backup og meta

Mga Dapat At Hindi Dapat Gawin Pagkatapos Manganak

Mga Dapat At Hindi Dapat Gawin Pagkatapos Manganak

Ang pagbubuntis ay kadalasang tumatagal ng 37 hanggang 40 linggo o 9 na buwan. Subalit ang mga nararanasang pagbabago ng buong pamilya ay hindi nagtatapos dito. Bagamat madalas na bigyang diin ang prenatal care, maraming mga kababaihan ang nalilito sa mga dapat at bawal gawin pagkatapos manganak. 

Anu-ano nga ba ang dapat tandaan pagkatapos manganak ng isang babae? Alamin dito. 

Mga Paalala Bago Manganak

Sa ilang buwan na pagbubuntis ng isang babae, marami siyang nararanasang pagbabago sa katawan. Ilan dito ay ang pagtaas ng timbang, pagkakaroon ng stretch marks, at pagbabago sa mood. Habang nagbubuntis, nararapat na sumangguni sa doktor ang ina para sa prenatal checkup. 

Sa oras na manganganak na ang isang babae, asahan ang pangangailangan sa ilang mga gamot at anesthesia. Dahil kailangan ng mahabang pahinga pagkatapos manganak, malamang na hindi agarang makauuwi ang babae mula sa ospital. Mainam na gamitin ang oras na nasa ospital pa ang ina at sanggol para ipaalala ang mga importanteng bagay ukol sa breastfeeding, pag aalaga sa sugat, pagpapaligo, at iba pa. 

Mga Dapat Tandaan Pagkatapos Manganak

Ang postpartum period ay hindi lang ginugugol sa pag aalaga ng bagong silang na sanggol. It ay mahalaga din para makabawi ang ina mula sa panganganak. Makatutulong ang mga sumusunod sa recovery ng ina:

Maternity Leave

Maraming nagsasabi na isa sa mga bawal gawin pagkatapos manganak ay ang magpagod. Kaya’t malaki ang maitutulong ng maternity leave. 

Sa Pilipinas, ang mga nagtatrabahong kababaihan ay maaaring mag-file ng maternity leave kung saan mayroon silang hanggang 105 na araw para makapag-pahinga at makasama ang kanilang bagong silang na anak. 

Tamang Nutrisyon 

Isa sa mga bawal gawin pagkatapos manganak ay ang pagkain ng hindi tama. Bukod sa mahalaga ang tamang nutrisyon para manumbalik ang lakas ng babae at magkaroon sya na sapat na gatas para sa kanyang anak (kung pinili niyang mag-breastfeeding), mahalaga din ang tamang nutrisyon para makadumi ng maayos. 

Kadalasan, ang mga bagong panganak ay nakakaranas ng hirap sa pagdumi o constipation. Dahil dito, ipinapayo ng mga doktor ang pagkain ng maraming prutas at gulay, maging ang whole grains. Importante din ang pag-inom ng maraming tubig. 

Kung tatagal ang problema sa constipation, maaaring magbigay ang docktor ng mga gamot tulad ng laxative o stool softener. 

Pagtukoy sa Normal na Pagdurugo

Pagkatapos manganak ng isang babae, normal lamang na sya makaranas ng pagdurugo ng ilang araw. Sinasabing ang pagdurugo ay kahalintulad ng ikalawang araw ng buwanang dalaw. Ang tawag dito ay lochia. 

Dapat matukoy kung normal pa ba ang nararanasang lochia ng isang babae, dahil kung hindi, maaari syang makaranas ng hemorrhage. Alamin ang tungkol sa lochia dito. 

Pagtukoy sa Normal na Pananakit ng Katawan

Bukod sa pagtukoy sa normal na pagdurugo, mahalaga ding malaman kung ang mga pananakit ng katawan na nararanasan ng isang babaeng katatapos lang manganak ay normal pa din. 

Bukod sa sugat dulot ng panganganak or episiotomy, makararanas din ang babae ng contractions ng sinapupunan o matres. Ang contractions ay importante sa pagbalik sa dating laki ng matres. Kung ang ina ay sumailalim sa C-section, normal ding manakit ang tahi ng sugat doon. 

Isa sa mga bawal gawin pagkatapos manganak ay ang ipagwalang bahala ang kakaiba o sobrang pananakit ng katawan. 

Pagbaba ng Timbang

Pagkatapos manganak, ang isang babae ay pwedeng makaranas ng 4 hanggang lagpas 6 na kilong pagbaba ng timbang. Ito ay katumbas ng timbang ng sanggol, inunan, at amniotic fluid. 

Ilang araw or linggo pagkatapos manganak, mababawasan pang unti-unti ang timbang ng babae, lalo na kung siya ay nagpapasuso. 

Iwasang madaliin ang pagbaba ng timbang sa pamamagitan ng ehersisyo at dieta. Tandaan na ang postpartum period ay nakalaan para sa recovery ng babae. 

Pangangalaga sa Mental Health

Pagkatapos manganak, dapat ding pangalagaan ang mental health ng ina. Maraming mga ina ang nakakaranas ng baby blues. Ang magandang balita, ito ay nagtatagal lamang ng ilang araw hanggang ilang linggo. 

Ang nakababahala ay ang postpartum depression na maaaring makaapekto sa takbo ng pag-iisip at emosyon ng babae. Kung hindi bumubuti ang mental health ng isang kapapanganak pa lamang na babae, nararapat na sumangguni agad ito sa doktor. 

Maraming dapat at bawal gawin pagkatapos manganak ang isang babae. Kung mayroong hindi malinaw, makabubuting makipag-usap agad sa doktor. 

Learn more about Postpartum Period here

[embed-health-tool-ovulation]

Disclaimer

Hello Health Group does not provide medical advice, diagnosis or treatment.

Implementing Rules and Regulation for the 105-Day Expanded Maternity Leave Law https://www.dole.gov.ph/php_assets/uploads/2019/05/IRR-RA-11210-dated.pdf Accessed March 9, 2021

Recovering From Deliveryhttps://kidshealth.org/en/parents/recovering-delivery.html Accessed March 9, 2021

The New Mother: Taking Care of Yourself After Birth https://www.stanfordchildrens.org/ Accessed March 9, 2021

Optimizing Postpartum Care https://www.acog.org/clinical/clinical-guidance/committee-opinion/articles/2018/05/optimizing-postpartum-care Accessed March 9, 2021

POSTNATAL CARE OF THE MOTHER AND NEWBORN https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK304191/ Accessed March 9, 2021

Common Conditions https://www.urmc.rochester.edu/ob-gyn/obstetrics/after-delivery/common-conditions.aspx Accessed March 9, 2021

Bleeding after birth https://www.health.qld.gov.au/__data/assets/pdf_file/0033/706587/c-pph-bleeding.pdf Accessed March 9, 2021

Current Version

11/23/2023

Written by Stephanie Nera, RPh, PharmD

Medically reviewed by Jezreel Esguerra, MD

Updated by: Jan Alwyn Batara


People Are Also Reading This

Postpartum Preeclampsia: Symptoms and Treatment

Postpartum Hair Loss: All You Need To Know


Medically reviewed by

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Written by Stephanie Nera, RPh, PharmD · Updated Nov 23, 2023

ad iconadvertisement

Was this article helpful?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement