Ang pananakit, isang hindi kasiya-siyang pakiramdam na maaaring ilarawan sa iba’t ibang paraan, ay isang karaniwang sintomas sa maraming mga pangkalusugang kondisyon. Sa mga kaso ng pinsala, trauma, o impeksyon, madaling matukoy ang sanhi ng sakit. Gayunpaman, may mga pagkakataon na mahirap ipaliwanag ang sakit: maaaring iba ang pakiramdam nito sa mga karaniwang uri ng pananakit, at maaaring tumagal nang ilang buwan nang walang malinaw na dahilan.
Ang ganitong uri ng sakit ay maaaring neuropathic sa kalikasan.
Ano ang Neuropathic Pain?
Ano ang neuropathic pain o nerve pain? Upang magkaroon ng malinaw na ideya kung ano ang neuropathic pain o nerve pain, mahalagang maunawaan ang mga sumusunod na termino:
Nociceptors. Ito ay mga nerve cell ending na nakatutuklas ng potensyal o aktwal na pinsala sa tissue. Kapag na-activate, nagpapadala ang mga ito ng mga signals sa utak, na nagpapasimula ng pandamdam ng sakit2.
Somatosensory System. Ito ang bahagi ng sensory nervous system hinggil sa may conscious perception ng mga sensasyon. Kabilang dito ang paghawak, presyon, pananakit, temperatura, posisyon, paggalaw, at vibration na nagmumula sa mga kalamnan, kasukasuan, balat, at mga lining ng mga daluyan ng dugo at organ3.
Ang sakit na nagmumula sa pag-activate ng mga nociceptor dahil sa potensyal o aktwal na pinsala sa tissue ng katawan ay tinatawag na nociceptive pain1. Ito ang paraan ng nervous system para sabihin sa iyo na may mali sa isang bahagi ng iyong katawan.
Sa kabilang banda, ang neuropathic o nerve pain naman ay nangyayari kapag may sugat o sakit ng somatosensory nervous system1. Sa madaling salita, nakararanas ka ng sakit dahil may isyu sa mga ugat na nagdadala ng sensasyon sa utak.
Tandaan na minsan ang sakit ay maaaring magkaroon ng parehong neuropathic at nociceptive na mga bahagi. Ito ay tinatawag na mixed pain.
Ano ang Neuropathic Pain at mga Uri Nito?
Ngayon na alam na natin ang sagot sa tanong na ‘ano ang neuropathic pain’, maaari nating alamin nang mas malalim ang mga uri nito.
May dalawang uri ng nerve pain: central at peripheral1.
Ang central nerve pain ay nangyayari kapag may sugat o sakit sa central somatosensory nervous system, sa utak o spinal cord. Kabilang sa mga halimbawa ang central post-stroke pain at pananakit dahil sa pinsala sa spinal cord.
Samantala, ang peripheral nerve pain ay nangyayari kapag may sugat o sakit sa peripheral somatosensory nervous system. Ilan sa mga halimbawa nito ang pananakit mula sa diabetic neuropathy at postherpetic neuralgia, isang karaniwang komplikasyon ng shingles.
Mga Karaniwang Sintomas ng Nerve Pain
Maaaring kabilang sa mga nociceptive pain ang matinding pananakit mula sa isang hiwa, ang dull ache dulot ng arthritis, at ang panlalambot ng pasa.
Ngunit, ano ang pakiramdam na magkaroon ng nerve pain?
Tulad ng nabanggit kanina, iba ang pakiramdam ng nerve pain sa mga karaniwang uri ng sakit. Ang sakit ay maaaring parang4:
- Mga pin at karayom
- Pangingiliti (tingling)
- Nasusunog o “on fire”
- Binabaril
- Sinasaksak
- Nagyeyelo
- Mga electric shock
Bukod pa rito, ang nerve pain ay kadalasang mas malala sa gabi, at talamak, na nangangahulugang maaari itong magpatuloy nang maraming buwan o higit pa nang walang maliwanag na dahilan4.
Sa wakas, ang neuropathic pain ay maaaring maging sanhi ng pagiging abnormally sensitive sa mga masakit na lugar5.
Halimbawa, ang mga paghipo na karaniwang hindi masakit, tulad ng paghaplos sa balat gamit ang cotton, ay maaaring magdulot ng sharp, burning superficial pain. Gayundin, ang mga pagpindot na karaniwang nagti-trigger lamang ng kaunting sakit ay maaaring maging lubhang masakit5.
Ang Nerve Pain ay Laganap sa Iba’t ibang Pangkalusugang Kondisyon
Ito ay maaaring mapansin sa isang malawak na hanay ng mga sakit, kabilang ang:
Ang Paggamot ay Nangangailangan ng Propesyonal na Medikal na Payo
Kung pinaghihinalaan mo na mayroon ka ng neuropathic pain, napakahalagang makipag-ugnayan sa isang doktor. Sa kanilang gabay, maaari kang magkaroon ng higit pang impormasyon tungkol sa iyong kondisyon at makatanggap ng angkop na gamot.
Mangyaring iwasang pamahalaan ang iyong mga sintomas. Humingi ng propesyonal na payo para sa iyong kalagayan. Bagama’t may mga ibinebentang bitamina na para sa neuropathic pain, inirerekomenda pa rin na palaging kumunsulta sa iyong doktor para sa naaangkop na paggamot. Ang pag-inom ng mga bitamina sa pag-asang bumuti ang pakiramdam ay maaari lamang maantala ang iyong pagkakataon na makatanggap ng mga tamang gamot.
Key Takeaways
Ano ang neuropathic pain o nerve pain? Ito ay nangyayari dahil sa isang sugat o sakit ng somatosensory nervous system, ang mga nerbiyos na nagdadala ng mga sensasyon sa utak. Iba ang pakiramdam ng pananakit na ito sa mga karaniwang uri ng pananakit at laganap sa malawak na hanay ng mga kondisyong pangkalusugan.
Kung pinaghihinalaan mo na ikaw ay dumaranas ng nerve pain, ang pinakamahusay na hakbang ay ang humingi ng medikal na payo mula sa isang doktor.
Alamin ang iba paa tungkol sa Iba pang Issue sa Nervous System dito.
22nd Floor Unit C&D, Menarco Tower, 32nd Street
Bonifacio Global City, Taguig City, Metro Manila
CNS-2022-0026
January 6 2023