Ang obesity ay nananatiling isang pangunahing isyung pangkalusugan sa buong mundo. Ito ay itinala ng World Health Organization bilang isa sa mga pinakamalalaking banta sa kalusugan sa mundo noong 2019. Ang pag-alam kung paano makakaiwas sa obesity ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagpapahinto ng pandaigdigang epidemyang pangkalusugan na ito.
Sa Pilipinas, ang obesity ay isang ring malaking banta. Isa sa tatlong adultong Pilipino na nasa edad 20-59 (28.8 porsyento) ay ikinokonsiderang overweight. 9.6 porsyento nito ang ikinokonsiderang obese. Ang usaping ito ay hindi lamang para sa mga matatatnda, dahil ang tinatawag na childhood obesity ay unti-unti ang pagtaas. 5.8% ng mga kabataang edad 5-10 taong gulang noong 2003 ay ikinokonsiderang overweight, ngunit ang parehong age range ay tumaas sa 9.1% noong 2013.
Ang mga kabataang lumaking overweight o obese ay may mataas na tyansang magkaroon ng mga noncommunicable diseases (NCDs) sa batang edad. Malaki ang tyansang madala nila ang obesity hanggang sa pagtanda kung hindi ito maaagapan. Bago pa man ito mangyari, mahalagang makagawa ng mga mahahalagang hakbang upang maiwasan ang obesity.
Mga Risk Factors ng Obesity
Ang obesity ay isang kompleks na sakit kung saan ang isang tao ay nakakukuha ng sobrang body fats higit pa sa kailangan ng katawan. Ito ay maaaring makapigil sa normal na paggana ng mga iba’t ibang mga bahagi ng katawan may maaaring magbunga ng iba’t ibang mga problemang pangkalusugan. Ang medical definition ng obesity ay ang pagkakaroon ng body mass index (BMI) na 30 o mas mataas. Kapag ang BMI na 25-30 ay nangangahulugang ikaw ay overweight.
Para malaman kung paano makakaiwas sa obesity, kailangang alamin ang mga dahilan nito. Ang obesity ay nangyayari dahil sa iba’t ibang genetic, behavioral, at hormonal na risk. Ang ibang mga dahilan ay mga kondisyong gaya ng polycystic ovarian syndrome (PCOS), hypothyroidism, o kakulangan sa growth hormones.
Sa mas karaniwang antas, nangyayari ito dahil sa labis na pagkain–ng calories– na sobra sa kayang sunugin ng katawan sa bawat araw. Ang mga sobrang calories na ito ay iniimbak ng katawan bilang mga deposit fats.
Heto ang ilang risk factors na maaaring magdulot ng obesity sa isang indibidwal:
- Genetics. Ang genetics ay maaaring magdikta hindi lamang ng iyong pisikal na hitsura kundi ng maraming mga katangian ng iyong katawan. Kasama rito ang pagkuha ng mga sobrang body fats at kung gaano kabilis ang metabolismo ng isang tao. Kung hindi maaagapan, ang mga magulang na obese ay may malaking tyansa na magkaroon ng mga anak na may mas mataas na tyansang maging obese rin.
- Paraan ng Pamumuhay. Ang paraan ng pagkain at ang kabuoang pag-asal ay isang aspektong maaaring maging sanhi ng obesity. Ang sobrang pagkonsumo ng calories, ang isang hindi aktibong paraan ng pamumuhay, at maging ang pagkahilig sa matatamis ay nakapagpapadami ng mga calories sa iyong katawan.
- Iba pang mga Risk gaya ng rebound weight gain mula sa pagtigil sa paninigarilyo o matinding pagtatangkang magpapayat, stress, kakulangan sa tulog, at mga sikolohikal na problema ay makaaapekto sa mga isyung pangkaasalan at pagtaba.
Ang obesity ay nagbibigay ng mataas na tyansa ng pagkakaroon ng iba’t ibang mga suliraning pangkalusugan. Kabilang sa mga ito ay ang mga kondisyon gaya ng sakit sa puso, type 2 diabetes (na maaaring magdulot ng diabesity), ilang mga uri ng cancer, rayuma, at nakagagambalang paghilik. Ang mga noncommunicable diseases na ito ay may kaugnayan sa isa’t isa. At ang tyansa na magkaroon ng mga ito na maaaring makapagdulot ng mga komplikasyon na nangangailangan ng matinding medikal na atensyon.
Paano Makakaiwas sa Obesity?
Walang gamot para sa obesity. Sa halip, ang mga tao ay dapat na magsikap na iwasan ang mga sintomas nito at magkaroon ng mas malusog na paraan ng pamumuhay.
Mahalagang maagapan ang sakit na ito nang tuluyan. Narito ang ilan sa mga payo para maiwasan ang obesity sa simula pa lamang:
- Magsimula o panatilihin ang isang physical wellness routine. Ang page-ehersisyo ay hindi lamang makatutulong para sa pagpapapayat at pagpapalakas ng katawan. Tinatanggal din nito ang hindi kailangang mga calories at pinananatiling malusog ang ating puso. Inirerekomenda ng mga doktor ang pagkakaroon ng hindi bababa sa 150-300 na minutong aktibong ehersisyo sa isang linggo.
- Magtuon sa tamang pagkain at iwasan ang mga empty calories. Magtuon sa mga masustansya, kompleks na carbohydrates, at iwasan ang mga matatamis na pagkain at inumin. Ang simpleng pagpapalit ng puting kanin sa mga whole-grain na kanin gaya ng red o brown na kanin ay isang magandang panimula, gayundin ang pag-inom ng tubig imbes na soft drinks.
- Ang pagiging consistent ang sagot. Tiyaking mananatili sa iyong napiling paraan ng pagkain at mga routine.
- Maging mas makapangyarihan kaysa sa iyong isip. Ito ay totoong-totoo lalo na sa mga taong may sikolohikal na sitwasyon o problema. Magtuon sa iyong mga layunin at maging maingat sa iyong pag-asal upang mas mainam na maiwasan ang mga negatibong kaisipang ito.
Para sa mga obese na, ang pagbawas sa iyong obesity ay pareho lamang sa pag-iwas sa obesity. Ang tamang pagkain at page-ehersisyo ay mahalaga upang mabawasan ang obesity.
Tandaan
Pagdating sa pag-iwas sa obesity, hindi totoo ang kasabihang “You are what you eat“. Mas totoo na ikaw ang nagtatakda ng kung ano ang papasok at magiging bahagi ng iyong katawan. Ang positibong pananaw at lakas ng loob ay makatutulong sa pamamahala ng iyong timbang. Hindi ka lamang magiging malusog, mahahanap mo rin ang routine na babagay sa iyo at magbibigay ng maraming benepisyo sa kalusugan mo.
Isinalin sa Filipino ni Marie Kristel Corpin
[embed-health-tool-bmi]