backup og meta

Tamang Paggamit ng PT o Pregnancy Test, Paano Nga Ba?

Tamang Paggamit ng PT o Pregnancy Test, Paano Nga Ba?

Pagtingin mo sa kalendaryo ay kabuwanan mo na ulit. Pero tila ay hindi pa rin dumarating ang iyong buwanang dalaw. Baka na-delay lang ng onti ang iyong period. Paano kung mayroong ibang dahilan para dito? Paano ba ang tamang paggamit ng PT o pregnancy test? Huwag mag-alala; ituturo namin ang lahat ng dapat mong malaman sa article na ito.

paano gamitin ang p.t.

Ano ba ang pregnancy test? Paano ito gumagana?

Ang mga home pregnancy test ay malaking tulong para malaman ng mga babae kung sila ba ay nagdadalang tao. Gumagana ang pregnancy test sa pamamagitan ng pagtuklas kung mayroong isang uri ng hormone sa ihi. Ang hormone na ito ay nakikita lang sa mga buntis.

Beta-Human chorionic gonadotropin o B-hCG ang tawag sa hormone na ito. Ito ay ginagawa ng placenta matapos magkaroon ng fertilized na egg cell sa uterus.

Mayroong dalawang uri ng pregnancy test na maaaring mabili. Heto ang mga sumusunod:

  • Urine test. Ito ang pangkaraniwang pregnancy test na ginagamit. Nabibili ito sa mga botika, at hindi kailangan ng reseta para makabili nito.
  • Blood test. Ito ay isinasagawa ng mga obstetrician sa kanilang clinic upang malaman kung mayroong Beta-Human chorionic gonadotropin o B-hCG sa dugo.

Hindi lang naman missed period ang sintomas ng pagbubuntis. Mayroong pang ibang sintomas na maaaring maging senyales na ikaw ay nagdadalang tao. Heto ang ilan sa mga ito:

Tamang paggamit ng PT: Mga dapat tandaan

Sa bawat pregnancy test ay mayroong instructions sa tamang paggamit ng PT. Bago gamitin ang test ay mainam na basahin ang instructions na ito, at tingnan rin kung expired na ba ang test. Ito ay dahil kung expired ang test, maaaring mali ang maging resulta. 

Maraming iba-ibang uri ng pregnancy test ang maaari mong bilhin. Gayunpaman, hindi rin nagkakalayo ang paraan ng paggamit:

  1. Tanggalin ang plastic na takip upang makita kung saan dapat ilagay ang urine sample.
  2. Ilagay nang mabuti ang paglalagyan ng sample upang sumakto sa daloy ng ihi. Bigyan ng 7-10 segundo upang masiguradong sapat ang ihi na nakuha ng test. Maaari mo ring ilagay ang ihi sa malinis na lalagyan, at pagkatapos ay isawsaw dito ang test. 
  3. Pagkatapos makakuha ng sample, ibalik ang takip at itabi muna ang test.
  4. Maghintay ng 5 minuto upang masigurado ang resulta ng test.

Tamang paggamit ng PT: Pagbasa ng mga resulta

Sinusukat ng mga PT o pregnancy test ang dami ng human chorionic gonadotropin (hCG) sa ihi. Ang dami ng hCG sa ihi ang magdidikta ng magiging resulta ng pregnancy test.

Dalawang Linya = Positive (Buntis)

Ang Control (C) at Test (T) na bahagi ng PT ay mayroong sariling mga kulay. Ang nagbabago lamang ay kung gaano ka tingkad ang kulay nito na nakabase sa hCG levels. Kapag dalawa ang linya, ibig sabihin ay mayroong mataas na hCG level (lagpas 25 mIU/mL).

Isang Linya = Negative (Hindi buntis)

Sa taas ng pregnancy test ay makikita ang Control (C) section. Kapag dito lang mayroong linya, ibig sabihin ay mababa ang hCG (mas kaunti sa 5 mIU/mL).

Karagdagang Kaalaman

Ang mga pregnancy test ay mabisang paraan para sa mga kababaihan upang malaman kung nagdadalang tao ba sila o hindi. 

Para sa mga first-timers na gagamit nito, hindi dapat mabahala dahil simple lang ang tamang paggamit ng PT. Kapag dalawang linya ang lumabas, ibig sabihin nito ay positive ang resulta. Kung iisang linya naman, negative ang resulta ng test.

Kung maging positibo ang resulta, huwag mag-atubiling magpakonsulta agad sa doktor. Ito ay upang makapaghanda ka sa pagbubuntis, at maalagaan mo agad ang iyong kalusugan, pati na rin ng iyong magiging anak.

Alamin ang tungkol sa pagbubuntis dito.

[embed-health-tool-bmi]

Isinalin sa Filipino ni Alwyn Batara

Disclaimer

Hello Health Group does not provide medical advice, diagnosis or treatment.

  1. Home Pregnancy Tests – How to Prepare, https://www.uofmhealth.org/health-library/hw227606#hw227614 Accessed November 3, 2021
  2. Pregnancy Test, https://medlineplus.gov/lab-tests/pregnancy-test/ Accessed November 3, 2021
  3. Pregnancy Tests, https://my.clevelandclinic.org/health/articles/9703-pregnancy-tests Accessed November 3, 2021
  4. Pregnancy Test Instructions, https://www.med.unc.edu/timetoconceive/study-participant-resources/pregnancy-test-instructions/ Accessed November 3, 2021
  5. What is HCG?, https://americanpregnancy.org/getting-pregnant/hcg-levels/ Accessed November 3, 2021

Current Version

05/29/2023

Written by Fiel Tugade

Medically reviewed by Ann Guevarra MD, OB-GYN Diplomate, POGS

Updated by: Corazon Marpuri


People Are Also Reading This

Can a Positive Pregnancy Test Be Wrong?

When is the Right Time to Take a Pregnancy Test?


Medically reviewed by

Ann Guevarra MD, OB-GYN Diplomate, POGS

Obstetrics and Gynecology


Written by Fiel Tugade · Updated May 29, 2023

ad iconadvertisement

Was this article helpful?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement