Gaano katagal bago lumaki ang tumor sa utak? Ito ay karaniwang tinatanong ng tao tungkol sa tumor sa utak. Ang sagot ay depende sa mga kadahilanan, kabilang ang sanhi, kalusugan ng tao, at kung anong uri ng tumor ito.
Gaano Katagal Bago Lumaki ang Tumor?
Ginagamit ng doktor ang terminong “grade” upang ilarawan ang laki ng tumor sa utak. Mayroong 4 na iba’t ibang mga grade, at kung mas mataas ang grade, mas malala ang tumor sa utak.
Narito ang ilang impormasyon tungkol sa mga grade:
- Grade I- Ang Grade I tumor ay maaaring hindi kumalat at mabagal na lumaki. Karaniwang ginagamot ito sa pamamagitan ng operasyon na mayroong mataas na rate ng pagtatagumpay.
- Grade II- Katulad sa Grade I tumor, ang Grade II ay maaaring hindi kumalat at mabagal din ang paglaki. Gayunpaman, posible ang pagbalik sa ganitong uri ng tumor maging kung sa pamamaraan ng operasyon ito tinanggal o sumailalim ang pasyente sa paggagamot.
- Grade III- Mabilis ang paglaki ng ganitong grade ng tumor at mayroong mataas na posibilidad na kumalat ito sa mga kalapit na tissues.
- Grade IV- Hindi lamang mabilis na lumaki ang ganitong grade ng tumor, ngunit mabilis din ang pagkalat nito. Ang mga tumor na ito ay kadalasang mayroon din sa mga daluyan ng dugo at maging sa mga patay ng tissue.
Posible rin sa grade ng tumor sa utak na magbago sa paglipas ng panahon. Nangangahulugan ito na ang Grade I tumor ay maaari maging Grade II o mas mataas pa.
Kung ang biopsy sample ay isinagawa upang malaman ang grade ng tumor, maaaring hindi nito maipakita ang kabuuang tumor. Nangangahulugan ito na ang sinuring sample ay Grade I o II na tumor, ngunit ang iba ay maaari ding Grade III or IV. Kung kaya kinakailangan ang regular na konsultasyon sa doktor o espesyalista.
Paano Kumakalat ang Tumor Sa Utak?
Ang tumor sa utak ay nakakasama, ito ay cancerous, kung kaya mayroong posibilidad na kumalat ito sa ibang bahagi ng utak.
Mayroong dalawang paraan kung bakit ito nangyayari:
- Ang unang paraan kung ang bigat ng tumor at nagsimula ng lumaki. Kadalasan na naiisip ng tao sa tumor sa utak ay ang bigat sa isang bahagi ng utak ay lumalaki sa paglipas ng panahon.
Maaaring idaan sa operasyon ang paggagamot sa ganitong uri ng tumor sa utak upang mabawasan ang sukat o alisin ito nang tuluyan. Maaari ding imungkahi ng doktor ang chemotherapy o radiotherapy upang patayin ang anumang patay na tissue, upang lumiit ang tumor at mapabagal ang paglaki nito.
- Ang pangalawang pamamaraan ay kung ang bigat na nahanap ng doktor ay ang isang bahagi lamang ng tumor. Ito ay maaaring ang tumor ay mas malala at malaki kaysa sa naunang naisip. Posible sa ganitong pangyayari, ang patay na cells ay lumipat na sa ibang bahagi ng utak at nagsimula ng sumakop at lumaki.
Sa mga ganitong kaso, ang paggagamot ay mas mahirap. Mahihirapan ang doktor na makita kung nasaan ang cancer, at mas magiging komplikado ang paggagamot.
Posible rin na hindi orihinal na nanggaling ang tumor sa utak. Ang taong may cancer sa baga o cancer sa dede, ay maaaring kumalat sa utak. Ito ay kilala bilang metastatic brain tumor, at ang paggagamot dito ay kadalasang kinabibilangan ng panggagamot din sa pinaka pinagmulan ng cancer.
Ang paggagamot ng metastatic brain tumor ay maaaring mahirap. Ito ay totoo lalo kung ang sakit ng pasyente ay nasa mataas na na yugto.
Mahalagang Tandaan
Mahirap na sakit ang tumor sa utak at mangailangan ng advance na pamamaraan ng paggagamot. Gayunpaman, walang dapat ipag-alala dahil ang posibilidad na magkaroon ng cancer sa utak ay mababa sa 1% lamang. Kung kaya kung panatilihin ang katawan na malusog, aktibo, at mayroong regular na check ups, walang dapat ipag-alala. Para sa ibang alalahanin, mainam na komunsulta sa iyong doktor.
Matuto pa tungkol sa Brain and Spine Disorders dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot














