backup og meta

Paano Nahahawa Ng HPV? Maaari Mo Ba Itong Makuha Sa Pamamagitan Ng Paghahalikan?

Paano Nahahawa Ng HPV? Maaari Mo Ba Itong Makuha Sa Pamamagitan Ng Paghahalikan?

Kapag napag-uusapan ang sekswal na kalusugan, ang mga usaping may kinalaman sa sexually transmitted diseases o STDs ay kadalasang pumapasok sa isipan. Ito ay pinakahulugan ng Planned Parenthood bilang mga impeksyon na naipapasa sa sekswal na paraan sa pamamagitan ng vaginal, oral, at anal na pamamaraan. Sa lahat ng mga impeksyong ito, itinuturing ng United States’ Center for Disease Control and Prevention (CDC) ang HPV bilang pinaka-karaniwang anyo ng STD. Ngunit paano ba nahahawa ng HPV? Maaaari mo ba itong makuha sa pamamagitan ng pakikipaghalikan? Alamin dito. 

Paano Nahahawa ng HPV? 

Ang Human Papillomavirus (HPV) ay isang sexually-transmitted na impeksyon na sobrang karaniwan at maaaring makuha ng karamihan ng mga indibidwal na nakikipagtalik. Mayroong higit sa 200 strains ng HPV— ang bawat isa ay may pangalan na may tiyak na numero. Apatnapu sa mga strains na ito ay maaaring maka-infect sa mga bahagi ng ari gaya ng vulva, vagina, at cervix sa mga kababaihan, penis at scrotum naman sa mga kalalakihan, at sa rectum, at pwet. 

Karamihan sa mga genital HPV ay hindi nakapipinsala at hindi nagpapakita ng mga nahahalatang sintomas. Ang ilang mga strains ay low-risk dahil nagpapakita lamang ang mga ito ng mga genital warts at hindi humahantong sa cancer. Samantala, ang mga high-risk na strains ay maaaring magdulot ng abnormal na mga pagbabago sa selula na maaaring magdulot ng kanser sa mga bahagi ng ari gaya ng cervix, vulva, penis, at pwet. 

Maaari din itong magdulot ng oropharyngeal cancer na nakaaapekto sa lalamunan, bibig, at tonsils. Sa kasamaang palad, ang mga sintomas ng mga high-risk strains ng HPV ay hindi nagpapakita hanggang sa hindi pa ito malala. 

Maaari ka bang Makakuha ng HPV sa Pamamagitan ng Pakikipaghalikan? 

Ang HPV ay kumakalat kung nahahawaan ng isang tao ang isa pa sa pamamagitan ng paglalapat ng balat, ngunit ang virus ay hindi nagpapakita ng anumang sintomas. Kaya naman, maaaring hindi malaman ng isang tao kung nahawa siya nito at maaari siyang makahawa ng iba. Gayunpaman, natitiyak na ang HPV ay kumakalat sa pamamagitan ng sumusunod: 

Vaginal/Anal Sex 

Ang pakikipagtalik na kinasasangkutan ng pagpasok ng genital (penis) sa ari ng babae at pwet ay maaaring makadagdag sa pagkalat ng HPV. Gaya ng naitala ng CDC, ang virus ay kadalasang kumakalat sa pamamagitan ng gawaing sekswal na ito. 

Genital-to-Genital Contact 

Ang bala-sa-balat na ugnayan sa bahagi ng ari, kahit walang nagaganap na pagpasok, ay isa ring potensyal na paraan ng pagpapasa ng HPV. 

Oral Sex 

Ang genital stimulation sa pamamagitan ng bibig, labi, o dila ay maaaring makapagpasa ng HPV mula sa isang tao patungo sa isa pa. Kabilang dito ang stimulation ng penis (fellatio), vagina (cunnilingus), o pwet (anilingus). 

Mga Sex Toy 

Sa kabila ng kawalan ng balat-sa-balat na pagdidikit, ang paghihiraman ng mga sex toys ay maaaring maging sanhi ng pagkakahawa ng HPV mula sa isa patungo sa isang tao. Sa isang pag-aaral nina Anderson, at iba pa (2014), napatunayan na ang HPV ay maaaring makapanghawa sa pammagitan ng paghihiraman ng sex toy at maaaring matukoy hanggang 24 oras pagkatapos linisin. 

Bilang pagpapalawak, ang National Children’s Hospital ay nagsabing ang mga genital warts, na mga nakikitang sintomas ng HPV, ay maaaring makita rin sa mga sanggol at bata kapag: 

  • Ang isang ina na may HPV ang nagluwal sa isang sanggot 
  • Ang kamay ng isang taong may HPV ay ginagamit para sa pagpapalit ng diaper
  • Pagpapaligo sa mga sanggol at bata gamit ang twalya na ginamit ng isang taong may HPV 
  • Ikinakalat ng mga sanggol ang kanilang mga warts sa pamamagitan ng kanilang mga kamay 

Mga Karaniwang Miskonsepsyon Tungkol sa HPV 

Paano naipapasa ang HPV? Mas may tyansa ba ang mga kababaihan na magkaroon ng sakit na ito? Mahahawa ka ba ng HPV sa pamamagitan ng pakikipaghalikan? Maaapektuhan ba nito ang pagbubuntis ng isang tao? Ligtas ba ang bakuna laban sa HPV? Narito ang ilan sa mga karaniwang miskonsepsyon tungkol sa pagkalat at pag-iwas sa HPV: 

Mga Babae Lamang ba ang Nahahawa ng HPV? 

Ang mga babae at lalaki, anuman ang edad, ay may banta ng pagkakaroon ng HPV. Ayon sa Planned Parenthood, ang mga taong nagsasagawa ng mga sekswal na aktibidad ay maaaring magkaroon ng HPV sa isang yugto ng kanilang buhay, Gayunpaman, ang mga babae ay mas hantad sa pagkakaroon ng cervical cancer na siyang inuugnay sa mga high-risk na strains ng HPV. 

Epektibo ba ang Condoms laban sa Pagkalat ng HPV? 

Sinasabi ng Planned Parenthood na ang condom ay epektibo para maiwasan ang hawaan ng ibang mga STDs gaya ng Gonorrhea at HIV. Gayunpaman, hindi nito kumpletong napoprotektahan ang isang tao laban sa HPV na kumakalat sa pamamagitan ng pagdidikit nang balat-sa-balat. 

Paano Naipapasa ang HPV? Makukuha mo ba Ito sa Pamamagitan ng Pakikipaghalikan? 

Sa kasalukuyan, may mga pag-aaral na nagsasabi na ang paghahalikang open-mouth ay nakapagkakalat ng HPV mula sa isang tao patungo sa isa pa. Gaya halimbawa ng pag-aaral nina D’Souza, at iba pa (2009) ay nagsasabi na ang paghahalikang open-mouth ay maiuugnay sa oral HPV infections. Makukuha mo ba ito sa pamamagitan ng pakikipaghalikan? Wala pang pruweba ngunit ang pag-iwas pa rin ang susi rito. 

Maaari ba Akong Magka-Cancer kapag Ako ay Nagka-HPV? 

Ang HPV ay maaaring makuha sa ilang punto sa ating buhay. Sa karamihan ng mga kaso, ayon sa Throat Cancer Foundation, ang ating immune system ay lalaban kapag pumasok na ang mga strains nito sa ating katawan. Gayunpaman, mayroon pa ring banta sa pagkakaroon ng cancer. 

Maaapektuhan ba ng HPV ang Pagbubuntis? 

Sinasabi ng MD Anderson Cancer Center na sa karamihan ng mga sitwasyon, hindi nahahadlangan ng HPV ang pagbubuntis. 

Ligtas ba ang Bakuna Laban sa HPV? 

Oo, ang mga bakuna laban sa HPV ay ligtas. Maaaring makaranas ng ilang side effects at mild reactions ang mga tao, ngunit napatunayan na itong epektibo laban sa pagkalat pa ng HPV. 

Mga Paraan ng Pag-iwas na Mahawa ng HPV 

Ayon sa CDC, maaari nating maiwasang mahawa ng virus mula sa ibang mga tao sa pamamagitan ng sumusunod: 

  • Pagpapabakuna. Ang bakuna laban sa HPV ay isang gamot na subok nang makapagpoprotekta sa atin laban sa mga sakit na dulot ng HPV. Sinasabi ng CDC na ang pagpapabakuna laban sa HPV ay dapat na isinasagawa sa pagitan ng 9-12 taong gulang hanggang 26 taong gulang kung ang isang indibidwal ay hindi pa nababakunahan. 
  • Pagpapasuri kung may Cervical Cancer nang Palagian. Maaaring makaapekto ang HPV sa mga kababaihan sa pamamagitan ng banta ng pagkakaroon ng cervical cancer. Kaya naman, kailangan nilang magpasuri nang palagian para maiwasan ang pagkakabuo ng cervical cancer. 
  • Paggamit ng Condoms nang Maayos. Sa anumang sekswal na aktibidad, mahalagang gumamit ng condoms para sa mga kalalakihan, dental dams para sa mga kababaihan, para maiwasan ang hawaan ng mga STIs gaya ng HPV. 
  • Pagiging Monogamous. Ang pakikipagtalik sa maraming mga kapareha ay maaaring magdulot ng mas mataas na banta ng HPV infection. Iminumungkahi para sa mga indibidwal na aktibo sa sekswal na aspeto na magkaroon ng isang “mutually monogamous relationship.” 

Tandaan

Ang HPV ay itinuturing na pinaka-karaniwang sexually transmitted disease. Paano naipapasa ang HPV? Naipapasa ito nang hindi namamalayan mula sa isang tao patungo sa isa pa. Sa kabila ng pagiging hindi nakapamiminsala sa pangkalahatan, ang ilang mga strains ay maaaring magdulot ng mga seryosong problemang pangkalusugan. Mahalaga na magpabakuna nang maaga at magsagawa ng ligtas na pakikipagtalik para mapigilan ang potensyal na HPV infection. 

Matuto ng higit pa ukol sa HPV dito

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Genital HPV Infection – Fact Sheet,https://www.cdc.gov/std/hpv/stdfact-hpv.htm Accessed January 19, 2021

Human Papillomavirus (HPV) and Cervical Cancer, https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/human-papillomavirus-(hpv)-and-cervical-cancer Accessed January 19, 2021

HPV and cancer: 9 myths busted, https://www.mdanderson.org/publications/focused-on-health/FOH-HPV-myths.h14-1589835.html Accessed January 19, 2021 

HPV infection, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hpv-infection/symptoms-causes/syc-20351596 Accessed January 19, 2021

10 Things You Might Not Know About HPV, https://rightasrain.uwmedicine.org/life/sex/10-things-you-might-not-know-about-hpv Accessed January 19, 2021

Human Papillomavirus (HPV), https://www.plannedparenthood.org/learn/stds-hiv-safer-sex/hpv Accessed January 19, 2021

Types of Human Papillomavirus,https://nyulangone.org/conditions/human-papillomavirus-in-adults/types Accessed January 19, 2021

Myths about HIV and AIDS, https://www.avert.org/hiv-transmission-prevention/myths Accessed January 19, 2021

HPV Myths vs. Facts, https://www.plannedparenthood.org/files/3413/9611/7996/HPV_Myths_v_Facts.pdf Accessed January 19, 2021

Myths about HPV that must be busted, https://www.throatcancerfoundation.org/myths-about-hpv-that-must-be-busted-on-world-cancer-day/ Accessed January 19, 2021

HPV Gardasil Vaccine, https://foothill.edu/healthservices/hpv.html Accessed January 19, 2021

Oral Sexual Behaviors Associated with Prevalent with Oral Human Papillomavirus Infections, http://cgi.csulb.edu/~nmatza/powerpoint/HSc411BAssign/Course%20Docs/%20%20HSc425%20%20Docs/hpv.kissing.pdf Accessed January 19, 2021

Genital Warts in Babies and Children, https://www.nationwidechildrens.org/conditions/genital-warts-in-babies-and-children Accessed January 19, 2021

 

Kasalukuyang Version

10/16/2024

Isinulat ni Marie Kristel Corpin

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

19 Taong Gulang Na Lalake Mayroong HPV — Ano Ang Itsura Ng HPV?

HPV Test Sa Lalaki: Mahalaga Ba Na Magpa-Test Ang Mga Kalalakihan?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Marie Kristel Corpin · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement