backup og meta

Nakatutulong Ba Ang Vaginal Steaming Pagkatapos Manganak?

Nakatutulong Ba Ang Vaginal Steaming Pagkatapos Manganak?

Karaniwan na para sa Pilipino ang gumamit ng dahon ng bayabas para mapabilis ang paggaling ng iba’t ibang uri ng sugat. Maaari din kaya nitong malunasan ang postpartum vaginal wound o ang sugat pagkatapos manganak? Anu-ano ang mga benepisyo ng vaginal steaming gamit ang dahon ng bayabas? Alamin dito. 

Ano ang Vaginal Steaming?

Ang vaginal steaming ay kahalintulad ng hot sitz bath kung saan ang babae ay uupo sa ibabaw ng palanggana o timba na may mainit na tubig at halamang herbal, katulad ng dahon ng bayabas. 

Pinaniniwalaang ang singaw na nagmumula sa tubig ay kayang buksan ang “pores” ng balat. At kapag bukas ang mga pores ay ma-aabsorb nito ang mga benepisyo ng herbal. 

Mayroon ding naniniwala na may benepisyo ang vaginal steaming sa matres or uterus ng isang babae. 

Ang Mga Posibleng Benepisyo Ng Vaginal Steaming 

May mga ekspertong nagsasabi na walang siyentipikong pruweba na may benepisyo ang vaginal steaming. Ngunit, marami pa din ang naniniwalang ito ay:

  • Nakatutulong sa fertility
  • Nakapagpapagaan ng mga sintomas ng buwanang dalaw at menopause
  • Nagpapaganda ng daloy ng dugo sa genital area
  • Nakatutulong magpagaling ng postpartum vaginal wound

Paglilinaw: Ang mga nabanggit ay mga pinaniniwalaang benepisyo lamang. Kinakailangan pa ng pag-aaral upang sila ay mapatunayan. 

Vaginal Steaming Gamit Ang Dahon Ng Bayabas: Nakatutulong Nga Ba Para sa Postpartum Vaginal Wound?

Ilang mga researchers sa Pilipinas ang gumawa ng pag-aaral ukol sa benepisyo ng vaginal steaming gamit ang dahon ng bayabas. Pinili nila ang dahon ng bayabas sapagkat kinikilala ng Department of Health ang antiseptic properties nito o ang kakayahan nito upang pigilan ang pagdami ng mikrobyo. 

Sa kanilang pag-aaral:

  • Nag-imbita sila ng 127 participants edad 18 hanggang 45 na may postpartum vaginal wound (episiotomy). Pinangkat nila ang mga participants sa 3 group. 
  • Ang unang grupo ay gumamit ng vaginal steam at wash (pang-langgas) na may dahon ng bayabas 3 beses sa isang araw sa loob ng 7 araw. 
  • Ang ikalawang grupo ay tumanggap ng antibiotic 3 beses sa isang araw sa loob ng 7 araw.
  • Sa huling grupo, ang lunas ay vaginal steam at antibiotic. 

Upang makumpara ang resulta ng 3 grupo, ginamit ng mga researchers ang REEDA scale na tumutukoy sa:

  • Redness o pamumula ng sugat
  • Edema o pamamaga
  • Ecchymosis o ang discoloration ng balat sa paligid ng sugat
  • Discharge o kung may nana ang sugat
  • Approximation o pagsasara ng sugat

Napag-alaman nila na walang pinagkaiba ang REEDA scales ng mga participants sa 3 grupo. Sa madaling salita, ang benepisyo ng vaginal steam at wash na may dahon ng bayabas ay kahalintulad din ng sa paggamit ng antibiotic. 

Ang konklusyon: Ang vaginal steam at wash na may dahon ng bayabas ay maaaring irekomenda para sa wound care ng postpartum vaginal wound. 

Mga Posibleng Masamang Dulot Ng Vaginal Steaming

Bagamat may mga posibleng benepisyo ang vaginal steaming para sa postpartum wound, maaari rin itong magdulot ng:

  • Pagkapaso or burn. Sa katunayan, may isang kaso kung saan ang pagkapaso dahil sa vaginal steaming ay nagresulta sa vaginal prolapse, kung saan ilan sa mga internal organs ay lumundo sa vagina. 
  • Impekson. Ayon sa mga eksperto, ang init galing sa steam ay posibleng magpadami ng mikrobyo na pwedeng mauwi sa impeksyon. 

Dapat Bang Subukan Ang Vaginal Steaming Gamit Ang Dahon Ng Bayabas?

Sapagkat kinakailangan pa ng mga pag-aaral upang mapatunayan kung epektibo nga ba itong pampagaling sa postpartum vaginal wound, hindi nirerekomenda ng mga eksperto ang vaginal steaming na may dahon ng bayabas o kahit ano pa mang herbal. 

Upang mabilis na gumaling ang postpartum vaginal wound, makabubuting sundin ang payo ng doktor at inumin ang mga iniresetang gamot.Bago gumamit ng anumang herbal, sumangguni din muna sa doktor upang maiwasan ang posibleng komplikasyon na dulot nito.   

Learn more about Postpartum Selfcare Here

[embed-health-tool-ovulation]

Disclaimer

Hello Health Group does not provide medical advice, diagnosis or treatment.

Comparison of the Efficacy of Guava Leaves Extract as
Hot Steam and Wash versus Intake of Oral Antibiotic for
Postpartum Wound Healing after a Normal Spontaneous
Vaginal Delivery with Episiotomy*
Accessed September 7, 2020

What is vaginal steaming?
https://www.health.harvard.edu/womens-health/what-is-vaginal-steaming
Accessed September 7, 2020

Is vaginal steaming safe? Our OB-GYN weighs in.
https://hcatodayblog.com/2018/07/12/vaginal-steaming-safe-ob-gyn-weighs/
Accessed September 7, 2020

Episiotomy healing assessment: Redness, Oedema, Ecchymosis, Discharge, Approximation (REEDA) scale reliability
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4376045/#:~:text=The%20REEDA%20scale%20is%20a%20tool%20that%20assesses%20the%20inflammatory,the%20wound%20edges%20(coaptation).
Accessed September 7, 2020

Woman Gets Second-Degree Burns from ‘Vaginal Steaming’
https://www.livescience.com/vaginal-steaming-burns.html
Accessed September 7, 2020

Current Version

12/07/2021

Written by Lorraine Bunag, R.N.

Medically reviewed by Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

Updated by: Bianchi Mendoza, R.N.


People Are Also Reading This

Postpartum Preeclampsia: Symptoms and Treatment

Diastasis Recti Postpartum: What Causes Your Abdomen to Separate?


Medically reviewed by

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Written by Lorraine Bunag, R.N. · Updated Dec 07, 2021

ad iconadvertisement

Was this article helpful?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement