pagkakaroon ng facial nerve disorder. Ang lahat ng mga karamdaman ay mailalarawan bilang panghihina, hindi karaniwang paggalaw, paglaylay, o paralysis ng bahagi o ng buong mukha.
Ano Ang Facial Nerve Disorder? Mga Sintomas Nito
Ang pangunahing sintomas ng facial nerve disorder ay ang hindi paggalaw o panghihina sa isang bahagi o magkabilang bahagi ng mukha. Maaari itong maging sanhi ng kawalan ng kakayahan ng isang tao na gumawa ng mga ekspresyon sa mukha.
Dagdag pa, ang mga taong may ganitong mga sintomas ay maaaring mahirapang magsalita nang malinaw, uminom, at/o kumain. Sa ilang mga kaso, maaari din itong maging sanhi upang mahirapang kumurap at ipikit ang mata, na maaaring makapinsala sa cornea.
Ang ilan ay maaaring makaranas ng hindi pangkaraniwang pagkibot o iba pang paggalaw sa kanilang mga mukha. Kung masakop ng isang tumor ang nerve, maaaring kabilang sa iba pang mga sintomas ang pananakit maging ang pamamanhid, o pagkakaroon ng bukol/mass.
Ano Ang Facial Nerve Disorder? Mga Sanhi Nito
Iba-iba ang kalubhaan ng facial disorders. Maaari ding magkaroon ng ibang uri depende sa sanhi ng kondisyon. Narito ang isang maikling listahan ng mga karaniwang facial disorders at mga sanhi nito.
Bell’s Palsy
Isa sa mga pinakakaraniwang sanhi ng facial paralysis ay ang Bell’s Palsy. Karamihan sa mga taong may Bell’s Palsy ay maaaring makaranas lamang ng pansamantalang panghihina. Ito ay dahil may posibilidad itong na bumuti makalipas ang ilang linggo. Maaaring ganap na gumaling ang isang tao pagkatapos ng anim na buwan.
Maaaring mangyari ang Bell’s Palsy sa anumang edad at walang tiyak na dahilan. Pinaniniwalaang ito ay maaaring isang reaksyon mula sa isang impeksyon dulot ng virus o resulta ng pamamaga ng isang nerve na kumokontrol sa isang bahagi ng muscles ng mukha. Gayunpaman, maaari itong makaapekto sa parehong bahagi ng mukha sa mga bihirang kaso.
Lyme Disease
Kung makagat ng isang infected na garapata, nagdudulot ito ng impeksyon dulot ng bakterya na tinatawag na Lyme disease. Ang Lyme disease ay maaari ding maging sanhi ng facial nerve disorders.
Ang unang sintomas na maaaring maranasan ng maraming tao ay hugis-target na pantal sa balat. Pagkatapos nito, maaari magkaroon ng iba pang mga sintomas tulad ng panghihina, lagnat, sakit ng ulo, at mga sintomas ng neurological, na kinabibilangan ng facial paralysis.
Ramsay Hunt Syndrome
Ang virus na nagiging sanhi ng bulutong ay nagdudulot din ng Ramsay Hunt syndrome. Ang virus ay maaari pa ring mabuhay sa nerves kahit mawala na ang bulutong. Kaya maaari itong ma-reactivate makalipas ang maraming taon at makaapekto sa facial nerves.
Ang facial nerve na malapit sa isa sa mga tainga ay maaaring magkaroon ng shingles outbreak at posibleng senyales ng Ramsay Hunt Syndrome. Maaari din itong maging sanhi ng pagkawala ng pandinig sa apektadong tainga at paralysis ng mukha.
Trauma
Isa sa pinakakaraniwang sanhi ng permanenteng at/o malubhang paralysis sa mukha ay isang traumatic injury. Ang mga bali sa temporal na buto ng bungo ay kadalasang may kaugnayan sa facial nerve injury.
Ano Ang Facial Nerve Disorder? Tyansa Ng Pagkakaroon Nito
Ang tyansa ng pagkakarooon ng facial nerve disorder ay depende sa sanhi nito. Halimbawa, kung Bell’s Palsy ang sanhi, maaaring magkaroon ng mga sumunod:
- Ganap o parsyal na pagkabulag dahil sa pagkakamot sa cornea o sobrang panunuyo dahil sa kawalan ng kakayahang ipikit ang mga mata
- Hindi normal na muling paglaki ng nerve fibers
- Hindi maibabalik na facial nerve damage
Ang ilan sa mga komplikasyon ng Ramsay Hunt syndrome ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
- Postherpetic Neuralgia
- Pinsala sa mata dahil sa panghihina ng mukha na maaaring maging dahilan upang mahirapang ipikit ang mga mata
- Permanenteng panghihina ng mukha at pagkawala ng pandinig (gayunpaman, karamihan sa mga pasyente ay maaaring magkaroon lamang nito pansamantala)
Ano Ang Facial Nerve Disorder? Paano Ito Gamutin?
Ang paggamit sa facial nerve disorder ay maaaring nakadepende sa sanhi nito, sa tiyak na kondisyon ng pasyente, at iba pa. Narito ang ilang karaniwang gamutan na maaaring kailanganin para sa karaniwang facial nerve disorders:
- Maaaring magreseta ang doktor ng corticosteroids at antiviral na gamot para sa Bell’s Palsy. Maaari ding irekomenda ang physical therapy. Sa ilang mga kaso, maaaring sumailalim ang pasyente sa plastic surgery upang potensyal na maibalik ang paggalaw ng mukha at gawin nitong pantay.
- Para sa Lyme disease, karamihan sa mga pasyente ay sumasailalim sa pangangalaga sa mata at umiinom ng antibiotic upang gamutin ang impeksyon. Maaari ding sumailalim sa facial rehabilitation at pangangalaga ng mata, at uminom ng antiviral na gamot at steroids upang gamutin ang Ramsay Hunt syndrome.
Ano Ang Facial Nerve Disorder? Paano Ito Maiiwasan?
Maaaring maging mahirap malaman kung paano maiiwasan ang pagkakaroon ng facial nerve disorder. Halimbawa, ang Bell’s Palsy ay walang tiyak na dahilan, kaya walang napatunayang paraan upang maiwasan ito.
Maaari magsuot ng mahabang pantalon, mga damit na may mahahabang manggas, mga matataas na saradong boots, atbp. kung pupunta sa isang lugar na maaaring may mga infected na garapata (hal. kagubatan) upang maiwasan ang Lyme disease. Maaari ding makatulong ang paggamit ng insect repellent.
Tulad ng nabanggit kanina, ang parehong virus na nagiging sanhi ng bulutong ay nagiging sanhi ng Ramsay Hunt syndrome. Kaya naman, ang pagpapabakuna para sa mga bata ay maaaring makatulong upang mabawasan ang tyansa ng pagkakaroon ng virus na ito. Ang mga taong nasa edad 50 pataas ay maaari ding magpabakuna ng shingles vaccine.
Kailan Dapat Komunsulta Sa Doktor?
Kung nakakaranas ng paralysis sa mukha, pananakit, panghihina, pamamanhid, pagkibot, o tics, mabuting magpatingin agad sa doktor. Ang doktor ay maaaring magsagawa ng masusing pisikal na pagsusuri upang malaman kung mayroon kang facial nerve disorder.
Pinakamainam na humingi agad ng medikal na atensyon kung may mga sintomas ng facial nerve disorder. Karamihan sa mga sintomas ng facial nerve disorder ay mula sa benign disorders, na maaaring maging mas malubhang problema.
Key Takeaways
Ang pag-alam sa mga senyales at sanhi ng facial nerve disorders ay maaaring makatulong upang malaman kung kinakailangang humingi ng agarang medikal na atensyon.
Matuto pa tungkol sa Peripheral Nerve Disorders dito.