Bukod dito, maaari mo ding ma-predict kung kailan ang una’t huling araw ng iyong fertile days sa pamamagitan ng patukoy ng pinaka-maikli at pinaka-mahabang menstrual cycles sa loob ng 6 na magkaaksunod na cycles.
Halimbawa: ang pinaka-maikling cycle ay 27 days; ang pinaka-mahaba naman ay 30 days. Bawasan lamang ng 18 ang shortest cycle, at bawasan naman ng 11 ang longest cycle:
27 – 18 = 9
30 – 11 = 19
Nangangahulugan ito na ang fertile period ay pang 9 hanggang 19 na araw. Magsimulang mabilang sa unang araw ng menstruation.
2. Basal Body Temperature Method
Ang body temperature ng isang babae ay bumababa ng kalahating centigrade bago ang ovulation tumataas kapag nailabas na ng ovary ang egg cell.
Upang maging epektibo ang basal body temperature method, kailangan i-track ang basal body temp gamit ang special thermometer sa umaga, at bago bumangon sa kama.
Upang hindi mabuntis, hindi dapat magtalik kapag bumaba ang basal temperature, hanggang sa 3-4 araw matapos nitong tumaas.
3. Cervical Mucus Method or Billings Method
Ang isa pang paraan ay tinatawag na cervical mucus method o Billings method.
Ito ay ang hindi pagtatalik mula sa araw na maging manipis, malinaw, at malapot ang cervical mucus hanggang apat na araw matapos maging makapal, malabo, at malagkit ang mucus.
Karagdagang Kaalaman
Para maging epektibo ang mga natural na pamamaraan ng birth control, importanteng sunding mabuti ang mga hakbang kung paano ito gawin. Gayunpaman, mahalagang tandaan na marami pang ibang factors ang maaaring makaapekto sa pagbubuntis.
Halimbawa nito ay ang stress, pagkakaroon ng sakit, pati na rin pagod ay nakakaapekto sa body temperature. Ibig sabihin, posibleng hindi maging accurate ang sukat ng basal body temperature kung mayroong ganitong kondisyon ang isang babae.
Sa calendar method naman ay hindi ito epektibo kung irregular ang menstrual cycle ng babae. Para naman sa cervical mucus method, iba-iba ang consistency ng cervical mucus ng mga babae. Kaya’t hindi puwedeng umasa lang sa parraan na ito upang makaiwas sa pagbubuntis.
Alamin ang tungkol sa Women’s Fertility dito.
Isinalin sa Filipino ni Alwyn Batara
Comments
Share your thoughts
Be the first to let Hello Doctor know your thoughts!
Join Us or Log In to join the discussion