backup og meta

3 Natural Na Paraan Para Maiwasan Ang Pagbubuntis!

3 Natural Na Paraan Para Maiwasan Ang Pagbubuntis!

Para makaiwas sa pagbubuntis, may dalawang karaniwang paraan na ginagamit at pwede mong subukan: ito ang paggamit ng contraceptives, o ang paggamit ng natural na paraan. At sa article na ito, pag-uusapan natin kung paano maiiwasan ang pagbubuntis gamit ang natural na paraan.  

[embed-health-tool-ovulation]

Paano Maiiwasan Ang Pagbubuntis: Natural Family Planning

Ang natural birth control o natural family planning ay isa sa mga karaniwang pamamaraan upang maiwasan ang pagbubuntis. Dahil ito ay nakadepende sa natural na paraan, hindi rito gumagamit ng mga pills na pinipigilan ang paglabas ng egg cell mula sa ovary. Hindi rin dito gumagamit ng mga intrauterine devices (IUD) o kaya mga condoms.

Ang pangunahing paraan ng natural family planning ay ang pag-alam kung kailan fertile ang babae, upang maiwasan ang pakikipagtalik sa panahong ito. Ginagamit rin ang withdrawal method at iba pang paraan na hindi naka-depende sa fertility ng babae.

Bagama’t hindi kasing convenient ng ibang paraan ng birth control, kung gawin ito ng tama ay epektibo rin naman ang mga ito. Ayon sa ibang pag-aaral, maaari itong maging 99% na epektibo basta gawin ng tama.

Mga Pros at Cons ng Natural Birth Control

Bago natin pag-usapan ang mga natural na paraan kung paano maiiwasan ang pagbubuntis, alamin muna natin ang pros at cons ng natural na method.

Heto ang ilan sa mga pros ng ganitong paraan:

  • Kumpara sa paggamit ng pills, walang kahit anong side effects ang natural birth control
  • Libre rin ang ganitong paraan ng birth control, at walang kahit anong gamit na kinakailangan
  • Kumpara sa ibang paraan ng birth control, ang natural method ay hindi ipinagbabawal ng maraming relihiyon.

Heto naman ang ilan sa mga cons:

  • Nakadepende ito sa fertile period ng isang babae, na hindi palaging madaling malaman.
  • Kung fertile ang babae ay hindi maaaring makipagtalik, dahil mataas ang posibilidad ng pagbubuntis.

Paano Maiiwasan Ang Pagbubuntis Mga Natural Na Paraan

Heto ang ilang mga natural na paraan kung paano maiiwasan ang pagbubuntis

1. Calendar Method

Para maging epektibo ang calendar method, kailangang bantayan ang menstrual cycle ng 6 na buwan. Ito ay upang makita mo kung gaano kahaba ang iyong cycle. Kung mas maigsi sa 27 na araw ang haba ng iyong cycle, maaaring hindi mainam na gamitin ang calendar method.

Bukod dito, maaari mo ring ma-predict kung kailan ang una’t huling araw ng iyong fertile days sa pamamagitan ng patukoy ng pinaka-maikli at pinaka-mahabang  menstrual cycles sa loob ng 6 na magkaaksunod na cycles.

Halimbawa: ang pinaka-maikling cycle ay 27 days; ang pinaka-mahaba naman ay 30 days. Bawasan lamang ng 18 ang shortest cycle, at bawasan naman ng 11 ang longest cycle:

27 – 18 = 9

30 – 11 = 19

Nangangahulugan ito na ang fertile period ay pang 9 hanggang 19 na araw. Magsimulang mabilang sa unang araw ng menstruation.

2. Basal Body Temperature Method

Ang body temperature ng isang babae ay bumababa ng kalahating centigrade bago ang ovulation tumataas kapag nailabas na ng ovary ang egg cell.

Upang maging epektibo ang basal body temperature method, kailangan i-track ang basal body temp gamit ang special thermometer sa umaga, at bago bumangon sa kama.

Upang hindi mabuntis, hindi dapat magtalik kapag bumaba ang basal temperature, hanggang sa 3-4 araw matapos nitong tumaas. 

3. Cervical Mucus Method or Billings Method

Ang isa pang paraan ay tinatawag na cervical mucus method o Billings method.

Ito ay ang hindi pagtatalik mula sa araw na maging manipis, malinaw, at malapot ang cervical mucus hanggang apat na araw matapos maging makapal, malabo, at malagkit ang mucus.

[embed-health-tool-due-date]

Karagdagang Kaalaman

Para maging epektibo ang mga natural na pamamaraan ng birth control, importanteng sunding mabuti ang mga hakbang kung paano ito gawin. Gayunpaman, mahalagang tandaan na marami pang ibang factors ang maaaring makaapekto sa pagbubuntis.

Halimbawa nito ay ang stress, pagkakaroon ng sakit, pati na rin pagod ay nakakaapekto sa body temperature. Ibig sabihin, posibleng hindi maging accurate ang sukat ng basal body temperature kung mayroong ganitong kondisyon ang isang babae.

Sa calendar method naman ay hindi ito epektibo kung irregular ang menstrual cycle ng babae. Para naman sa cervical mucus method, iba-iba ang consistency ng cervical mucus ng mga babae. Kaya’t hindi puwedeng umasa lang sa parraan na ito upang makaiwas sa pagbubuntis.

Alamin ang tungkol sa Women’s Fertility dito

Isinalin sa Filipino ni Alwyn Batara

[embed-health-tool-ovulation]

Disclaimer

Hello Health Group does not provide medical advice, diagnosis or treatment.

Current Version

05/18/2023

Written by Lorraine Bunag, R.N.

Medically reviewed by Ann Guevarra MD, OB-GYN Diplomate, POGS

Updated by: Lornalyn Austria


People Are Also Reading This

Can Alcohol Stop You From Getting Pregnant?

Here's What You Need To Know About Surrogate Pregnancy


Medically reviewed by

Ann Guevarra MD, OB-GYN Diplomate, POGS

Obstetrics and Gynecology


Written by Lorraine Bunag, R.N. · Updated May 18, 2023

ad iconadvertisement

Was this article helpful?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement