backup og meta

8 Pangkalusugang Benepisiyo ng Kimchi

8 Pangkalusugang Benepisiyo ng Kimchi

Sa nakalipas na ilang mga taon, tila ba hinagip ng kultura ng South Korea ang buong mundo sa alon dahil sa pagsikat ng mga Korean drama at K-pop. Dahil dito, mas nagiging pamilyar ang mga tao sa mga lasa ng bansa — simula sa pinakatanyag na kimchi. Maliban sa pagiging malasa, may mga pangkalusugang benepisyo ng kimchi na dapat nating malaman.

Ang fermented side dish na ito ay kilala dahil sa natatanging antioxidant na katangian, na nagbibigay sa mga South Korean ng magaganda at makikinis na balat. Sapagkat parami nang parami na ang mga Pinoy na kumakain ng Korean food nang regular, ibabahagi namin ang ilan sa mga benepisyong pangkalusugan ng kimchi.

Ano ang Kimchi?

Hindi mawawala ang kimchi sa bawat tahanan sa Korea. Ang side dish na ito ay sumasailalim sa tradisyonal na pamamaraan ng pagbuburo ng mga gulay. Ito ay binubuo ng iba’t ibang pinaghalong sangkap:

  • Asian chives
  • Karot
  • Sibuyas
  • Gochugaru (chili powder o flakes)
  • Luya 
  • Bawang
  • Pamintang pula (red pepper)
  • Asin
  • Asukal
  • Puréed anchovies (dilis)
  • Inasnan na hipon
  • Patis 

Ito ay orihinal na ginawa bilang pagkain para sa panahon ng taglamig. Dagdag pa rito, inilalagay ito sa tradisyonal na kayumanggi na ceramic pots na tinatawag na onggi at ibinaon sa ilalim ng lupa sa loob ng dalawang linggo hanggang mahigit sa isang taon.

Mayroong humigit-kumulang 100 iba’t ibang klase ng kimchi, tulad ng mga sumusunod:

  • Kkakdugi (cubed radish)
  • Chonggak (ponytail radish) 
  • Oi sobagi (pipino)
  • Baek kimchi (white kimchi)

Ang pinakasikat na bersyon ng kimchi ay ang baechu-kimchi o fermented na repolyo o napa cabbage.

Ano ang mga Pangkalusugang Benepisyo ng Kimchi?

Bukod sa maasim at maanghang na lasa ng kimchi na mainam ipareha sa kahit anumang putahe, ito rin ay nagtataglay ng maraming pangkalusugang benepisyo. 

Pinalalakas Nito ang Immune System

Ang kimchi ay mayroong lactobacillus, na tumutulong palakasin ang iyong immune system sa pamamagitan ng paglaban sa mga impeksyon. Gayundin, ang kimchi ay natural na anti-inflammatory at mayaman sa antioxidants, na nag-aalis ng mga free radicals upang panatilihing malakas ang immune system. 

Pinabubuti Nito ang Digestive Health

Marahil ang pinaka hindi kagugulat-gulat na pangkalusugang benepisyo ng kimchi ay ang epekto nito sa digestive system. 

Ang mga fermented na pagkain tulad ng kimchi ay maaaring mapabuti ang kalagayan ng bituka sa pamamagitan ng pag-regulate ng mga antas ng mabubuting bakterya. 

Maaari rin itong makatulong na maiwasan ang pagkakaroon ng diarrhea at constipation. 

Ang probiotics na kalakip ng kimchi ay nakatutulong din sa digestive system na i-absorb ang iba pang mga sustansiya mula sa pagkain na iyong kinakain.

Kinokontrol Nito ang Kolesterol Lebel

Ang mga mananaliksik mula sa Pusan ​​National University sa Korea ay nagsagawa ng pag-aaral sa 100 boluntaryo. Sa simula, ang mga kalahok ay hinati sa dalawang grupo at binigyan ng magkatulad na pagkain ngunit may iba’t ibang dami ng kimchi.

Pagkaraan ng isang linggo, ang parehong grupo ay nagpakita ng pagbaba sa kanilang mga kolesterol lebel kahit pa ang isang grupo ay may kumain ng mas maraming kimchi kaysa sa iba.

Samakatuwid, natuklasan ng pag-aaral na ang pag-kain ng kimchi ay maaaring makatulong sa pagpapababa ng kolesterol, kahit na sa maliit na halaga.

Ang naaayon na lebel ng kolesterol ay nagpapababa ng panganib mo sa mga sakit tulad ng stroke at sakit sa hinaharap.

Pinapababa Nito ang Panganib sa Obesity at Nakatutulong sa Pagpapababa ng Timbang

Ang kimchi ay nagtataglay ng mga lactic acid na nakatutulong upang bawasan ang taba sa katawan. Kapag ito ay sinamahan ng ehersisyo at balanseng diet, maaaring mabawasan ang panganib ng labis na katabaan o obesity

Samantala, ang ilang sangkap sa kimchi (tulad ng sili) ay naglalaman ng capsaicin, na maaaring magpabuti ng metabolismo sa pamamagitan ng pagtaas ng energy expenditure at pagtadtad ng fats at calories. Gayundin, ang capsaicin ay isang natural na appetite suppressant.

Ibinibida Nito ang Pagkakaroon ng Magandang Balat at Makintab na Buhok

Isa sa mga pangkalusugang benepisyo ng kimchi ay ang kakayahang nitong gawing malusog ang balat mula sa loob at maging sa labas. 

Ang bawang na matatagpuan sa kimchi ay naglalaman ng mineral na kilala bilang selenium, na nakakatulong na mabawasan ang pinsala sa balat at mabawasan ang pamamaga na dulot ng mga nakakapinsalang salik sa kapaligiran tulad ng ultraviolet rays. Katulad nito, pinapabuti ng selenium ang kalusugan ng buhok sa pamamagitan ng pagpatay sa fungus na nagdudulot ng balakubak.

Nakatutulong Ito sa Pag-ibsan ng Pagtanda

Ang kimchi ay isang mahusay na pinagmumulan ng mga antioxidant na nagpoprotekta sa mga cell mula sa mga nakakapinsalang epekto ng mga free radical, na nagpapabilis ng mga senyales ng pagtanda sa pamamagitan ng pagsira sa DNA ng balat.

Pinoprotektahan Nito ang Katawan mula sa mga Peptic Ulcer

Isa sa mga hindi kilalang pangkalusugang benepisyo ng kimchi ay ang abilidad nito na maiwasan ang mga peptic ulcer. Ito ay dahil sa Leuconostoc mesenteroides na matatagpuan sa kimchi ay maaaring humadlang sa paglaki ng Helicobacter pylori, isang bacterya na nagdudulot ng peptic ulcer.

Maaari Nitong Labanan ang mga Yeast Infection

Ayon sa mga paunang pag-aaral, ang katangian ng kimchi na pagiging antimicrobial ay maaaring tanggalin ang katawan ng Candida fungus, na nag-trigger ng mga yeast infection.

Gayunpaman, kailangan pa rin ng karagdagang pananaliksik upang higit pang mapatunayan ang mga pahayag na ito.

Mahalagang Mensahe

Tunay ngang malaki ang impluwensiya ng Korean pop culture sa Pilipinas. Isa sa mga pinaka-kapaki-pakinabang na bagay na nakuha ng mga Pilipino mula sa Korean culture ay ang pagmamahal sa kimchi. Ito ay hindi lamang isang masarap na side dish, ngunit mayroon din itong mga nutrisyunal na komponent na tumutulong sa katawan na manatiling malusog.

Matuto pa tungkol sa Healthy Eating dito.

Isinalin mula sa Ingles ni Fiel Tugade.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Hello Health Group does not provide medical advice, diagnosis or treatment.

Kimchi, a Fermented Vegetable, Improves Serum Lipid Profiles in Healthy young Adults: Randomized Clinical Trial https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3598433/ Accessed October 1, 2020

Functional Properties of Lactobacillus Strains Isolated from Kimchi https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S0168160510006938 Accessed October 1, 2020

Health Benefits of Kimchi (Korean Fermented Vegetables) as a Probiotic Food https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/24456350/ Accessed October 1, 2020

Chapter 20 – Kimchi and its Health Benefits https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/B9780128023099000200 Accessed October 1, 2020

5 Reasons to Add More Fermented Food To Your Diet https://health.clevelandclinic.org/5-reasons-you-should-add-more-fermented-foods-to-your-diet-infographic/ Accessed December 9, 2021

Current Version

10/18/2024

Written by Mayvilyn Cabigao

Expertly reviewed by Chris Icamen

Updated by: Jan Alwyn Batara


People Are Also Reading This

Avocado Nutrition Facts: Learn All About its Benefits

The Health-Boosting Benefits of Broccoli


Expertly reviewed by

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Written by Mayvilyn Cabigao · Updated Oct 18, 2024

ad iconadvertisement

Was this article helpful?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement