avatarbadge

Marie Kristel Corpin

Propayl ng Manunulat

Si Bb. Marie Kristel B. Corpin ay nagtapos sa kursong Batsilyer sa Edukasyong Filipino na may Sertipiko sa Pagtuturo ng Senior High School sa Pamantasang Normal ng Pilipinas-Maynila at kasalukuyang tinatapos ang kanyang masterado sa kursong Master sa Sining sa Edukasyong Pangwika sa Filipino sa parehong pamantasan. Isang guro sa Filipino sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Tinajeros kung saan may karanasan sa ebalwasyon ng mga modyul sa Filipino at pagsasalin ng ilang piling teksto mula sa ibang wika patungo sa Filipino. Isang tagapagtaguyod ng wika at panitikang Filipino para sa pagpapalaganap ng kaalaman sa mas maraming mamamayang Pilipino.