Anu-Ano Ang Mga Pagkain Na Pwedeng Pamalit Sa Kanin?
Mahilig kumain ang mga Pilipino ng kanin dahil mabilis itong makabusog at makapawi ng gutom. Subalit hindi sa lahat ng pagkakataon ay mayroong kanin sa ating mga tahanan o sa mga restaurant na ating pinupuntahan. Ang karaniwang tanong ng mga tao ay anu-ano pa ba ang mga pagkain na pwedeng pamalit sa kanin kapag tayo ay naubusan o walang mabilhan? Ngunit bago natin alam ang mga pagkain na maaaring ipalit sa kanin, basahin muna ang mahahalagang detalye tungkol sa kanin.

Bakit Mahalaga Ang Kanin?
Ang kanin ay isang malusog na pagkain na kinokonsumo madalas ng mga tao sa buong mundo. Malaki ang naitutulong nito para mabigyan ng lakas ang isang tao sa paggawa ng iba’t ibang aktibidad, dahil mayaman ang kanin sa carbohydrates na kinakailangan ng ating katawan upang magkaroon tayo ng enerhiya.
Gayunpaman may mga tao na pinapalitan ang kanin bilang bahagi ng kanilang meal dahil sa mga sumusunod na dahilan:
- Pagkakaroon ng allergy sa kanin
- Kagustuhan na kakaunti lamang ang carbs na makain
- Sinusubukan nila na kaunti lamang ang makonsumo nilang calories
Mga Pagkain Na Maaaring Pamalit Sa Kanin
1. Barley
Ang barley ay maaari mong mabili sa anyo ng mga sumusunod:
- Whole grain
- Pearled
- Flakes
- Flour
Maaari maging pamalit ang barley sa kanin dahil nagtataglay ito ng antioxidants na tinatawag na “lignans” kung saan tumutulong ito sa pagprotekta ng pagkasira ng cells, pagpapababa ng lebel ng kolesterol, at pagbalanse ng blood glucose at insulin.
Bukod rito nagtataglay ang barley ng mataas na fiber at protina na maganda para sa kalusugan ng isang tao.
Maganda rin ang barley na pantulong sa paglaban ng mga chronic disease gaya ng kanser at gout. Dagdag pa rito, naglalaman din ang barley ng 30 na sustansya tulad ng beta-glucan, phytosterols, tocols, at minerals.

2. Patatas
Ang patatas ay pwedeng maihanda sa iba’t ibang paraan upang kainin, dahil maaari itong ilaga, i-bake, o iprito. Kung saan isa ring mahusay na pantawid gutom ang patatas tulad ng kanin, at marami rin itong health-supporting properties. Narito ang mga sumusunod:
- Blood sugar balancing effects
- Anti-cancer effects
- Antioxidant effects
- Cholesterol-lowering effects
- Anti-inflammatory effects
3. Orzo
Malaki ang naitutulong ng orzo para mapanatili ang kalusugan ng isang tao, dahil naglalaman din ito ng protina tulad ng kanin na mabuti para sa pagpapaunlad ng katawan. Dagdag pa rito, ang orzo ay isang pasta na nakakabusog din gaya ng kanin.
4. Cabbage
Ang cabbage ay isang “cruciferous vegetable” na ginagamit din ng mga tao bilang pamalit sa kanin. Ang gulay na ito ay madali ring hanapin tulad ng kanin, kung saan nagtataglay ito ng mababang calories, carbohydrates, bitamina, mineral, at calcium.
Bukod dito, mahusay rin ang cabbage sa pagprotekta sa tao na magkaroon ng mataas na kolesterol, problema sa atay, pancreatitis, at sakit sa puso.
5. Couscous
Mayaman sa protina at fiber ang couscous, at kagaya ng kanin nakakatulong din ito para maramdaman ng isang tao ang kabusugan sa pagkonsumo nito. Kaugnay rin nito, maaaring makatulong ang pagkain na ito para sa pagbabawas ng timbang.
Ang couscous ay may pagkakahawig sa grain at nagtataglay ito ng mataas na protina at fiber na mabuti para sa kalusugan ng isang tao.
6. Bulgur wheat
Maganda na pamalit sa kanin ang bulgur wheat dahil mababa sa fat at may mataas na mineral ito na pwedeng tumulong sa isang tao na i-manage ang kanilang diabetes at blood sugar.

7. Sweet Potato
Ang sweet potato ay nagtataglay ng carbohydrates, micronutrients, fiber, mineral, at antioxidant properties na tumutulong para maprotektahan ang kalusugan laban sa cardiovascular disease at kanser. Dagdag pa rito, ang pagkonsumo ng pagkain na ito ay tumutulong para mapawi ang gutom ng isang tao at maramdaman ang kabusugan.
Key Takeaways
Marami tayong pagkain na maaaring maging pamalit sa kanin gaya ng patatas, cabbage, broccoli, cauliflower, at iba pa. Ang mga pagkain na ito ay nagtataglay rin ng mga sustansya na kailangan ng ating katawan, at tumutulong para maramdaman natin ang kabusugan pagkatapos ng ating pagkain.
Huwag mo ring kakalimutan na pwede kang magpakonsulta sa isang doktor para makahingi ng mga medikal na payo kung paano magkakaroon ng isang malusog na diyeta.
Matuto pa tungkol sa Masustansiyang Pagkain dito.